Supremo POV
Habang nagbabarilan kami, iniinda ko naman ang mga tama ko. Muntik nga akong mahimatay, buti nasanay na ako. Medyo nauubos na ang kalaban kaya napangiti na lang ako. At about doon kay Mrs. Lee, sigurado naman akong mahahablot siya nila Asheville. Di ko sila kaibigan kung hindi.
Nakita ko naman ang iba na may tama na pero mas malalalim sa akin kaya alam kong okay pa sila. Tinignan ko naman si Levi habang nakikipagbarilan. Baka di ko mapansin, natamaan na pala iyon. Pinabantayan ko kasi siya kay Hikkario para di ako ma-distract masyado. Nagtataka ba kayo kung bakit ko pinoprotektahan iyan? Shempre, oo, di ba? Pag hindi ko pinoprotektahan iyan, malilintikan ako kay Tito, yes, tatay ni Levi. Fiancee lang naman ako ng isa diyan pero di niya alam. Why? Arrange marriage lang iyon. Pagkatapos nito, if ayaw niya, pabor sa akin iyon dahil wala akong planong magpakasal.
"Supremo, ilag!" sigaw ni Jasper kaya nakailag ako. Pinaputukan ko naman yung bumaril sa akin hanggang sa namatay ito. Habang tumatagal ay naubos na lahat ng kalaban kaya napaupo ako. Tumakbo naman si Xyross papunta sa akin at di pinansin ang iba.
Levi POV
Pagkatapos ng lahat ay nakita kong tumakbo kaagad si Kytler kay Xyrexx. Bakit kaya? Magkakilala sila?
"Selos ka naman," sabi ni Hikkario sa tabi ko. Agad naman akong umiling dahil totoo naman. Nagtataka lang ako kung sino sila lahat. Agad kaming lumapit kay Xyrexx.
"Okay ka lang?" tanong ni Kytler.
"OA mo, Kytler," sabi ni Farrah kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Kytler. Concern siya. Bakit?
"We're back," sabi ni Asheville kasama si Kit habang hawak-hawak si Mrs. Lee.
"Bakit niyo pa yan dinala dito sa warehouse na dapat yan?" sabi ni Kytler.
"Sorry naman. Ito kasing si Kit nag-alala sa inyo," sabi ni Asheville.
"Talaga?" sabi ni Hikkario kaya nagtawanan ang lahat. Napansin kong lumabas na ang ibang estudyante kaya napatayo si Supremo at nagsi-linya ang lahat maliban pa rin sa amin. Nakatingin lang ang lahat sa kanila.
"We're sorry for the loss," tanging sabi ni Supremo at yumuko silang lahat. Nagulat ang iba sa ginawa nila. Ang iba naman ay umiiyak pa.
"I forgot to introduce myself, didn't I?" tanong niya sa sarili. Nagulat ako ng hinubad niya ang mask niya na ikinamangha ng iba. Napasimangot naman ako.
"I'm Xyrexx Axel Vytler Evanes, the owner, the Supremo or president of this school, V.E. University, and Axel in the Reapers," sabi ni Xyrexx habang nagpakilala. Nagulat naman ang lahat. Pamilyar ata siya. Nagulat ako ng tumabi si Kytler kay Xyrexx.
"I'm Xyross Avel Kytler Evanes, twin of Xyrexx, the co-owner, Avel in the Reapers, and the King of Black Card Gang," pakilala ni Kytler na nakapag-gulat sa amin.
"What?" gulat na sabi ni Adam.
"Totoo?" tanong ni Max at tumango lang si Kytler.
"I'm Asheville Milleare, the Superior (right hand of Supremo), and this is my brother, Kit Giruox Milleare. In behalf of the rest of the members in the gangs, we are the Reapers and Punishers," pakilala ni Asheville.
"I'm Kuhen Hikkario Lee, or Kuhen Hikkario Evanes, the dean's son," sabi ni Hikkario.
"Totoo, Evanes ka?" tanong ni Kit.
"Di mo alam? Kapatid ko ang dalawang yan," sabi ni Hikkario.
"Bakit di mo sinabi?" sabi ni Asheville.
"Di kayo nagtanong," sabi ni Kytler kaya nagtawanan na ang iba.
"As the owner and council of this university, I'm really sorry kung ngayon lang kami umaksyon. Wala dito ang ibang council dahil pinaalis ko sila. So kami lang talaga ang natira dito," sabi ni Xyrexx. Bigla namang bumukas ang pintuan ng gym at may pumasok na mga ambulance at may isang matandang lalaki at babae.
"Mom, Dad," sabay na sabi ng tatlo at lumapit sa dalawa. Kinuha na ang mga estudyante at kami na lang ang natira dito.
"Hi, mga iha, iho. Ako nga pala si Xyreix Ven Evanes at asawa kong si Keel Knight Evanes, magulang ng tatlong ito," sabi nung matandang babae.
"Wait, I think nabasa ko na ang apelyido na yan. Ay, tama! Ang (Ven - the most powerful surname in the world. They own half of the earth. Ganyan sila kalakas. Nobody wants to mess with them, lalo na kung kilala nila ito. They are mysterious but dangerous) (Evanes - a powerful surname, have many businesses all over the world) ang tataas nila!" sabi ni Adam.
"Levi, iho, nandito ka pala," sabi ni Mrs. Evanes.
"Po?" sagot ko. Nagulat din ang iba dahil kilala ako ng nanay ni Xyrexx.
"Di mo ba sinabi sa kanya, Axel?" tanong ng dad niya.
"Of course, hindi pa," sabi ni Xyrexx.
"Hi, iho. I'm your mother-in-law," sabi ng mom ni Xyrexx. Nanlaki naman ang mata ko.
"What?"
"Ano?"
"Kanino?"
"Sa'yo, Kytler?" tanong ni Adam.
"Ang slow mo din minsan," sagot ni Kytler.
"Your fiancee is Xyrexx. Di ba sinabi ng dad mo?" sabi ng Dad ni Xyrexx. Umiling naman ako.
"Your engagement was when you were still young. Matagal na nga iyon eh, di mo lang maalala," sabi ni Kytler.
"Totoo po?" tanong ko. Nagulat ako, shempre.
"Mooooom!" sigaw ng bata. Si Kleon pala.
"Oh, my baby boy," sabi ni Mrs. Evanes.
"Btw, Levi, kilala mo ba si Kleon?" tanong ni Mrs. Evanes.
"Yes, Ma'am," sagot ko. Lumungkot naman ang mukha nito.
"Don't call me Ma'am. We're family. Call me Mom, okay?" sabi ni Mrs. Evanes.
"Yes, Mom," sagot ko. Napangiti naman siya.
"Ayyy, ang bilis ah," komento ni Adam.
"Tumahimik ka na lang," sagot ko kaya napatawa na ang lahat.
Pagkatapos ay agad naman kaming umalis dahil nahimatay si Xyrexx. Di ata niya nakaya ang tama ng baril. Sumabay ako sa kanya papuntang hospital dahil shempre, as a fiancee. Teka, namumula ata ako. Kalma, Levi, kalma.A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
RandomShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...