Levi's POV
Gabi na at naglalakad pa rin kami at bawal kaming pumasok sa aming mga dorm kung gusto naming matulog kailangan naming maghanap ng pwedeng matulugan maliban sa dorm kaya sobrang delikado
"Anong oras na ba?" tanong ko sa mga kasama ko
"10:32 na," sagot ni Kytler sakin
"Di pa ba tayo maghahanap ng matutulugan? Inaantok na ako," pagmamaktol ni Kurtz.
"Gusto mo atang mamatay kaagad, no? Pag natulog tayo dito siguradong may susugod sa atin habang tulog," sagot ni Max
"So hindi tayo matutulog ng anim na araw?" gulat na sabi ni Adam.
"Tanga, shempre maghahanap tayo ng matutulugan na safe, yung di tayo masusugod ng kahit sino"sabi ni Jeyden.
Habang nag uusap ay nagulat kami nang may narinig kaming putok ng baril
"Tara, alis na tayo dito," agad na sabi ni Jacob kaya tumakbo na kami palayo sa ligar nayun takbo lang ako ng takbo at walang lingon-lingon sa likod
Naramdaman ko na wala na akong kasama kaya agad akong lumingon sa likod pero wala na sila. Wag mong sabihin na naghiwalay-hiwalay kami?
"Kytler? Adam? " mahinang sigaw ko. "Pag minamalas ka naman," dugtong ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Magkikita naman siguro kami, 'di ba?
Naglakad lang ako hanggang dumating ako sa isang eskinita. Magtatago na sana ako doon, nang may lumabas na mga tao galing don.
"Pag sinuswerte ka naman," sabi ng isang lalaki habang nakatingin sakin agad naman akong napaatras
"Tumahimik ka nga muna, Jake," sabi naman ng isang babae na maikli ang buhok.
"Tama muna 'yan, Jake at Jaze may kaharap pa tayo," sabi ng isang babae na mataas ang buhok.
"Tama si Jale, ang init talaga ng ulo niyo," sabi pa ng babae na mukhang mabait sa kanila.
"Oo na, Jane. Ito kasi," sabi ng babae na tinatawag na Jaze at tinuro yung Jake pero lumapit naman yung jake saakin kaya napaatras ulit ako
Alam ko na, naalala ko sila. Sila 'yung nasa mga rankings.
"Bakit ka umaatras, 'di kami nangangagat," sabi ni Jake.
"Baka takot ka sayo, 'di ba? Pangit kasi ng mukha mo," sabi ni Jaze.
"Tumahimik ka na nga diyan, Jaze," sabi ni Jane, medyo namememorya ko na ang mga pangalan nila.
"Patayin na lang kaya natin 'to," sabi naman ni Jale habang tinitignan ako
"Hey amin 'yan, four J's," sabi ng isang grupo na may dalawang babae at dalawang lalaki. Napahinto naman si Jake sa pagdating nila.
"Nandito na namn kayo, Dark Leon," inis na sabi ni Jale sakanila
"Kami 'yung nakauna sa kanya, wag kang sipsip, Luker," sabi ni Jake sa isang lalaki na may hawak na baril. Ito siguro ang leader nila halata naman
"Tumahimik kaJake, baka gusto mong saksakin kita," irap na sabi nung babae na may hawak na kutsilyo, at may dugo pang dumadaloy dito
"Kung tusukin ko kaya 'yang mata mo, Enos?" balik ni Jale sa babaeng may hawak na kutsilyo.
"Kaya mo ba?" sabat ng isang babae pa na may hawak na baril.
"Kaya ko. Gusto mo itry ko sa'yo, ha, Niah?" sagot naman ni Jale.
"Tumatapang na kayo, ah," sabi nung isang lalaki na may hawak na katana.
"Wag mong patulan ang mga babae, Oliv," sabi ni Luker
"Chee, takot lang kayo," sabi ni Jale.
Nagulat ako nang biglang sumugod si Oliv kay Jale kaya napaatras ako ayaw kong madamay baka kung anong mangyari sa akin 'pag ako ang na-hit ng dinadala nila
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
RandomShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...