( A/N : sa mga nalilito, if supremo yung POV meaning nun ay naka mask siya, and if Xyrexx POV namn ay di siya naka mask )
Jasper POV
Who is that guy? why? why ate is protecting him?
"Jasper let's go" sigaw ni Kuya Ross
"Oo, papunta na!" sigaw ko. Aalis daw kaming tatlo ni Ate Xyrexx. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.
"Are you ready?" tanong ni Ate.
"Yes, btw, saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Kailangan mong mag-aral sa ordinaryong paaralan," sabi ni Kuya Ross.
"Ha? Bakit, Ate?" tanong ko kay Ate dahil sa sinabi ni Kuya Ross, pero hindi niya ako sinagot.
"Para sa kaligtasan mo," sabi ni Kuya. Ayaw ko talaga!
"Ayaw ko! Ayaw kong mawalay sa inyo!" pagpupumilit ko sa kanila habang umiiyak."Jasper, mahal mo kami, 'di ba? Kaya pumayag ka na," sabi ni Kuya. Ayaw ko talaga!
"Ayaw ko!!!" sigaw ko at tumakbo. Narinig ko pa ang pagtawag nila pero hindi ako lumingon at tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako.
"Saan 'to?" tanong ko sa sarili at nilibot ang tingin sa paligid. Nasa gubat ata ako napunta. Hindi pa ako nakakapasok sa gubat kaya hindi ko pa kabisado ang daan dito. Kaya naglakad-lakad nalang ako hanggang sa may makita akong daan na hindi ko alam kung saan papunta.
"Hoy!" may sumigaw kaya napatingin ako. Nagulat ako nang hilahin niya ako kung saan.
"Teka lang, sino ka?" natatarantang tanong ko.
Hilahin ka bigla tapos hindi mo pa kilala?
"Halika nalang," yan lang ang sinabi niya sakin kaya wala na akong nagawa kundi magpatangay nalang sa kanya. Mas lalo kasi akong napapagod kung nagpupumiglas pa ako, alam ko namang mas malakas siya sa akin. Kampante na sana ako na hindi niya ako sasaktan, bigla niya lang akong pinatulog gamit ang pagtapik sa sintido ko.
Kaya agad akong nawalan ng malay...
Hikka POV
Ring... Ring...
May tumawag sa akin kaya agad kong sinagot.
Ross calling...
"Hello," sagot ko.
"Lumabas ka. May dapat tayong gawin," agad niyang sabi.
"Wala man lang 'hello' o 'hi'? Bakit? May problema ba?" tanong ko.
"Meron ngang problema," sagot niya.
"Ano? Ano naman?" tanong ko ulit.
"Nawawala si Jasper. Kanina pa wala sa mood si Xyrexx. Hanapin muna natin baka kung anong mangyari kung di pa natin siya nakita," mabilis niyang kwento.
"Ano?! Sige, sige. Hintayin mo ko," sagot ko.
"Bilisan mo," huling sabi niya bago pinatay ang tawag.
Agad naman akong nagmamadaling lumabas ng kwarto at pinuntahan si Ross. Delikado ito. Baka kung ano pang mangyari kung di natin siya nakita. Iba pa naman iyon magalit.Tumakbo na ako ng mabilis para mabilis din akong makapunta kung nasaan si Ross. Sa pagtakbo ko, agad kong nakita si Ross na naghihintay sa akin.
"Tara na," agad niyang sabi nang makalapit na ako sa kanya ng kaunti at nauna nang tumakbo.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami.
"Nagkatampuhan lang kami, at tumakbo siya palayo sa amin. Akala namin babalik siya pero mukhang naligaw siya sa gubat," kwento niya sa akin.
"Saan yung iba?" tanong ko ulit. Nilingon naman niya ako ng kaunti bago tumingin ulit sa harapan.
"Pinauna ko nang maghanap. Ang tagal mo kasi," sagot niya na ikinainis ko kaya agad ko siyang hinabol at binatukan.
"Kasalanan ko bang ngayon ka lang tumawag?" inis na sabi ko sa kanya. Di na niya ako pinansin ulit at tumakbo na lang.
Cassandra POV
Kanina pa kami hindi mapakali dito dahil nalaman naming nawawala daw si Jasper. Nagtataka kayo kung bakit namin kilala si Jasper? Alam namin na kapatid siya ni Xyrexx dahil palagi niya itong kasama pag lumalabas.
"Di pa rin siya nahahanap?" tanong ni Shainae na kanina pa palakad-lakad sa harap ng table ko.
"Di pa rin daw," sagot ni Liahn sa kanya na di rin mapakali sa upuan niya.
"Maghanap nalang kaya din tayo," suggest ni Shainae sa amin.
"Pwede pero madami pa tayong ginagawa, diba?" tanong ko.
"Oo nga pala," sang-ayon ni Liahn sa akin. Tumango naman si Shainae.
"Tumulong nalang tayo sa paghahanap kung matatapos na natin ito," sabi ni Shainae kaya sumang-ayon kami sa sinabi niya.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng office at pumasok si Xyrexx. Mafe-feel mo talaga na wala siya sa mood dahil sa emosyon na pinapakita niya ngayon.
Bakit nandito ito?
"Nahanap na ba siya?" tanong ko sa kanya pagpasok niya palang. Di na ako sinagot at umupo nalang sa isang upuan kasabi ng sofa na inuupuan ni Liahn.
At sa pangalawang pagkakataon ay bumukas ulit ang pintuan at pumasok naman dito ang kapatid ni Shainae na hinihingal."Bakit ka nandito?" tanong ni Shainae sa kapatid pagpasok nito.
"May nakakita daw kay Jasper," hingal na sabi nito. Napatayo naman si Xyrexx sa narinig.
"Saan?" Mabilis niyang tanong."Sa gubat pero bigla nalang daw itong nawala," agad na sagot nito. Nagulat kami. Nagbigla nalang siyang sinakal ni Xyrexx. Agad naman kaming umawat sa kanya.
"Sino ang nakakita sa kanya? Bakit di man lang nila nakuha si Jasper?" Walang kabuhay-buhay na sabi ni Xyrexx kay Damien.
"Teka, bitawan mo muna si Kuya," sabi ni Shainae na pilit inaalis ang pagkakasakal kay Damien. Agad namang tinabig ni Xyrexx ang kamay ni Shainae at mas lalong hinigpitan ni Xyrexx ang pagsasakal niya kay Damien.
"Bitawan mo siya, Xyre," sigaw ng kung sino pagpasok sa office, hingal na hingal.
"Alam kong galit ka ngayon pero wag mo namang ibuntong yang galit mo sa ibang tao," sabi ulit ng lalaki. Mabuti nalang at nakinig si Xyrexx sa kanya at binitawan ang kapatid ni Shainae.
"Hikka, why are you here?" tanong lang ni Xyrexx dun sa lalaki na parang wala siyang sinakal kanina.
"Hinanap ka namin ni Ross, kaya napadpad kami dito," sagot niya. "Wag kanang mag-emote dito. Aalis na tayo para hanapin siya," dugtong nito.
Agad naman silang umalis pero may isa pang lalaki na naghihintay sa labas. Medyo familiar siya pero di ko makilala dahil sumama na siya kaagad kila Xyrexx.
......
A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
AléatoireShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...