chapter 6 - DID I JUST BUMP SOMEONE?

281 14 0
                                    

Someone POV

Matapos banggitin ang bagong nasali sa rankings ay agad silang umalis lahat at bumalik sa kanikanilang dorm kasi walang pasok dahil sa nangyari kanina kaya andito ako nakahanap ng tyempo na makapunta sa sa hideout namin na kami lang ang nakakaalam habang naghihintay ay Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa ang matagal ko nang gustong makausap at makita.

"Oh, buti nagpakita ka na sa tagal ba naman kitang hinintay muntik ko nang malimutan hitsura mo," sabi ko sakanya pagpasok palang. Matagal ko na kasi itong hindi nakikita pagdating ko palang dito ay hinanap ko na siya pero ngayon lang siya nagpakita

"Hmm," sagot niya sakin at umupo na lang sa sofa kami lang dalawa ang nandito dahil ewan ko na naman kung saan ang mga kasama ko.

"Bakit mo pa ako pinapasok dito? Ok na sana na labas-pasok lang ako dito sa loob. Bakit kailangan ko pang mag-aral dito?" reklamo ko sakanya. Oo, hindi ko talaga gusto mag-aral dito pero inutosan niya ako dahil may mangyayari daw

"shit your f*cking mouth," mura nito saakin naiingayan ata napailing nalang ako sa pagmumura niya pwede namang hindi e

"bakit nga kasi? You should explain para di na ako magtanong sayo" pangungulit ko sakanya di ako titigil hanggat di niya sinasabi Bahala siya.

"You are so noisy wtf," kalmadong na parang naiinis na sabi niya sakin

"Aba, hirap kayang magpanggap dito sa loob," sabi ko lang dahil baka sasabog nato sa inis.

"You shi-, pumayag ka naman so shut up" sagot niya saakin.

"Oh, stop cursing," awat ko lang.

"Are they sure that you're my twin Xake?" takang tanong niya agad namang kumunot ang noo ko, hindi na ako kinilala.

"So, sinasabi mong di mo ako kambal? Xave, nakakasakit ka na ah," drama ko at kunwaring umiiyak. Yeah, you heard it right, yang kausap ko ngayon is my twin. Kung murahin ako  parang hindi diba?

"Tsk," sumusukong pahayag niya.

"Pero Xave, ilang years kana dito di kaba napapagod?" tanong ko

"Im not, and nasanay nako do don't worry about me" sabi niya kaya tumango nalang ako

"Ok, but you sure Xave? just tell me if you need anything ok?" Sabi ko ulit i know na kaya niya but i also want her to rely on me

"Yes i will," kalmadong sabi niya. Napilitang tumango naman ako dahil wala talaga akong masabi sa kanya.

Mga ilang minuto ay napagpasiyahan niyang umalis dahil may gagawin siya tsk di ko akalain na kambal ko yun di halata because opposite kami in attitude personality and marami pa

Levi POV

Pababa ako ng hagdan dahil pupunta na ako sa dorm ako lang kasi ang naiwan kanina galing sa gym dahil may naiwan ako kaya binaikan ko ito matagal tagal ko din itomg hinanap kaya naabutan ako nang gabi 8:00 pm na ata, malayo layo pa naman yung dorm habang naglalakad ay may nakabanggaan ako kaya malapit akong mahulog sa hagdan mabuti na lang at nahawakan niya ang kamay ko

"Tsk," rinig ko mula sa kanya. Tinulungan niya naman akong tumayo pero naramdaman kong malakas ang pagtibok ng puso ko dahil muntik na akong mamatay.

"Salamat," pasasalamat ko lang. Tumango lang siya saakin at sinubukang tignan siya pero di ko masyadong makita ang mukha niya dahil madilim na rin dito pero alam kong babae siya based sa boses niya.

"Una na ako," sabi ko lang tumango ulit siya at  tinignan lang ako pagbaba ko ng hagdan ay bigla akong natapilok kaya napapikit nalang ako at handang mahulog pero ang ikinakagulat ko nang may tao akong nabagsakan.

"F*ck," mura niya dahil nakadagan ako rito. Akma na akong tatayo dahil baka masakitan siya sa pagbagsak ko sa di inaasahan ay nabagsak ulit ako sakanya pero nanlaki ang mata ko ng naglapat ang aming mga labi.

Dug dug dug dug...

Agad-agad akong tumayo pero nakahiga parin siya di ko parin makita ang mukha niya dahil nasa madilim na parte kami bumagsak.

"Ahh, fuck," daing niya. Mukhang napilayan yata siya dahil sa nangyari.

"Naku, sorry, di ko sinasadya," natarantang sabi ko at akmang tutulungan siya perk umiling lan ito tumango lang siya samin at may dumating na tatlong lalaking naka-mask.

"Oh, anong nangyari sayo," natatawang sabi nung isa na parang walang balak tulungan yung babae nasa sahih

"F*ck, shut up," inis niyang sabi kaya inulungan naman agad siya ng tatlo para tumayo

"yan kasi, you should careful" tawang sabi niya at nilingon ako. "Pero mukhang namumula ka ata, are you okay," tanong niya saakin.

" let's go," sabi nung babae pagkatayo niya kaya di na ako nakasagot at agad naman silang umalis nang walang paalam

"Arrgggg," nasabi ko lang at napasabunot sa buhok ko at nagsimulang maglakad kahit nahihirapan habang nalalakad agad akong namula ng maalala ko ulit ang nangyari kanina

Someone POV

"Ano, ok ka lang?" tanong niya saakin sumandal lang ako sa upuan ko at bahagyang tumango sakanya, kakadating lang kasi namin dito

"Ano kasi ang nangyari," kulit na tanong niya.

"Tsk," sabi ko lang that guy is a pain in my ass. Tsk, ang tanga niya at ang lampa pa, lalaki pa ba yun?

"Mukhang ayaw mong magkwento pero ok lang naman," sabi niya pero di ko parin pinansin.

"Nagsisimula na sila, Superior, sasabihin ba natin sa SCG ang mangyayari?" tanong niya saakin na naka-agaw ng atensyon ko.

"No, gusto kong sila ang umalam," sabi ko lang. Tumango naman sila.

Kario POV

Nandito ako sa rooftop, nakaupo lang naman habang iniisip kung bakit gusto nilang may magbantay sa anak nila.

Flashback

"Iho, nag-aaral ka ba sa V. E. University?" sabi ng babaeng nasa 30's na ata, may kasama siyang lalaki na nasa 30's din, mukhang mag-asawa silang dalawa. Nagulat ako sa tanong nila, pano nila nalaman ang university?

"Ah, opo, bakit po?" sabi ko nalang at ngumiti naman siya saakin. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Iho, bantayan mo naman ang anak ko para sa kaligtasan niya sa paaralan niyo. Alam naming kung anong klaseng paaralan yun, kahit delikado ay dun namin siya pinaaral dahil na din sa kaligtasan niya dito sa labas," pagmamakaawa nito saakin.

"Baka mapapahamak po kayo niyan," sabi ko lang sakanya. Nagulat naman sila, pake alam ko ba? "Dahil lahat ng taong may alam sa school na yun na di nag-aaral ay agad na pinapatay," dugtong ko

"Kahit na iho, bantayan mo lang ang anak namin, okay na kami mas delikado kasi dito sa labas kesa sa paaralan niyo," pagmamakawa ulit nito. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Di ako ang makakatulong sa inyo pero may kilala akong makakatulong sa problema niyo," sabi ko lang naaawa nadin kasi ako.

"Sino, iho?" tanong nito. Lagot na naman ako neto, hayts, pero bahala na.

"Either the Student Counsil President na si Supremo or The Mysterious Hunter na si Superior," sabi ko lang. Sana di ako papatayin ng mga yun, wala naman akong magagawa dahil sila lang naman yung alam kong makakatulong sa kanila.

"Salamat, iho, maraming salamat," pasasalamat niya saakin.

"Ano bang pangalan ng anak niyo?" tanong ko sakanya.

"........."

A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.

She's The Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon