chapter 19 - PROTECT HIM

93 8 1
                                    

Xyrexx/Supremo POV

Nakaupo lang ako sa puno dahil nagbabantay ako dahil baka may student na nasa labas, baka 10:00 na kasi.

"Tumigil ka na," may narinig akong sigaw kaya tinignan ko ito.

"Tsk, bakit sila ang naglilibot ngayon," bulong ko sa sarili. Tinignan ko kung ano ang nangyayari at nagulat ako ng makilala ko kung sino yung hinahabol nila.

"Pahamak talaga," sabi ko at tumalon sa puno.

Levi POV

Hinihintay ko lang ang bala na papalapit sakin.

Help....

"Tsk," rinig kong sabi kaya napamulat ako. Agad akong nagulat ng makita ko si Supremo sa harap ko. She have no emotion in her eyes. Mas lalo akong nagulat ng may lumabas na dugo sa bibig niya kaya nataranta ako. Pagka-tingin ko sa likod niya, ay ang dami niyang tama.

"Go back to your dorm now," mahinang utos niya, pero dinig ko pa rin.

"Pano ka na, may tama ka," natatarantang sabi ko sakanya.

"Don't worry about me, alahanin mo sarili mo, go," kalmadong sabi niya. Wala akong nagawa kundi tumalikod...at iniwan siya.

"Tsk," sabi niya kaya napatingin ako sakanya. May tinapon siya sakin at tumalikod na agad. Ko namang sinalo yun. Laking pakagulat ko ng ito yung kwentas na hinahanap ko. Akma na sana akong habulin siya, pero agad siyang nawala.

Saan na yun?

"Salamat at nahanap ka niya, baka ano pang mangyari sakin kung di kita nahanap," sabi ko sa kwentas na hawak ko. Sa lahat ng gamit ko, itong kwentas ang pinaka importante. Tulala akong bumalik sa dorm. Pagpasok ko, agad nila akong nilapitan.

"Levi, ok ka lang?" tanong ni Adam, pero di ko siya pinansin.

"Bat ka pa kasi umalis?" sabi ni Jacob, pero katulad ni Adam, di ko rin siya pinansin.

"Bat may dugo ka, may sugat ka ba?" sabi ni Jeyden. Agad namang lumapit sila Adam sakin.

Bat niya ba ako niligtas?

"Levi?"

Ano ang dahilan mo?

"Levi, woii."

Pinapalito mo ko, anong pakay mo saken?

"Taena, Levi Calyx," sigaw nila kaya natauhan ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong Bakit? Bugbugin kaya kita, kanina ka pa tulala," sabi ni Jacob.

"Sorry, may iniisip lang ako," sabi ko.

"Ano, bat may dugo ka?" tanong ni Adam.

"Binaril ako," wala sa sarili kong sabi. Nagulat naman sila.

"Ano, san ang tama mo?" sabi ni Jeyden.

"Pero niligtas niya ako," sabi ko kaya natigil sila.

"Sinong nagligtas sayo?" seryosong sabi ni Adam.

"Si Supremo, sinalo niya ang bala," sabi ko habang nakatulala.

"Ano!! Asan na siya?" sabi ni Jacob.

"Bigla nalang siyang nawala, di ko alam kung saan siya napunta," sabi ko at umakyat sa taas. Tinawag naman nila ako, pero di ko sila nilingon.

Cassandra POV

Nandito parin ako sa opisina namin ni Supremo. Pede akong magpagabi, pero di ako pede lumabas. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa dun si Supremo.

"Oh, anong nangyari sa baba mo?" tanong ko dahil may dugo dun. Pinahid niya lang yun at kalmadong umupo sa sofa. Pansin ko din ay namumutla siya.

"Anong nangyari sayo?" alalang sabi ko, pero di niya ako pinansin. Pumikit lang siya, maya maya tumayo siya at pumunta sa CR. Laking gulat ko na ang daming dugo sa sofa. Agad akong tumayo at sinundan siya sa CR. Anong kaya ang nangyari dun?

"Supremo," sabi ko at pumasok. Nagulat ako nang nasa sink siya habang natingin sa repleksyon ng salamin. Tiningnan ko ang likod niya at nagulat ako ng may tatlo siyang tama ng baril. Makikita ko ito dahil may tatlong butas ang damit niya.

"Taena, Supremo, bat may tama ka? san mo yan nakuha?" tarantang sabi ko. Tiningnan niya lang ako.

"Tsk, just shut up," kalmadong sabi niya. Laglag panga ko siyang tinignan.

"Ewan ko sayo," irap kong sabi, pero nakunot noo lang niya kong tinignan.

"Lika, gamutin natin yang tama mo," sabi ko. Tumango lang siya at lumabas. Saka dumapa sa sofa, buti nalang at marunong akong gumamot, pero konti lang.

"Saan mo ba yan nakuha, ha?" sabi ko sakanya habang ginagamot siya. Pagkatapos ko siyang gamutin, may tama na lahat lahat. Tahimik pa rin siya.

"Ingay mo," simpleng sabi niya at tumayo. Nakita ko pa siyang napangiwi ng pagtayo niya.

"Asan ka na naman?" sabi ko sakanya, alam niya nang may tama siya pero aalis pa rin.

"Home," sabi niya. Mag salita pa sana ako, ng umalis na siya. Bastos talaga.

Xyrexx POV

Fuck, sayang tong damit ko, binigay pa naman to ni Mom sakin. Pano ko sasabihin sakanya kung bakit nasira to. Teka, ano kaya ang susunod kong gagawin na hakbang. Parang gusto kong mag
laro, pero sa susunod na lang. May tama pa pala ako. Pamahak talaga yun, tsk.

Di ko namalayan na nandito na pala ako sa dapat ko puntahan. Di na ako nag-aaksaya ng oras at pumasok na dahil inaantok na ako.

"Xyrexx, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Isaac.

"May nangyari lang," sabi ko at umupo sa sofa. Napangiwi naman ako ng kumirot ng konti ang sugat ko. Tsk. Lumabas naman ang iba dahil kakagaling nila sa kwarto. Natutulog na ata sila, nagising lang sila dahil dumating ako.

"Xyrexx, namumutla ka ata," sabi ni Ross. Bakit nandito to? Bakit wala siya sa dorm niya?

"May tama lang," kalmadong sabi ko.

"Tama ng?" tanong ni Ray.

"Bala, ano pa ba?" simpleng sabi ko.

"Bala lang pa-ano, bala!!" sigaw nila. Ang oa talaga.

"Ross, you shut up, Jasper is sleeping," sabi ko. Alam kong natutulog yung bata, kasi wala siya dito.

"Asan ang tama mo?" tanong ni Isaac.

"Sa likod, and don't worry, nagamot na yan ni Cassandra," sabi ko. Kumunot naman ang noo nila.

"Bat may tama ka?" tanong ni Havvey.

"May niligtas lang," sabi ko. Mas lalong kumunot ang noo nila.

"Kailan ka pa naging superhero, ha?" tanong ni Noah.

"Just now?" sabi ko. Napasabunot naman sila ng buhok. Nasisiraan na yata to ng mga ulo.

"Sino naman ang niligtas mo?" sabi ni Isaac.

"Hmm, Lebi?? Leni?? don't know," sabi ko. Agad kumunot ang noo nila.

"Levi?" sabi ni Ross. Tumango nalang ako, di talaga ako magaling sa mga names.

"Why?" tanong ko.

"Why did you save Him?" pagklaripika niya sa tanong niya kanina.

"Tsk, I don't know," sabi ko at pumikit. Mag sasalita na sana sila, ng unahan ko na sila.

"Can you just shut up, I'm sleepy, ok?" sabi ko at pumikit na. Tsk, pag may tama akong baril, inaantok ako bigla.

"Ok, goodnight Xyrexx," sabay nilang sabi.

"Hmmm," sabi ko lang at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.

She's The Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon