chapter 2 - WELCOME TO V. E.

410 17 2
                                    

Kytler POV

Hello, I'm Xyross Avel Kytler Evanes. You can call me whatever you want. I'm half Filipino and half Italian, pero pinanganak ako dito sa Pilipinas. I'm already 18 years old. Mayaman naman kami, kasama kami sa top 2 Richest in the Philippines. Nandito pala ako sa sala ng bahay namin dahil hinihintay ko pa ang aking barkada.

"Yo, tara na," sabi ni Kurtz, na kakadating lang. Siya ay si Kurtz Jeddah Fuente, 18 taong gulang, isa sa mga kaibigan ko, at matatawag din siyang playboy sa aming grupo.

"Late na tayo, tara," sabi naman ni Maxwell Klein Kim, na kakadating din. Siya ay 18 taong gulang din at mabuti yang bata, tutok sa pag-aaral. HAHAHA, pati naman ako, iba talaga si Kurtz sa amin.

"Tara," sabi ko, at pumunta na kami sa kotse namin dahil pupunta na kami sa bagong paaralan naming tatlo.

FAST-FORWARD

Matagal kaming nakadating sa V.E. University dahil dumadaan pa kami sa gubat. Buti na lang at may dala kaming mapa kaya hindi kami nawala. Ewan ko kung bakit iyon ang pangalan ng bagong paaralan namin at dito pa talaga sa gubat. Agad kaming nagpark pagdating namin. Malaki ang paaralang ito, mahahalata mo sa labas.

"Ganda dito, 'no?" sabi ni Max pagkalabas namin sa kotse.

"Maganda nga, pero nakakakot yung gate," sinabi ni Kurtz kay Max.

"Iba talaga siya sa dating school natin," sabi ko, opinyon ko lang dahil sobrang tahimik sa labas at nasa gubat pa talaga. Saan ka makakakita ng paaralan na nasa gubat?

"Mas marami sigurong chiks dito," sabi ni Kurtz na agad na iniisip ang babae. Pumasok na kami sa gate. Hindi naman kasi pwedeng maghintay kami hanggang gabi dito sa labas. Pagkapasok namin, may isang babaeng naghihintay ata sa amin. Ang ganda niya kapag ngumiti, nakangiti kasi siya sa amin.

"Speaking of chiks," sabi ni Kurtz, at agad namin nilapitan ang babae.

"Hello, welcome to V.E. University. I'm Shainae Leah Veneula, the Vice President of this University," sabi niya, at nakipag-shake hands sa amin isa-isa.

"Ang ganda niya," sabi ni Kurtz habang nakatingin dito.

"Lets go? Punta muna tayo sa opisina para sa schedule at dorm niyo," sabi niya, kaya tumango kami at sumunod. Nililipat ko ang aking paningin para makita ang kabuuan ng paaralan. Napakalaki ng University na ito at may mga bulaklak sa paligid, parang isang elite school. Habang sumusunod kami kay Shainae, hindi ko maiwasang marinig ang mga bulungan ng mga estudyante na nakakita sa amin.

"Gwapo nila."

"Sila ba yung bago?"

"Ang ho-hot."

"Yiee, newbie."

"Swerte natin."

"Wag nga kayong maingay baka nandyan lang siya sa paligid."

"Lagot talaga tayo."

Agad namang natahimik sila dahil sa sinabi ng isang babae.

"Pasensyahan niyo na sila, ha? Ganyan talaga ang mga yan," sabi ni Shainae sa amin dahil sa ingay na nasa paligid. Ngumiti naman ako na nagsasabing okay lang.

"Nandito na tayo," sabi niya ulit sa amin habang papalapit kami sa isang pintuan. Hula ko ito ang opisina na sinasabi niya. Agad namang binuksan ni Shainae ang pinto at nakita namin sa loob ang isang lalaking nasa thirties pa ata ang edad.

"Dean, nandito na po ang mga bago," sabi ni Shainae sa lalaki. Lumingon naman ito sa amin at ngumiti.

"Oh, maupo muna kayo," sabi niya kaya umupo na kami sa mahabang sofa na nasa gilid ng silid.

She's The Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon