Kurtz POV
Hi everyone! *wink* Ako si Kurtz Jeddah Fuente, kilala niyo naman ako, 'di ba? Nag-aayos na kaming tatlo dito dahil alas-siyete na at may pasok pa kami. Paglabas namin, marami nang estudyante sa labas, meron namang pumapasok pa. Naglakad-lakad lang kami at hinanap ang Black Building, pero hindi namin ito mahanap. May nakita kaming babae na nakayuko sa ilalim ng puno, parang may ginagawa.
"Hello miss, pwede magtanong?" tanong ni Kytler sa babae. Inangat naman niya ang ulo.
"Po?" sabi nito.
"Saan ang Black Building?" tanong ulit ni Kytler.
"Sa likod," sabi niya.
"Tara na," sabi ni Max. Nagpasalamat muna kami sa kanya bago umalis.
"Sige, baka malate pa tayo," sabi ni Kytler. Buti naman at nakita na namin ang Black Building. Hanggang Fifth Floor ito. Pagdating namin sa third floor, agad naming hinanap ang room. Agad namin itong nakita at pagbukas ng pinto, nakita namin ang guro na nasa harap na.
"Ok class, may new classmate kayo," sabi ng guro. Buti na lang at mukhang mabait naman ito. Agad namang tumingin sa amin ang mga tao sa loob kaya pumasok na kami.
"Introduce yourself, boys," sabi ni ma'am, at agad naman naming sinunod.
"Hi, I'm Maxwell Klein Kim, 18 years old," sabi ni Max at ngumiti.
"Hi *wink* I'm Kurtz Jeddah Fuente, 18 years old, at your service," sabi ko.
"Hi, I'm Xyross Kytler Evanes, 18 years old. Hope you will be nice to us," sabi ni Kytler, at ngumiti. Tumili naman agad ang mga babae. Hays, gwapo ko talaga.
"Ok, quiet class. You may sit down, boys," sabi ng guro. Naghanap naman kami ng upuan at nakita namin sina Shainae at Liahn.
"Oh, magkaklase pala tayo," sabi ni Max paglapit namin sa kanila.
"Oo nga eh," sagot naman ni Liahn.
"Dito na kayo maupo. May nakaupo kasi dyan sa nagiisang upuan sa likuran," sabi ni Shainae.
"Sino naman?" tanong ni Kytler, masyadong curious.
"Si Supremo, minsan lang siyang pumapasok dahil busy siya masyado, pero matalino 'yun, grabe, daig pa nga ang teacher," sabi ni Liahn habang agad kaming umupo sa sinasabi nilang puwedeng maupuan. Nagsimula na ang guro magturo, biglang itinaas ni Kytler ang kanyang kamay kaya napatingin sa kanya ang lahat.
"Ma'am, may naiwan po akong gamit at mag-ccr po ako. Pwede po bang lumabas?" tanong ni Kytler, nag-aalinlangan pa sana ang guro, ngunit tumango na lang ito. Agad namang lumabas si Kytler.
Kytler POV
Pagkalabas ko sa room, agad akong pumunta sa CR. Pagkatapos ay pumunta ako sa locker at kinuha ang gamit ko. Aalis na sana ako nang may humila sa akin at sinandal ako bigla sa locker. Ang sakit ng likod ko. Tumingin naman ako sa taong nagtulak sa akin. Babae siya, alam kong babae ito dahil sa mahabang buhok niya kahit naka-mask siya. Nakikita ko ang mata niya na walang ka-emosyon-emosyon.
"Why are you here?" cold na sabi niya. Napalunok naman ako. Nagulat ako nang diniin niya ang pagkakahawak sa akin, lalo pang sumakit.
"Argh!" daing ko sa sakit. Ang lakas naman ng babae na ito at hindi ko siya matulak-tulak.
"Again, why are you here?" cold ulit niyang tanong sa akin.
"M-may k-kinuha l-lang a-ako s-sa l-locker," utal kong sabi dahil hindi ako makapagsalita ng maayos dahil hawak-hawak niya ang leeg ko. Binibitawan niya naman agad ako.
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
RandomShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...