Levi POV
Tinitingnan ko lang ang paligid habang nandito pa rin kami sa gym. Tangina, ang maririnig mo sa loob ay tunog lang ng sandata.
"Asan ang iba?" tanong ni Kytler dahil mahina ang ilaw.
"Nandito lang kami," sabi ni Adam.
"Mag-ingat kayo," sabi ko.
"Oo, kayo rin," sabi ni Jacob. Bigla na lang may sumugod sa akin, buti na lang at nakita ko kaya napailag ako.
"Levi!" sabay na sigaw nila.
"Okay lang ako, mag-ingat na lang kayo," sabi ko.
"Sige," sabi nila. Sinugod ulit ako ng sumugod sa akin kanina, kaya kinausap ko siya.
"Sino ka? Bakit mo ako sinusugod?" sabi ko. Bahagyang umiwas siya, mabuti at magaling ako umilag.
"Para mabuhay. Sa tingin ko ikaw ang pinakamahina dito," sabi niya. Nadaplisan naman ako ng kutsilyo niyang dala.
Tinignan ko muna ang mga kasama ko na may kanya-kanyang kalaban din.
"Bakit ako pa? May iba namang mahina dyan," sabi ko. Sinugod niya naman ulit ako, kaya umilag ako at sinuntok siya sa panga.
"Nako, sorry. Ikaw kasi," sabi ko dahil natamaan ko siya. Sinugod niya ulit ako.
"Ikaw lang kasi nakita ko," sabi niya. Kaya napailang ako, bakit ang hilig nilang pumatay?
"Papatayin kita!" sigaw niya at sinugod ako. Di na ako makakailag kaya napapikit ako at hinintay ko na lang ang kutsilyo na nakatatak sa akin, pero wala naman akong nararamdaman. Kaya minulat ko ang mata ko at napatalon ako sa gulat dahil nakadapa na ang kalaban ko habang may pana sa likod niya. Kinuha ko ang pana at may nakaukit dun, 'XAVE'. Sino 'to? Linibot ko ang paningin ko, lahat ng kalaban namin ay may pana sa likod. Bigla na lang lumiwanag ang ilaw sa gym at nakita ko ang mga tao sa loob. Konti na lang ang natira. Ang naiwan na lang ay ang mga Reapers at Punisher, kaming magbabarkada at iba pa.
"Magaling, magaling! Kaso panira ka, Xave. Sabi ko sa'yo diba, na wag kang makialam?" sabi ng nasa speaker kaya napatingin kami dun.
"Ok ka lang?"
"Buti buhay pa tayo."
"May sugat ka?"
"Nasaktan ka ba?"
"Huhuhu, natatakot na ako."
"Kala ko mamamatay na tayo."
Bulong-bulongan nila.
"Mabuti at madami-dami ang natitira. Congrats, everyone, at buhay pa kayo. Dapat konti na lang kayo kung di lang nangialam ang isa dyan," sabi ng nasa speaker.
"Sino si Xave?"
"Siya ata yung may ari ng pana."
"Siya yung tumulong sakin."
"Bakit niya tayo tinulungan?"
"Salamat sa kanya."
Bulungan ulit nila.
"Xave naman, yun pala plano mo!" may sumigaw kaya hinanap namin kung sino yun.
"Tumahimik ka nga. Dapat bang sumigaw, attention seeker?" sabi ng isang babae. Hinanap namin ang may-ari ng boses na yun.
"Ayun!" sigaw ng isang estudyante habang nakaturo sa railings ng gym. Kaya napatingin din kami dun at nakita namin ang dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Nagkatinginan kami nang babae, nakamaskara ito kaya kulay abo lang ang nakikita ko sa mata niya. Matagal-tagal kaming nagkatinginan kaya ako na lang ang umiwas ng tingin.
Dug, dug, dug, dug, dug.
"Ano?" bulong ko.
Bigla na lang silang tumalon sa bintana ng gym at nawala. Umakyat naman ako sa railing, sumunod naman ang barkada ko. Pagdating ko kung saan ang pwesto nila kanina ay may naiwan na panyo, parang ito yung nakatakip sa mukha ng Xave kanina. Kinuha ko ito at may nakaburda dito, 'Xave'.
"Ano 'yan, Levi?" tanong ni Kytler.
"Panyo ni Xave, naiwan niya ata," sabi ko at tinignan ang bintana na tinalunan nila kanina.
"Sana magkikita tayo ulit," bulong ko sa sarili. Iba yung pakiramdam ko sa kanya nung nagkatinginan kami.
Xave POV
"Pano kung nakita ka niya?" sabi ng kaharap ko.
"He didn't see me, Xake," sabi ko. Sumasakit ulo ko sa kanya, ang arte ng damit niyang yun, sarap niyang tirisin kung hindi ko lang siya kambal.
"Alam mo bang sa kanya yung panyo mo? Hindi lang panyo 'yon, paborito mong panyo, twinny pa naman tayo nun," reklamo niya.
"Sakanya muna 'yon, pang-souvenir sa nagligtas sakin kanila. Makukuha ko naman 'yon," sabi ko. Napairap na lang siya, bakla ata to.
"Mag-ingat ka naman kung maglalaro ulit kayo," sabi niya. Tumango naman ako.
"Ayaw kong mapahamak kayo. Nga pala, asan si Eon?" sabi niya. Teka, asan yun? Ang daling mawala ng bata na yun.
"Umalis," sabi ko. Napakamot naman siya sa ulo niya, may kuto ata to, di na ako tatabi dito.
"Mag-ingat kayo, aalis na ko. Baka hinahanap na nila ako," sabi niya. Tumango ako.
"Take care, Xake. I'm always here, remember that," sabi ko. Ngumiti siya pero
di ko siya ginantihan ng ngiti, di ako mahilig ngumiti. Minsan lang ako maging sweet kay Xake, pag nagagalit siya ang ingay niya kasi nakakarindi.
"Kumusta, sermon?" sabi ng hinahanap namin kanina.
"It's fine, Eon," sabi ko. Tumawa naman siya.
"Sabi ko naman kasi sayo, wag kang gagawa ng plano na di ko alam, kaya ayan, palpak," sabi niya. Nahiya naman ako sa batang to, kung ano-ano sinasabi.
"Shut your mouth," sabi ko. Natahimik naman siya.
Adam POV
Kanina ko pa tinitignan si Levi na nakatingin sa panyong hawak niya. Nga pala ako si Adam Raverick Vallacarillo. Nalimutan kong magpakilala, magkaibigan kami ni Levi, Jeyden, at Jacob. Kami pa ang nandito, may pinuntahan lang sina Kytler kaya naiwan kaming apat dito.
"Levi, kanina ka pa diyan," sabi ni Jacob Cristof Leightondt.
"Oo nga, napapansin ko din," sabi ni Jeyden Xyder Kurswell. Napatingin naman siya sa amin.
"Sorry, may iniisip lang," sabi niya. Tumango naman ako.
"Ano iniisip mo?" tanong ko sa kanya.
"Yung Xave na tumulong satin kanina, iba yung pakiramdam ko sakanya. Parang makakatulong siya satin dito," sabi niya. Napaisip din ako. Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok dito sina Kytler.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni Max.
"Yung tumulong daw satin, parang makakatulong daw siya satin dito, sabi ni Levi," sabi ni Jeyden. Tumango naman si Kytler.
"May point si Levi, pero ang tanong, kilala ba natin siya?" sabi niya. Kaya napailing kami.
"Nga pala, bakit ngayon lang kayo?" tanong ko.
"Nawala kasi sina Kytler at Kurtz kaya hinanap ko muna," sabi ni Max.
"Dapat mag-ingat na tayo ngayon, kahit tapos na ang hunting. Final game ba yan? Baka sugudin na lang tayo bigla," sabi ni Kurtz.
"Seryoso mo ata," sabi ni Max.
"Iniisip ko lang ang kaligtasan natin," sabi niya. Napatingin naman kami.
Someone POV
Papaikutin muna kita, old woman. Saka na ako magpapakilala sayo. Sa dami ng masamang ginagawa mo, di mo pa din makuha ang impormasyon tungkol sakin. Ang hina mo namang magtago.
"Kumusta siya? Kailan ka magpapakilala?" sabi niya.
"Kapag okay na dito sa loob," sabi ko. Napatango naman siya.
"Sige," sagot niya sa akin.
"I will protect him no matter what happened."
A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
RandomShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...