chapter 22 - MISSING

18 2 0
                                    

Levi POV

Nasa loob kami ng classroom lahat. May klase pa sana kami kaso wala daw yung guro namin kaya ito ang ingay nila.

Pansin kong wala dito sila Shainae. Busy ata sa office nila. Tatlong araw na din na di namin sila nakikita, pati na din itong si Kytler bigla nalang din nawala.

"May balita na ba kay Kytler?" tanong ko kay Kurtz.

"Wala pa. Bakit ba yun lang iniwan niyang sulat?" reklamo ni Kurtz.

May iniwan kasi na sulat si Kytler at sinabi na aalis muna siya dahil may emergency nangyayari. Di naman nagpaalam at nawala nalang bigla.

"Babalik lang yun kung okay na yung sinasabi niyang emergency," sabi ni Max sa amin.

"Kahit na, kinakabahan pa rin ako dahil baka kung ano nang nangyari sakanya. Alam naman natin kung anong klaseng paaralan ito, diba?" Paliwanag ko sakanya.

"Tama. Dapat di tayo maging kampante," sang-ayon sakin ni Jeyden.

"Magdasal nalang tayo na walang mangyaring masama sakanya," sabi ni Adam.

Sa usap namin, bigla nalang may pumasok sa room namin at si Noah iyon.

"Ay sorry mali pala," nagmamadali niyang sabi at aalis na ulit sana nang tawagin ko siya.

"Teka Noah, bakit nagmamadali ka ata?" tanong ko. Di naman sa chismoso ako, tatanungin ko lang sana kung alam ba niya kung nasan si Kytler.

"May nangyari lang. Kailangan naming kumilos kaagad," sagot niya sakin at aalis na sana ng pigilan ko siya ulit.

"Alam mo ba kung nasan si Kytler? Tatlong araw na siyang walang paramdam sa amin," tanong ko ulit. Balisa naman siyang nakatingin sakin.
"Sensya talaga Levi pero kailangan ko nang umalis. Huwag kang mag-alala, nasa mabuti namang kamay si Kytler. Di yun mapapahamak," sagot niya at iniwan na talaga ako ng tuluyan. Siguro nagmamadali talaga siya.

"Anong sabi?" tanong sakin ni Kurtz.

"Okay lang daw si Kytler," sagot ko. Tumango naman sila.

"Mabuti naman," sabi ni Max.
Natahimik muna kami nang naisip kong lumabas nalang.

"Saan ka?" tanong nila sakin.

"Sa tabi-tabi," sagot ko.

"Sige, mag-ingat ka," paalala ni Max sakin. Maya-maya tumango nalang ako.

Agad naman akong umalis at naglibot-libot sa labas. Habang naglalakad ay di ko namalayan na napunta na ako sa di ko alam na lugar. May nakita naman akong isang penthouse. Bakit may penthouse dito? Dahil sa curiosity ay napasyahan kong pumasok. Pagbukas ko ay siyang ikinagulat ko sa nakita. May mga tapon na mesa at upuan pati na din ang mga appliances saka mga pinggan.

"Bakit ka nandito?" Tanong ng kung sino sa likod ko kaya napalingon ako.
Kytler?

"Ikaw? Bakit ka nandito? Saan ka galing?" Sunod-sunod kong tanong.

"Bilisan mo namang pumasok Ross," sabi nang nasa likuran niya na di ko kilala.

"Sino yan?" Sabay na tanong namin nung lalaki.

"Levi, kaklase ko ito. Si Hikka kaibigan ko," sagot ni Kytler sa mga tanong namin.

"No, not Hikka. Hikkario," pakilala ni Hikkario sakin. Tumango naman ako.

"Teka, bakit may kaibigan ka dito?" Tanong ko. Naguguluhan kasi ako. Akala ko ba transferee siya dito, diba?

"Di ka pa pala nagpapakilala sa mga kaibigan mo?" tanong ni Hikkario kay Kytler. Agad naman siyang siniko ni Kytler.

"Tumahimik ka," sabi niya kay Hikkario. "Levi, alam kong madami kang tanong pero pwede bang sa susunod kona yan sasagutin. May kunting problema kasi," dugtong niya. Di nalang ako nangulit sa pagtatanong at pinapasok sila.

"Saan na si Xyre?" tanong ni Hikkario.

"Teka, bakit wala siya dito?" natarantang sabi ni Kytler.

Ring...Ring...Ring...

May tumawag naman kay Kytler.

"Ano?" Sigaw niya na ikinagulat namin.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Hikkario.

"Umalis na daw siya at nauna na," sagot ni Kytler sakanya. Agad naman silang natarantang tumingin sakin.

"Pasensya na pero aalis muna kami," sabi ni Kytler. Di na hinintay ang sagot ko at nagmamadali na silang umalis.

Hayts.

Superior POV

Busy kami lahat sa paghahanap kay Jasper dahil yun ang pinaka priority na utos ni Supremo. Lahat na hinahandle ko na grupo ay inutusan ko na gawin yun, kaya mapapansin mo na madaming tao sa field kahit na class hours. Tatlong araw na simula nung nawala siya ay di pa din namin siya nakikita.

"Okay na ba?" Tanong ko sa mga kasama ko.

"Wala pa ding balita," sagot naman niya. Tumango naman ako at nagsimulang mag-ikot ulit dito sa university. Baka nasa sulok lang siya.

"Superior?" Sabi nang taong nakakilala sakin. Nilingon ko naman ito. Ah si Levi lang pala.

"Bakit?" sagot ko sakanya.

"Ano po ang nangyayari?, napapansin kong madaming nakapalibot sa loob ng university," tanong niya sakin. Sasagutin ko na sana siya ng may sumigaw.

"Ash, may lead na," sigaw ni Giru. Agad naman akong napalingon sakanya.

"Teka, aalis muna ako. Pasensya na," sabi ko at nagmamadaling umalis. Linapitan ko naman si Giru.

"Saan daw?" Tanong ko.

"Sa lumang bahay daw sa gitna ng gubat," sagot niya sakin.

"Si Supremo saan?" tanong ko ulit.

"Nauna na ata," sagot niya kaya nainis ako ng kunti.

"Bakit niyo pinauna yun? Alam niyo na mang sobrang reckless ng babae na yun," inis na sabi ko.

"Alangan namang di siya sabihan," sagot niya kaya di ko nalang siya pinansin at nauna na sakanya.
Sa bilis naming tumakbo ay naabutan pa talaga namin si Supremo sa labas ng lumang bahay. Paglapit namin sakanya ay dumating naman ang dalawa. Kilala niyo naman siguro kung sino.

"Teka, huwag kang atat," pagpigil ko kay Supremo nang makita kong papasok na sana siya. Pero tinabig niya ang aking kamay at pumasok na. Kaya naman sumunod kami sakanya na sana di na naman ginawa dahil pagpasok namin ang nakakatakot na reaksyon ni Supremo ang una naming nakita. Tinignan naman namin kung ano ang dahilan.

Nakatali si Jasper sa isang upuan habang pinapalo siya ng isang lalaki na di ata kami naramdaman na pumasok.

"You fucker," mura ni Supremo at agad sinipa ang lalaki palayo kay Jasper. Tinignan naman niya kami at sinabihan na, "huwag kayong mangi alam."
Na agad naman naming sinunod. Ayaw pa namin mawalan ng hininga no sa hitsura palang niya ay sigurado akong kaya niyang pumatay ng ilan sa oras ngayon.

Agad naman nilapitan ni Supremo si Jasper pagkatpos niyang sipain ang lalaki at kinuha ang tali bago inalalayan si Jasper paiunta sa amin. Pagkuha namin kay Jasper ay agad niyang binalikan ang lalaki habang hawak hawak niya ang tali na nakatali kay Jasper kanina.

"Supremo?" gulat na sabi nung lalaki pagkakilala niya kay Supremo na ngayon ay palapit na sakanya.

...............

A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.

She's The Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon