OBSESSION ENTRY # 29

31.2K 691 49
                                    

















OBSESSION ENTRY # 29



















            " K-Kuya, t-tama na.. tama na yan.. Wala kang kasalanan sa mga nangyari. Hindi mo naman alam na ganito ang kalalabasan. Sino ba naman ang may kagustuhan na mangyari ang mga bagay na iyon kay Jas? Wala naman di ba? A-ang mas ma-------------   
















    " No!! tama sila Lean.. Kasalanan ko ang lahat.. kasalanan ko kung bakit siya nagkaganoon, kung bakit siya nabaliw, kung bakit siya nawala sa sarili niya!! kasalanan ko kung bakit namatay ang anak ko!! kasalanan ko!! kasalanan ko lahat lahat iyon!! tama sila wala akong kwentang tao!! wala!! Puro pasakit na lang ang ibinigay ko kay Jas!! Ang lakas ng loob kong sabihin at idahilan na kaya ko nagawa ang mga bagay na iyon ay dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Jas!! pero mali!! maling mali ako!!" my voice was cracked and full of agony.. kahit ako hindi ko akalain na galing sa akin ang tinig na iyon.. wala na yata akong gagawin sa buhay ko kundi ang umiyak, lalaki ako.. pero parang pagdating kay Jas at sa aking anak.. ang hina hina ko.. napapaiyak nila ako..
















    Bakit ganun? Wala na ba akong karapatang maging masaya? wala na ba akong karapatang mangarap na mabubuo na kami?.. ang akala ko kasi magiging maayos na ang lahat.. napatawad niya ako, natanggap ako ng anak ko.. pero bakit parang ang dami namang hadlang? Hindi pa ba sapat iyong mga taon na nagdaan na nagdusa ako, na pinarusahan ko iyong sarili ko dahil sa kawalang hiyaang ginawa ko sa kay Jas? kulang pa ba iyong ilang taon  hinanap ko sila? kulang pa bang parusa iyon sa akin? Ang sakit sakit naman.. ang sakit sakit.. nagmahal lang naman ako ng sobra sobra, halos sa sarili ko nga wala na akong itinira.. ito ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan na ginawa ko sa kanya? sa lahat ng paghihirap at sakit na idinulot ko sa kanya? parang mas mabuti pa sana.. hindi na ako hinayaang magising na diyos kung ganito lang ang mangyayari.. sana .. sana.. doon pa lang pinatay na niya ako.. kaysa ganito.. bawat segundo, minuto at oras na dumadaan.. unti unti akong nauupos na parang kandila at pinapatay....






















    " Pull yourself together Kuya!! You damn well know na matagal mo ng pinagbayaran ang mga kasalanan mo kay Jas!! goddammit!! wala silang karapatang husgahan at isisi lahat sayo ang mga nangyari kay Jas!! tang ina!! wala silang karapatang pagmukhain kang tanga!! Fight for yourself! wag mo naman hayaan na matahin ka nila, na kawawain ka nila!! Your Alexander Montenegro!! your Xander!! Kung mahal mo si Jas, face them.. face them all.. ipakita mo sa kanila kung papaano magmahal ang isang Alexander!! Ipakita mo sa anak mo kung paano maging isang ama.. "    galit na galit na sigaw sa akin ni Lean..



















    Si Dria...







    Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanya?




    Kanina kitang kita ko sa kanyang mga mata ang takot at pangingilag sa akin..

    Kulang na lang maglumuhod at magmakaawa ako sa kanya kanina para lumapit siya sa akin at para mayakap ko  siya..










    Mas mabuti pa nga siguro kung hindi na lang ako nagpakita sa kanila.. hinayaan ko na lang sana sila na pagmasdan sa malayo kaysa ganito.. para na naman kaming naglalaro ng habulan.. taguan..                



















    " We're here, Kuya.. please.. ayusin mo ang sarili mo. Isipin mo na lang ang anak mo. Parang awa mo na, kontrolin mo ang galit mo.. kung kinakailangan na itikom mo ang bibig mo hanggang makakaya mo, gawin mo..  isarado mo ang ang dalawang tenga mo.. at palagpasin mo ang mga sasabihin nila pero kung talagang sobra na.. lumaban ka pero wag na wag kang mananakit sa harap ng anak mo.. " tanging tango lang ang aking naisagot sa kanya.. huminga ako ng maraming beses para kalmahin ang nagwawala kong puso at nanginginig kong katawan.. Naramdaman ko na lang na nakahinto na ang sasakyan at binuksan na ni Lean ang pintuan para makalabas ito.. samantalang ako para akong ipinako sa aking kinauupuan.. ni hindi ko nga maigalaw ng maayos ang aking mga daliri para buksan ang pintuan sa aking gilid.. nag aalala ako sa aking asawa, kung ano ang lagay niya pero natatakot ako sa maaari kong makita.. dahil sa mga pagkakataon na ganito.. naaalala ko yung isang pangyayari sa buhay ko na ganitong ganito rin.. iyon yung mga panahon na tinangkang kitilin ni Jas ang kanyang buhay noon ng malaman niya ipinagbubuntis niya ang aming anak.. Paano kung ganun na naman ang mangyari? kung ipagtabuyan na naman ako? hindi ko kakayanin.. hindi na..
















O  B  S  E  S  S  I  O  NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon