Levi POV
Mga ilang oras na din kami dito sa gilid ng stage. Tahimik lang kami habang yung iba natutulog pa. Bigla na lang silang nagising ng may putok ng baril. Isa-isa silang nagkuha ng armas nila, pati na din si Supremo na alam kong tulog pa ito kanina.
"Ey, guys, let's go," sabi ni Kytler na kakadating lang.
"Ang tagal mo," sabi ni Superior.
"Tumahimik ka na lang, Asheville. Nakakairita ka," sagot ni Kytler. Kilala niya? Napalingon naman si Kytler sa amin.
"Okay lang ba sila?" tanong niya kay Supremo. Tumango naman ito at tumayo na kaya tumayo na din ako.
"Kami pa ba? Huwag kang mag-alala. Walang mawawala sa barkada mo tulad noon," sabi nung lalaki.
"Bibig mo, Kit," sabi nung isa pang lalaki at nilingon si Xyrexx na tahimik lang.
"Yan ang ingay kasi," sabi ni Asheville o Superior.
"Tumahimik na kayo, tara na," sabi ni Kytler. Tahimik lang talaga kaming magbabarkada habang sumusunod sa kanila. Habang naglalakad, may nagpaputok ng baril kaya na-alarma ang lahat. Agad naman akong pinapunta ni Supremo sa likod niya.
May dumating na mga naka-armas na lalaki habang may babae sa gitna. Siya yung asawa ng dean ata.
"How dare you!" sigaw nito sa amin.
"Mom, kalma," sagot nung kasama naming lalaki.
"Hikkario, what is the meaning of this?" sabi nung asawa ng dean.
"Mom, yung blood pressure mo," sabi nung Hikkario.
"Malala ka na, Hikkario," komento ni Asheville.
"Matagal na yang may sakit," sabi ni Kytler.
"Di kasi pinagamot ni Xyre," sabi ni Kit.
"Shh, tumahimik kayo," sabi ni Hikkario.
"Mom, kung hindi ka sana bumalik pa dito, di ito mangyayari," sabi ni Hikkario.
"Ano? So niloloko mo lang ako matagal na?" sabi ng asawa ng dean.
"Mom, ikaw yung nagsimula eh. Hindi mo nga ako anak," sabi ni Hikkario.
"Tumahimik ka na, at Supremo? Akala ko ba maasahan ka," sabi nung babae pero di siya pinansin ni Xyrexx.
"Bwesit, patayin sila!" utos niya sa mga lalaki.
"Teka!" sigaw ng kung sino kaya napalingon kaming lahat. Nandun lahat ng membro ng gang. Papunta sila sa amin.
"Ang tagal niyo," sabi ni Kytler pagkalapit nila.
"Ito kasing si Jasper ang tagal," sabi nung babae.
"Tumahimik ka na, Farrah. Sino ba satin ang nakatulog?" sabi nung lalaki. Napatahimik naman sila. Kilala niya din. Sino ka ba talaga, Kytler?
"Ano na naman ito?" sabi ng asawa ng Dean.
"Oh, nandito pala si Mrs. Lee," sabi nung Jasper at nagbow silang lahat. Di ko sila magets. Sino sila? Kanino sila kakampi?
"Are you okay?" tanong ni Xyrexx sa akin. Nagulat ako na nakatingin na pala siya sa akin.
"Ahhmm, oo," tanging sagot ko. Napalingon naman ang lahat sa amin at may ngiti sa labi.
"Axel, maya muna yan ah. May problema pa tayo," sabi nung Jasper.
"Axel?" tanong ko. Nilingon naman ako ni Xyrexx at tumango. Ano? Ha? Mas lalo akong naguguluhan. Di ko na alam kung ano ang totoo.
"Sino kayo?" tanong ni Mrs. Lee kaya napalingon yung bagong dating sa kanya.
"Aheemm, aheemm. Di mo na kami kilala, Ma'am? Paborito mo pa nga kami noon eh," sagot nung Farrah.
"Ano?" sabi ni Mrs. Lee na naguguluhan din.
"Pakilala muna nga kayo. Wala kayong respeto sa guro natin," sabi ni Kytler. Guro? Nagsi-linya naman ang lahat, kasali si Xyrexx at Kytler maliban sa amin magbabarkada at kay Hikkario.
"Hi, Ma'am. Forpuito, we are the 3rd generation of V.E. University," sabay-sabay na sabi nila maliban kay Xyrexx.
"Di mo na kami kilala kaagad?"
"Nakakatampo, Ma'am."
"Kami nga yung unang inexperimentohan mo. Bakit di mo kami kilala?"
Komento nilang lahat.
"Naalala ko na," sabi ni Adam kaya napalingon kaming magbabarkada sa kanya.
"Ano?" tanong ko.
"Sila ang 3rd generation sa V.E. University na bigla na lang naglaho. Naka-record yung sa libro na nasa library. Sila daw ay magkaklase. Lahat-lahat nga ng pangalan nila ay nandun. Kaya pala familiar sila," sabi ni Adam.
"Tama ka," sagot ni Hikkario sa amin. Nakikinig pala sa usapan namin.
"Sila ang Section 3rd generation sa V.E. noon. Sobrang masayahin sila lahat, palabiro at matatalino. Pero nagbago ang lahat ng dumating si Mommy at pinahirapan sila, inabuso at pinag-eksperimentohan. Naging tahimik sila bigla at unti-unting nawala. Binalita na lang na nag-drop out sila pero hindi totoo iyon. May isang namatay sa kanila at iyon si Joah Midrigues, ang nag-iisang secretary nila. Siya ang pinakamabait sa lahat pero pinatay lang siya ni Mommy. Iyon ang ikinagalit ng lahat kaya kinulong sila ni Mommy. Pero di alam ni Mommy na nakatakas ang lahat, lalo na si Xyrexx, ang president sa room nila. Siya ang pasimuno ng paghihiganti na ito dahil ang pinakayaw niya sa lahat ay ang mawalan sila ng isa. Pero nangyari iyon," paliwanag ni Hikkario.
"Bakit buhay pa kayo?" tanong ni Mrs. Lee kaya napalingon kami sa kanya.
"Kasi masama kaming damo?" sabi ni Kytler. So kasali si Kytler sa kanila.
"Hindi ito maaari. Dapat patay na kayo," sabi niya kaya napatawa ang lahat.
"Hindi pwede iyon, Mrs. Lee. Hindi kami papayag na gawin mo sa mga estudyante dito ang ginawa niyo sa amin. Kaya pipigilan ka namin ngayon," sabi ni Jasper kaya napaatras si Mrs. Lee at tumakbo. Nagpaputok naman ang mga black men kaya yumuko kami. Hinila naman ako ni Xyrexx sa likod niya at nagpaputok din.
"Asheville, Kit, habulin niyo!" sigaw ni Xyrexx.
"Aye aye, captain," sagot ng dalawa at hinabol si Mrs. Lee. Busy na ang lahat sa pagputok. May natamaan na din. Buti wala pang napuruhan ng malala sa amin. Pilit pa rin ako tinatago ni Xyrexx pero napansin kong napapadaing siya lagi at nagulat ako sa sigaw ni Kytler.
"Putangina, si Xyrexx naging shield na naman!" sigaw niya kaya napalingon sila lahat at tumakbo papunta sa amin.
"Feeling shield ka na naman, Xyre," sabi ni Hikkario kaya natawa ang lahat. May gana pa silang tumawa sa lagay na ito?
"Shut up. Pag ito natamaan ng baril, malilintikan kayo sa akin," sabi ni Xyrexx.
"In love ka na naman masyado," sabi ni Hikkario pero di lang siya pinansin ni Xyrexx at nagpaputok ng baril.
Maririnig mo lang sa gym ay ang pagputok ng baril at sigawan ng mga estudyante. Di kasi kami nakakalabas kaya walang magawa kundi hintayin matapos ang lahat.A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
RandomShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...