chapter 17 - XYREXX

98 9 1
                                    

Someone POV

Naglalakad pa rin ako dito sa school at madami akong ginagawa.

"Xyrexx, sorry na, di ko alam na may student pala dun," pagmamakaawa niya, pero di ko siya pinansin.

"Xyrexx naman, sorry na kasi," sabi niya at hinarangan ang daan ko.

"Umalis ka sa dinadaan ko, Noah," sabi ko sakanya. Sarap nyang tirisin, pasalamat siya pinsan ko siya.

"Insan naman, sorry na," sabi niya. Tsk, at tumabi siya sa daan kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Bantayan mo yun, baka mapahamak pa ako dahil sa inyo," sabi ko sakanya. Tsk, pahamak talaga 'to.

"Bakit ako?" sabi niya. Tinignan ko siya ng masama.

"Sabi ko nga ako nalang kasi ako ang may kasalanan," sabi niya. Dumating naman kami sa Hideout na kami lang ang nakakaalam.

"Buti dumating na kayo," sabi ni Saac, isa sa pinsan ko.

"Yang pinsan mo ang tanungin mo," sabi ko lang at pabagsak na umupo sa sofa.

"Bakit Noah? Anong nangyari?" tanong ni Isaac kay Noah.

"Kuya, kasi ano, may nakakilala kay Xyrexx," sabi niya kaya kumunot ang noo nila.

"Ano?!" sabay nilang sigaw, kaya napatakip ako ng tenga. Aish, ang ingay, bakla ata ang mga 'to.

"Di ko naman kasi sinadyang tawagin siyang Supremo. Di ko kasi alam na wala palang siyang suot na mask," sabi ulit ni Noah.

"Tanga mo talaga," sabi ni Asheville.

"Pano pag magsabi yun edi wala na ang plano niya nyan," sabi ni Kit.

"Mabait naman yun, alam kong di niya yun ipagsasabi," sabi ni Noah.

"Siguraduhin mo lang, Noah, uupakan talaga kita," sabi ni Kit.

"Wag niyo nang pagtulungan nangyari na," sabi ni Isaac.

"Anong nangyari sa inyo?" sabi ng bagong dating.

"Yan kasing Noah, muntik ng mapahamak si Xyrexx," sabi ni Havvey, sumbongero.

"Di ko sinasadya, Insan," sabi ni Noah, at napakamot ng ulo.

"Wag niyo nang pagtulungan si Kuya Noah, mga kups," sabi ng batang kakadating lang. Umupo naman siya sa lap ko, sa lahat ng narito, sa kanya lang ako sweet.

"Teka, sinabihan na kitang wag ka nang umupo sa lap ni Xyrexx," sabi ni Isaac, pero di siya pinansin ni Jasper.

"Malaki ka na, Jasper, sa susunod wag ka nang umupo sa lap ng Ate Xyrexx mo," sabi ni Havvey. Tumango naman ang bata.

"Jasper, san ka nga pala nanggaling?" tanong ni Ross.

"Dyan lang sa tabi-tabi, Kuya Ross," sagot ni Jasper.

"Don't leave without our permission, ok?" kalmadong sabi ko.

"Yes po, Ate Xyrexx," sabi niya, tumango naman ako.

"Wag ka ding masyadong lumabas, baka makilala ka nila at sasaktan ka," sabi ni Isaac.

"Opo, Kuya Isaac," sabi niya. Ngumiti naman sila. Mabait si Jasper, di namin siya kaano-ano pero kinupkop ko siya nung twelve ata siya. Nasa lansangan lang kasi siya nun, ngayong sixteen na siya, nasa akin parin siya. Halatang may lahi si Jasper, nakuha ko yung pangalan niya dahil may nakaukit sa damit niya, kaya yun na lang ang pinangalan namin sakanya. Kahit sixteen na siya, mahilig parin siyang umupo sa lap ko, walang malisya yun. Nakakabatang kapatid ko na ang turing ko kay Jasper.

"Sige, alis ka na, dyan ka na kanina nakakandong sa Ate mo," sabi ni Ross. Umalis naman siya sa lap ko at tumabi nalang sakin.

"Btw, anong plano mo ngayon, Xyrexx?" tanong ni Isaac. Nakikinig lang si Jasper samin.

"Ako na bahala, don't worry," sabi ko. Kampante naman ako na kami ang mananalo sa laban na 'to. Tumango naman sila sa sinabi ko.

"Sige, aalis na ako, baka hinahanap na nila ako dun," sabi ni Ross. Umalis na siya kaya tumango na kami saka naman siya umalis.

Kytler POV

Hinihintay pa namin si Levi, umalis pa kasi siya.

"Tagal naman nun, nauna ka pa sakanya, Kytler, kakagaling mo lang sa cr," sabi ni Max.

"Baka napahamak na yun," oa na sabi ni Jeyden. Binatukan ko naman siya sa sinabi niya.

"Aray ha," daing niya.

"Negative ka masyado," sabi ko.

"Oo nga, baka may nakita lang na chic sa tabi-tabi," sabi ni Kurtz. Binatukan naman din siya ni Max.

"Aray ha, ikadalawang nayun pareho dalaga kayo, nambabatok na lang bigla," daing na sabi niya.

"Siraulo ka talaga," sabi ni Max.

"Ayan na pala siya," sabi ni Adam.

"Bat ang tagal mo?" tanong ko pero di niya ako pinansin, nakatulala lang siya habang umupo kaya natahimik kami.

"Levi," sabi ni Adam.

"Nakadrugs na ata 'to," sabi ni Jacob na nabatukan naman siya ni Jeyden.

"Levi,"

tawag ko. Taena, di man lang ako pinansin.

"LEVI!" sigaw ko malapit sa tenga niya.

"Ay, maganda," gulat niyang sigaw habang dahan-dahan na tumingin samin.

"Oyy, anong maganda?" kutya ni Adam.

Max POV

"Oyy, anong maganda?" sabi ni Adam habang malaki ang ngiti. Napakamot naman sa ulo si Levi.

"Sabi ko na nga ba at nakakita ka ng chics eh," sabi ni Kurtz. Lumaki naman ang mata ni Levi.

"Malaki na ang mata niyan," sabi ni Jacob. Kami naman ni Kytler ay tumatawa lang, taena, priceless ang mukha nila.

"Oo," nakangiting sabi ni Levi.

"Aba, tinamaan ng lintik," sabi ni Kytler.

"Bakit?" tanong namin sakanya.

"Inlove ka na, Levi," gulat na sabi ni Kytler.

"Inlove kanino naman?" gulat na tanong ni Levi.

"Edi kanino pa edi kay Xyrexx, iba kana ngumiti par," sabi ni Kurtz. Lumaki naman ang mata ni Levi.

"Ano?!" gulat na sigaw nito.

A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling. 

She's The Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon