OBSESSION ENTRY # 16
What.the.hell.is.happening!!!?
What the hell did I do?
Kani kanina lang kausap ko pa siya.. nasa harapan ko pa siya.. I lied.. yeah I lied.. but I was about to tell him the truth kaya ko siya tinatawagan kanina sa cellphone niya pero hindi niya sinasagot... Shit!!!shit!!!shit!!! this is all my fault!! Magulo na nga ang sitwasyon.. dinagdagan ko pa!!! gumatong pa ako sa mga nangyayari.. Ang gusto ko lang naman ay ilayo si Jas sa kanya... ilayo sa kanya ng tuluyan ang aking babaeng pinakamamahal but looked what happened.. Ohhhh G-Goddd.. please.. please.let.my.brother.live... I was about to tell him.. to tell him that the baby is alright.. that I lied.. I am willing to face his anger because I deserved it.. I am willing to let.Jasmine.go.. dahil narealize ko kanina na kahit anong gawin ko .. kahit anong pilit ang gawin, hinding hindi ako mamahalin ni Jas.. hinding hindi na lalagpas a pagiging matallik na kaibigan ang magiging tingin niya sa akin.. Nang mag usap kami kanina.. nakita ko sa kanyang mga mata ang katotohanan.. na iyon.. parang isinampal sa aking mukha ang katotohanan.. ako.. ako ... na lang naman ang mapilit.. sana .. sana... hindi ko na lang sinabi iyon lahat kay Kuya.. hindi ko siya hinayaang umalis sa aking harapan kanina.. hindi ko siya hinayaang umalis na wala sa sarili.. goddammit!!! goddammit!!!! I am crying in my two hands habang nakaupo ako dito sa labas ng EMERGENCY ROOM.. again.. kanina si Jas.. ngayon naman si Kuya Xander.. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.. hindi ko pa rin maaalis sa utak ko ang sinabi ng lalaking nakausap ko kanina sa cellphone ni Xander.. car accident.. hindi ko kayang tingnan ang itsura niya kanina habang ipinapasok siya sa ER.. puro dugo.. ang kanyang damit.. ang kanyang braso at ang kanyang mukha.. hindi ko alam kung anong sasabihin dahil.. nakokonsensya ako.. this is on me.. pero bakit?!!! bakit kailangan niyang gawin?!! anong bang meron sa pagpapakamatay at ginagawa nila iyon?!! ano bang meron sa kanila ni Jas at parang ang dali dali sa kanilang gawin ito.? Gusto kong matawa.. dahil sa mga nangyayari.. naiiyak ako.. nagagalit.. gusto kong magmura at magwala!! Papaano ko sasabihin ito kay Mama? At ang ang tanong pang gumugulo sa aking isipan ay kung dapat ko bang sabihin ito kay J-JAS?
Halos mabali ang aking leeg sa paglingon ng marinig kong bumukas ang salaming pintuan ng ER... ilang oras na ba ng nakaraan simula ng ipasok nila si Kuya doon? bakit ba ang tagal tagal? ano na ang nangyayari? Is he d--------- no!!! kilala ko siya Kuya.. hinding hindi siya susuko ng ganun ganoon na lang.. palaban siya.. walang inuurungan.. wa------------------- pero bakit niya ito ginawa!!!! bakit!!!???
" Ikaw ba a-------------
" A-ko po ang kapatid niya, Doc. A-no pong lagay niya?" walang kalakas lakas na tanong ko sa kanya.. nakatayo kami at magkaharap pero sa totoo lang walang kalakas lakas ang aking dalawang tuhod dahil sa sobrang tensyon na aking nararamdaman.. halos lumabas ang puso ko sa sa aking dibdib dahil sobrang takot at kaba.. hindi ko na rin kontrolado ang panginginig ng aking buong katawan.. nanlalabo ang aking paningin, pero hindi ko ininda iyon.. pinahid ko ng mabilis ang aking mga luha..
"He's in comatose state to be honest with y-------------------------- s-sir. sir are you alright? " dahan dahang bumigay ang aking tuhod.. halos mawalan ako ng balanse.. kung hindi ako nahawakan ng doctor na aking kausap malamang bumagsak ako sa semento.. nanghihinang napasandal ako sa pader.. dahil pakiramdam ko umiikot ang aking paningin.. nabibingi ako.. no!!no!! he's in coma.. in a goddamn comatose state!!! and it because of me!! its because I lied to him!!!
" H-How is h-he? please tell me the truth, how bad is h-he, doc? " pikit matang tanong ko.. dahil hindi ko kayang tingnan sa mga mata ang doctor na aking kausap dahil pakiramdam ko nanunuot iyon sa aking kaluluwa.. kinokonsensya ako.. pakiramdam ko.. mga mata ni Kuya iyon..
" Maliban sa galos, bugbog na kanyang tinamo wala naman permanent damage sa kanyang katawan.. in time it will heal.. pero hindi ko masasabi iyon sa kanyang ulo.. napakalaki ng sugat niya sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo, tumama iyon sa isang napakatigas na bagay, halos hindi namin mapahinto ng mabilis ang pagdurugo.. I know this will be hard to accept but Im afraid.. really afraid na baka hindi na siya magising.. his left brain was swollen.. kung magising man siya, maaaring mawalan siya ng memorya.. hindi na rin magiging normal ang pag iisip niya.. I s---------------------------------------
" Ang ibig niyong sabihin doc.. may posibilidad na hindi na siya magising? Na kung sakali man na magising siya wala na siyang maaalala.. na magiging abnormal na siya? W-wala na ba kayong magagawang ibang paraan?!! Hindi ba siya kailangang operahan?!! Kahit magkano pa yan, kayang kaya naming bayaran!! Basta mabuhay lang ang kapatid ko !! basta magising lang siya!! Babayaran ko kayo kahit magkano!!! Gisingin niyo lang siya!!! Gawin niyo ang lahat! gawin niyo ang lahat parang awa niyo na!!! gawin niyo ang lahat!! " halos mawalan ako ng boses sa sobrang pagsigaw.. nagagalit ako sa aking sarili pero sa ibang tao ko naibubunton.. nakatingin lang sa siya sa akin na para bang nauunawaan niya ang aking nararamdaman.. ni hindi ko man lang nakitaan ng takot at pangingilag ang aking kausap.. dahil sa aking outburst..
" Gagawin namin ang lahat, hindi mo kami kailangang bayaran ng sobra.. dahil ito ang trabaho naming mga doctor.. ang magligtas ng buhay.. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo .. this is hard to accept.. I promised you lahat ng dapat gawin at kakailanganin ng iyong kapatid ay ibibigay at gagawin namin.. Pero ayaw ko kayong paasahin.. he's alive, he's just in coma.. kung kalian siya magigising nasa kanya na ang pagpapasiya.... Kung magkaroon man ng problema.. sasabihin namin sa iyo.. We need a miracle right now.. at pagdarasal ng taimtim ang kasagutan doon.. I will give you update kung sakaling magbago ang kalagayan niya.. pansamantala.. sa ICU muna siya maglalagi.."
Tanging tango lang aking naisagot sa kanya.. nakaalis na siya sa aking harapan pero hanggang ngayon hindi pa rin gumagana ang aking utak.. pakiramdam ko kasi hindi totoo ang nangyayari.. na nasa isa lang akong panaginip.. dahil honestly kung maibabalik ko lang iyong ilang oras na kausap at kaharap ko si Kuya kanina dito sa ospital.. ginawa ko na.. kanina ko pa ginawa.. dapat pinigilan ko siya.. hindi ko siya hinayaang umalis.. hindi ako nagsinungaling.. sinabi ko dapat sa kanya ang katotohanan.. ang daming sana.. sana.. pero kahit anong pikit at pukpok ko sa aking ulo.. wala.. talagang totoo ang nangyayari.. Na nandito ako sa ospital, si Kuya Xander .. si Jasmine.. at ako.. we were tangled in a mess that we dont know how to fixed and face.. magkakadugtong.. magkakadugtong kami.. kung sino ang aayos.. hindi ko alam..
I made my decision.. kailangang niyang malaman.. kailangang malaman ni Jas ang kalagayan ni Kuya Xander. Kailangan kong sabihin sa kanya, kung anuman ang mangyari.. kung anuman ang desisyon ni Jas.. matatanggap ko.. maaaring siya.. siya lang ang makatulong kay Kuya.. maaaring siya lang ang hinihintay ni Kuya para idilat niya ang kanyang mga mata.. baka sakaling kapag narinig niya ang boses ni Jas.. gustuhin niyang magising.. gustuhin pa niyang mabuhay.. Sana nga.. sana.. maintindihan ito lahat ni Jas.. Sana.. kahit papaano makapa niya sa puso niya yung dating pagmamahal niya kay Kuya na natabunan lang ng sobrang galit at pagkasuklam.. sana she will find way to forgive him.. sana.. ang daming sana.. pero na kay Jas pa rin ang desisyon...
Sa nanghihinang katawan, at nanlalabong paningin dahil sa mga luha sa aking mga mata.. tumayo ako at huminga ng malalim kahit pa nga pakiramdam ko sinasakal ako.. naglakad ako ng marahan patungo.. patungo kung nasaan ang private room na kinalalagyan ni Jas.. GOD.. give him a chance.. a chance to fixed things between him and Jas... hayaan mo lang magising ang aking kapatid.. ako pa mismo ang tutulong sa kanya para maaayos ang lahat.. para mapatawad siya ni Jas.. dahil in some way.. naiintindihan ko na kung bakit nagawa lahat ni Kuya ang mga bagay na iyon kay Jas.. mali man ang lahat ng kanyang ginawa.. ang tanging dahilan lang noon ay.. NAGMAHAL SIYA NG SOBRA SOBRA..
kagaya ko..
Sana may oras pa ako.. may oras pa ako para maitama ang lahat..
Para makahingi ako ng tawad..
Sana mapatawad ako ni Kuya..
Dahil.. alam kong kasalanan ko ang lahat ng nangyari...
-------------------------------------> see attached picture on the side
Jasmine is Miranda Kerr guys!!
BINABASA MO ANG
O B S E S S I O N
General Fictionfirst crush.. first love.. first kiss.. first heartbreak.. yan si Xander.. si Xander sa buhay ko.. nilayuan ko siya dahil iyon ang tama.. iniwasan ko siya dahil ako ang magiging biktima.. iniwan ko siya dahil ako ay nasaktan.. pero bakit? bakit kai...