OBSESSION ENTRY # 20
" b-baby.." mula sa pagkagulat kitang kita ko kung paano mawalan ng kulay ang kanyang mukha, she blinked many times na para bang sinisigurado niyang kami ang nasa harapan niya.. na ako.. ako ay nasa harapan.. nawalan ito ng balanse pero mabilis din itong nakabawi at nahawak sa hamba ng pintuan.. halos sabay pa kami ni Lean na aalalay sana sa kanya kaso mas minabuti naming wag na lang.. lalo na ng makita ko ang panginginig ng kanyang kamay .. at alam ko.. alam kong buong katawan niya.. apektadong apektado sa aking presensya.. shit!! ni hindi ko pa nga siya nilalapitan at nahahawakan ganito na ang nararamdaman niya sa akin.. what more pa kung ipilit ko ang kagustuhan na makausap siya ng sarilinan.. hanggang ngayon ba hindi pa rin siya handa? hindi pa rin ba siya handang harapin at kausapin ako.? papaano ako hihingi ng tawad kung halos pakiramdam ko nandidiri pa rin siya sa akin? papaano ako makakapagpaliwanag sa kanya kung sa mga mata niya nakikita ko pa rin yung takot, pangingilag sa akin...
Alam mo yung pakiramdam na gustong gusto ko siyang ikulong sa aking bisig.. yung tipong hindi ka makahinga dahil pakiramdam ko hinihigop niya ang lakas ko at hangin ko sa baga.. tapos yung puso ko halos lumabas sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba.. yung wala kang nakikita sa paligid at wala ka ng pakialam kung anong mangyari sayo basta makita mo lang siya... shit!! sa totoo lang naninikip ang dibdib ko.. nagluluha ang aking mga mata.. goddammit!! I miss her!! I miss everything about her!! her eyes, her lips, her hair.. even her smell... lahat yun nasa aking harapan.. pero hindi ko maabot at mahawakan.. I clenched my fist tightly.. dahil kating kati na ako.. marami akong gustong gawin.. sabihin.. pero natatakot ako.. natatakot sa maaaring gawin niya.. sabihin niya.. tang ina lang!!! napipipi na ako.. pagdating sa kanya!! nawawalan ako ng silbi.. kinukwestyon ko ang aking kapasidad bilang isang lalaki.. dahil natatakot akong magkamali ulit.. at masaktan siya..
" p-papaano---- a-anong ginagawa niyo dito? " ni hindi niya makuhang tumingin sa akin, kay Lean lang nakatutok ang kanyang mga mata.. puno ng panginginig ang kanyang boses.. pero shit lang.. boses pa lang niya.. nanlalambot na ang aking tuhod.. tumitiklop ako..
" Yan talaga ang ibubungad mo sa akin, sa amin.. yan talagang mga tanong na yan? Hindi mo man lang ba ako yayakapin dahil tatlong taon tayong hindi nagkita, since para kang bulang naglaho sa ospital, Jas.. " puno ng pagtatampo ang tinig ni Lean ng sabihin niya ang mga iyon.. I saw her stiffened, swallowed many times na parang nililimi niya ang mga sinabi nito.. when she raised her eyes and met Mine.. saglit lang yun.. pero napalakas ng tama noon sa akin.. nagulat na lang ako ng may mainit na likidong pumatak sa aking kanang pisngi.. wala sa sariling pinahid ko iyon.. umiiyak ako ng hindi ko namamalayan.. kinagat ko ng mariin ang aking pang ibabang labi.. I closed my eyes tightly.. shit!! shit!! hindi ko kaya!! hindi ko na kaya!! Ang tagal kong naghintay!! ang tagal kong hinintay na makita siya!! makaharap siya ng ganito!!
ilang hakbang lang.. makakalapit na ako sa kanya..
ilang hakbang lang.. maipapaloob ko na siya sa aking braso..
ang buhay ko...
Hindi ko alam kung paano ko hinawi o itinulak si Lean para lang makalapit ako sa kanyang harapan basta ang natatandaan ko na lang ay ang mahinang pagsinghap niya ng ipaloob ko siya sa aking bisig.. ohhh goddd.. sweet mercy mother of goddd.. ang sarap sarap sa pakiramdam.. ang sarap sarap ng feeling.. kahit pa nga naninigas ang kanyang katawan dahil sa tensyon at biglaan kong ginawa.. hindi ko inaasahan na hindi niya ako itutulak.. na magsisimula na siyang sumigaw at murahin ako ng maraming beses.. habang umiiyak siya.. yung galit na galit na pagpapalayas niya sa akin.. wala.. wala.. although sa paninigas ng kanyang katawan.. ramdam ko rin ang panginginig niya.. hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting pag asa... could it be? is this a sign? a sign na maaaring mapatawad niya ako.. with that thought.. tuluyang ng kumawala ang aking pinipigil na mga luha.. hinayaan kong maglandas iyon sa aking magkabilang pisngi habang.. nakabaon ang aking buong mukha sa kanyang leeg.. I heard her sigh.. and because of that.. mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.. mahigpit na mahigpit.. dahil gusto kong siguraduhin na hindi lang ito isang panaginip.. kung maaari ko nga lang patigilin ang ikot ng mundo.. ang oras.. ang minuto... ginawa ko na.. para lang sa mga sandaling ito.. pero alam kong matatapos at matatapos din ang lahat.. pero sasamantalahin ko na.. dahil sa aking mga bisig nakapaloob ang babaeng aking pinakamamahal.. " X-Xander..c-cant b-breathe.."
BINABASA MO ANG
O B S E S S I O N
General Fictionfirst crush.. first love.. first kiss.. first heartbreak.. yan si Xander.. si Xander sa buhay ko.. nilayuan ko siya dahil iyon ang tama.. iniwasan ko siya dahil ako ang magiging biktima.. iniwan ko siya dahil ako ay nasaktan.. pero bakit? bakit kai...