Levi's POV
Nandito pa rin ako sa clinic at hindi ko alam kung bakit pinapasok kami dito, dahil isa sa mga rules na sinabi ni Kytler ay bawal kaming pumunta sa clinic at magpagamot. Pero sa mukha kasi ni Superior kanina para bang mangangain na siya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kami pinapapasok agad kanina
FLASHBACK
Nakaakbay pa rin ako may superior habang inaalayan niya ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpakapit sa kanya, pero ayoko namang mainis siya sakin"Wag kang masyadong tumitig," sabi niya sa akin, kaya napaiwas ako ng tingin
"Wag kang masyadong maginlove sa akin," dugtong niya, habang tumatawa. Pero bigla siyang naging seryoso. "Baka mamamatay pa ako," seryosong niyang pero hindi ko siya maintindihan kung bakit paiba iba ang mood niya bipolar ata to eh"Nandito na tayo," sabi niya, pero hindi na katulad kanina na seryoso Bumalik na ang dating mood niya na masaya.pagpasok namin sa clinic ay may nagharang sa amin.
"Bawal kayong pumasok dito," agad niyang tigil saamin
"Bawal ka talaga?"pang-aasar ni Superior dito.
"Asa ka," seryoso niyang sabi bigla.
"Kung hindi, malalagot ka sa kanya," sabi ni Superior at tumingin sa isang puno na malapit sa clinic agad naman namutla ang nagbabantay habang nakatingin sa puno. Tinignan ko rin ang puno baka kung ano pa ang nakikita nila pero wala naman akong nakitang tao parang pinagbibiro lang ako ng dalawa.
"Pasok na kayo, ma'am," sabi ng nagbabantay na nagmamadali pa kaya pumasok na kami at palihim ko pang tiningnan ulit ang puno bago pumasok Pero nagulat ako nang may tao dun naka gray siya.
"Higa ka muna diyan, Mr.," sabi ni Superior kaya Sinunod ko naman ang sinabi niya, baka kasi bigla nanamang magbago ang ugali niya.
"Salamat po, Superior," sabi ko. Tumango lang siya at tumalikod na pero bago siya lumabas ay may sinabi siya.
"Mag-iingat ka sa susunod. 'Di lahat ng oras matutulugan kita," huling sabi niya bago siya lumabas ng clinic. Napa-isip ako kung bakit niya ako tinulungan. Kilala ba niya ako?
Kytler's POV
Nandito pa rin ako sa aking kinatatayuan. Iniisip ko pa rin ang pagtulong niya sa akin."Yung kaibigan mo pala nasa clinic," sabi ng kung sino kaya lumingon ako, pero agad akong napaatras nang makita ko si Superior. Malalaman ko kung sino ang talagang si Superior o Supremo sa kanila, dahil si Superior ay may suot na pulang mask, habang si Supremo naman ay may suot na itim na mask. Minsan napaisip ako kung magkakilala ba sila pero sa tingin ko ay hindi dahil simula nang pumasok ako rito hindi ko sila nakikitang magkasama.
"Salamat po sa pagsabi," sabi ko at yumuko, baka kasi kung anong mangyari sa akin.
"Stop, wag kang yumuko. Kinikilabutan naman ako sa'yo," sabi niya na parang natatakot pa. Isa rin itong kaibahan nila, ang ugali.
"Opo," sabi ko at inangat ang ulo ko.
"Magbago kana hayts, mauna na ako sayo" sabi niya. Tumango nalang ako pagkatapos niyang umalis ay agad akong tumakbo papunta sa clinic. Pagdating ko ay wala nang katok-katok at pumasok kaagad kaya nalaglag si Kurtz at Adam sa kama, si Jeyden at Jacob naman ay nalaglag din sa isa pang kama, at si Max na nakatayo ay bigla namang nagtapon ng binabasa niyang libro habang si Levi ay bigla namang tumayo.
"Nang-gugulat ka naman, Kytler," sabay nilang sabi at bumalik sa ginagawa nila natawa naman ako Hindi ko kasi mapipigilan dahil nakakatawa talaga sila kung makikita niyo lang ang hitsura nila.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila, habang pinipigilan ang tawa.
"Akala namin kalaban na, Kytler," sabi ni Kurtz kaya tinawanan ko sila
"ano palang nangyari sa'yo, Levi?" Pag iiba ko sa topic baka kasi mapikon to
"Pinagtulungan ako ng dalawang grupo buti nalang niligtas ako ni Superior," sabi niya, habang nakangiti na parang baliw mukhang may nagyari pa ah
"Parang baliw," sabay naming sabi sumimangot naman siya pero kalaunan ay ngumiti nanaman
"Ikaw, Kytler, bakit natagalan ka?" tanong ni Max sa akin.
"Sinugod din ako ng isang grupo," sagot ko lang.
"Buti buhay ka pa," sabi ni Adam sinamaan ko naman siya ng tingin, aba
"Patay na sana ako ngayon dahil babarilin na sana nila ako," kwento ko sakanila
"Bakit 'di ka pa patay?" sabi ni Jacob talagang isa 'to.
"Bakit parang gusto niyo akong mamatay?" sabi ko. Natawa naman sila.
"'Di naman, oh, ano na nangyari?" tanong naman ni Jeyden. Parang gusto niya lang akong matapos sa kwento ko
"Sinalo ni Supremo ang bala," sagot ko. Napanganga naman sila sa sinabi ko
"Si Supremo?" sabay nilang sabi halatang gulat na gulat sila narinig
"Oo, bakit?" seryosong sabi ko.
"Totoo?" sabi ni Kurtz.
"Totoo nga, sinasabi ko," inis na sabi ko sa kanila.
"'Di ka nag-shabu-shabu, 'no, par?" sabi ni Adam, kaya binatukan ko siya.
"Joke lang, pero bakit kaya kayo niligtas ng dalawang pinakamalakas sa school na ito?" sabi niya ulit.
"Oo nga, ano kaya ang dahilan?" sabi ni Max, parang detective.
Someone's POV
"nakakatawa naman sila, grabe," sabi ko. Nandito kami sa mansion namin sa loob ng university habang nakatingin sa CCTV.
"Tumahimik ka nga," sabi niya kaya tumahimik nalang ako. Grabe ang sama talaga nito.
"Oo na, tatahimik na," sabi ko at sumimangot kaya natawa naman ang iba pang kasama namin.
"Wawa mo naman."
"Booooo."
"Iiyak nayan."
"Sumbong kay mama."
"Tsk."
Sabay nilang sabi, kaya lalo akong napasimangot. Wala kasi rito ang kakampi ko, kaya ganito.
"Tigilan niyo na nga si Kleon," sabi ng isang lalaki na dumating kaya agad akong napangiti
"Ayan na naman ang mama niya," pang-aasar nila naasar naman siya at sinugod ang apat, pero napatingin ako kay Axel na nakaupo lang habang nakapikit.
"Kayong apat pag nahuli ko kayo, lagot kayo sa akin!" galit na sabi ni Kuya Kein.
"Kung mahahabol mo," pang-aasar ni Kuya Josh.
"HAHAHAHAHA, ang pangit mo, Josh," sabi ni Ate Anna habang tumatakbo.
"Mas pangit kayong dalawa," sabi ni Kuya Klein habang tumatakbo. Hindi ba sila napapagod sa kakatakbo?
Tumawa naman ang natitira.
"Kayong tatlo, pangit niyo," sabi ni Ate Hein habang tumatakbo. Napalingon naman ang lahat sa kanya.
"Pati ba naman ikaw, Hein?" sabi ni Ate Rein.
"Bakit ba sumasabay lang ako? Sila lahat may sinasabi, alangan namang ako lang wala," sabi niya habang tumatakbo parang ako pa ata yung napapagod sa kanila.
"Bwesit talaga 'to," sabi ni Ate Myca.
"Hoy, tigil na kayo! Nagkakalat lang kayo dito," sabi ni Kuya Ross, pero hindi pa rin sila tumigil. Kaya napasabunot naman si Kuya Ross sa sarili niyang buhok.
"Parang baliw ka, Ross," sabi ni Ate Vina.
"My loves naman," sabi ni Kuya Ross. HAHAHAHAHA.
"Mandiri ka kaya sa sinasabi mo, Ross," sabi ni Ate Vina, kaya tumawa ang lahat maliban sa naghahabulan.
"All of you, stop ang iingay niyo" sabi ni Axel kaya agad naman kaming tumigil sa ginagwa namin nakakatakot talaga siya.
A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
AcakShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...