Kytler POV
Bumalik na sa dating kalakaran dito sa loob ng school at may pasok na rin kami.
"Tara, late na tayo," sabi ni Max na nasa dorm pa kasi kami. Tumango naman ako at nauna na, at naramdaman ko namang sumusunod sila sa akin.
"Buti na at bumalik na sa dating ayos dito. Parang walang nangyari," sabi ni Kurtz.
"Oo nga," sabi ko lang at tinitingnan ang paligid. May mga estudyante pang nag-uusap at naglalaro, parang hindi pa ata time.
"Levi!" sigaw ni Kurtz kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin. Nakakahiya talaga itong si Kurtz, tumingin naman si Levi sa amin at pumunta sa amin.
"Papunta na kayo sa room?" tanong ni Adam.
"Oo, tara, sabay na tayo," sabi ni Kurtz. Tumango naman sila at sumabay sa amin sa paglalakad papunta sa room.
"Balita ko umalis daw muna dito sa V. E. si Supremo," sabi ni Jeyden na chismoso.
"Tama, narinig ko din sa bulung-bulungan kanina," dagdag ni Max.
"Bakit kaya?" tanong ni Levi, kaya napaisip din ako. Bakit nalaman ng mga estudyante na aalis si Supremo?
"Balita ko, hindi sinasabi sa estudyante kung aalis ba si Supremo," sabi ni Jacob.
"Bakit alam nila?" tanong ni Levi.
"Ewan ko din," sabi ko. "Oh, nandito na pala tayo," dugtong ko, di pala namin napansin na nasa harap na kami ng pinto.
"Wag kayong paharang-harang dyan, di ba kayo papasok?" sabi ni Shainae na nasa likod namin. Papasok ata sila.
"Sorry naman," sabi ni Kurtz.
"Sige na, pumasok na kayo," sabi ni Liahn.
"Ito na," sabi ni Max at pumasok. Sumunod naman kami.
Someone POV
"Sigurado ka ba sa plano mo?" tanong nila sa akin. Tumango naman ako.
"Pano kung mapahamak ka?" sabi ni Ross.
"Kaya na niya ang sarili niya," sabi ni Vina.
"Mag-iingat ka lang, Kups," sabi ni Kleon. Tumango ulit ako.
"Sarap mong kausap," sabi ni Anna.
"Tsk," sabi ko lang at tumayo na. Sayang lang ang oras kung kakausapin ko pa sila.
"Ingat ka, Dude," sabi ni Kein. Tumango ako at tinalikuran ko na sila. Magsisimula na kasi, kaya kailangan ko na ding kumilos. Ayaw kong siya lang ang lalaban.
"Hmmmm, kayo din," sabi ko.
Habang naglalakad, di ako makikita ng estudyante dito dahil sa oras ng klase na. Pag liko ko sa building, may tumakbo kaya nabangga niya ako. Sa pagbangga niya, napaupo siya dahil sa lakas ng impact.
"Sorry, miss," sabi ko, pero di niya ako tinitignan kasi tatayo pa lang siya. Pagtingin niya sa akin, agad nanglaki ang mata niya.
"Axel!" gulat niyang sabi.
Kilala niya pala ako? Tumitig lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Sorry po, di ko po sinasadya, nagmamadali po kasi ako," sabi ko na halos lumuhod na sa harapan niya, pero di ko na siya pinansin at nilagpasan siya. Masasayang ang oras ko.
Levi POV
"Labas muna ko," sabi ko nang papasok sana sila sa room agad silang napatingin sa akin.
"San ka pupunta?" tanong ni Kytler.
"May bibilhin lang," sabi ko. Tumango naman siya.
"Balik ka agad, malapit na Class Hour," sabi ni Adam. Tumango naman ako, agad akong umalis at tumakbo papunta sa cafeteria. Gusto kong bumili ng tubig, kasi nauuhaw na ako.
FASTFORWARD
Nandito na ako sa Caff at bumili ng tubig. Pagtingin ko sa relo ko, 2 minutes na lang at time na. Agad akong tumakbo ng mabilis. Pag liko ko sa building, may nakabangga
ako. Taena, ang sakit agad akong napaupo, lakas kasi ng impact nun.
"Sorry, miss," sabi ko, pero di ko siya tinignan, tatayo pa kasi ako. Pagtingin ko sakanya, agad akong nagulat.
"Axel!" sabi ko.
Siya si Axel, yung isa sa mga Reaper. Papatayin na ba niya ako dahil nabangga ko siya? Tinignan niya lang ako, bakit ang hilig niyang tumitig?
"Sorry po, di ko po sinasadya, nagmamadali po kasi ako," sabi ko.
Lumapit naman siya, kala ko sasaktan niya ako, pero hinila niya ako para di mahulog.
"Next time, wag kang tumakbo sa hagdan," sabi niya. Agad akong napatingin sa mukha niya, ang ganda niya grabe.
DUG DUG DUG DUG
Parang ngayon ko lang siya nakita, buhok niya na kulay abo na hanggang beywang niya at mga mata niyang kulay abo din na walang ka-emosyon-emosyon, halatang may lahi pero parang pamilyar siya. Aalis na sana siya ng may sumigaw kaya napatingin ako dun.
"Teka nga, Supremo!" sigaw ng lalaking nakamask. Gulat ako sa narinig ko at tinignan ang babae. Nagulat din ang lalaki dahil nakita niya ako. Samantala, ang babae ay walang emosyon na nakatingin sa lalaki. Napalunok naman ang lalaki.
"May student pala," sabi ng lalaki. Dun ko lang napansin na di nag-uniform yung babae. Naka-polo siya ng puti at pantalon na itim. Necktie niya di naka-ayos, ang hot niyang tingnan. Teka, teka, nanlaki mata ko sa kanya, tinignan ko siya dahil naalala ko kung ano yung tawag sa lalaki sakanya.
"Ik-ikaw s-si Su-Supremo?" utal kong sabi habang nakatingin sakanya. Mas lalong siyang gumanda sa paningin ko, bakit parang sasabog na puso ko, tinitigan ko lang naman siya.
"Matutunaw yan, Levi," bulong ng lalaki kaya napatingin ako sakanya. Bumalik ako ng tingin kay Supremo, pero wala na siya.
"Umalis na siya, ganda niya noh," sabi ng lalaki. Kaya napatingin ako, tinignan ko lang siya, napatango ako.
"Sabi-sabi ng iba, panget niya dahil naka-mask siya kaya minsan natatawa ako," sabi niya, kaya napatingin ako sakanya.
"Ikaw lang ang student na nakakilala sakanya kaya napakaswerte mo," sabi niya. Kaya nagulat ako.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Sabi ko sa sarili ko na kung sino ang unang makakilala sakanya na student, gusto ko na siya yung makakatuluyan niya, at ikaw yun, Levi," sabi niya kaya nagulat ako.
"Alam kong may gusto ka sakanya, kala mo di ko alam na sinisearch mo kung ano info niya, pero maliit lang na info ang nakuha mo, diba?" sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko.
"Pano?" tanong ko na naguguluhan.
"Alam ni Supremo lahat kung may gustong kumuha ng impormasyon tungkol sakanya," sabi niya kaya agad akong namula.
Nakakahiya, ang dami ko pa namang sinearch para malaman ko kung sino talaga siya.
A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.
BINABASA MO ANG
She's The Supremo
RandomShe's a mysterious figure, the esteemed president of their school. She's a cold person, yet undeniably cool. She's emotionless and fearless, exuding an aura of strength. She's brutal and merciless when pushed, exhibiting an unyielding tenacity. That...