chapter 24 - PLAN

9 2 0
                                    

Lahat sila ay nasiyahan sa pagkakita sa nawawalang si Jasper. Nawala lahat ang takot at pangamba nila dahil dito. Makalipas ang ilang araw, para lang walang nangyari sa paaralan; bumalik ito sa dating tahimik at maasiwa ang paligid.

“Xyrexx,” sabi ni Levi pagkakita kay Xyrexx na naglalakad. Nilingon naman siya nito.

“Saan si Jasper? Ikaw lang ata ang mag-isang nalalakad,” tanong niya pagkalapit niya dito.

“Nasa room lang. I don’t want to repeat the accident,” sagot ni Xyrexx kaya tumango si Levi.

“Sabagay, hindi naman lahat gustong mangyari ulit iyon,” pagsang-ayon niya dito. Nagpatuloy naman sa paglalakad si Xyrexx kaya sumunod si Levi.

“Nga pala, kailan kayo aalis? Di ba hindi ka mag-stastay dito?” tanong ni Levi.

“Yes, I think next next day,” sagot ni Xyrexx.

“Ang bilis naman ata,” reklamo ni Levi.

“I have business outside. I can’t leave it long,” pagpapaliwanag ni Xyrexx. Tumango naman si Levi.

“Ah, ganun ba? Aray!” sagot nito. May kung ano namang tumama sa kanya sa noo.

“What happened? Are you okay?” Nilingon agad siya ni Xyrexx sa pagkarinig ng daing niya.

“May tumama lang sa noo ko,” sagot ni Levi. Lumapit naman si Xyrexx sa kanya at tinignan ang noo niya. Kaya dahil doon, sobrang lapit ng mukha niya.

“Ang ganda talaga ng kulay ng mata niya,” sa isip ni Levi at bigla na lang hinalikan ang mata nito, na ikinagulat nilang dalawa at napa-hinto si Xyrexx.

“Ay, teka, aalis na ako. May gagawin pa kasi ako,” agad na sabi ni Levi nang maalala niya ang kanyang ginawa. Bigla na lang itong tumakbo.

“Hey, wait!” Huling sabi ni Xyrexx pero hindi na ito pinansin ni Levi.

May bigla namang umakbay sa kanya.

“Hey! Couz,” sabi nito.

“Hmmm,” sagot lang ni Xyrexx sa kanya.

“Sino pala tinitignan mo? Let’s go, magsisimula na tayo,” tanong nito.

“Wala. Dumating na ba sila?” tanong ni Xyrexx.

“Yeah, kakadating lang. Ikaw na lang hinihintay kaya hinanap na kita,” sagot nito. Tumango naman si Xyrexx at nagsimulang maglakad. Sumunod naman sa kanya ang lalaki kanina.

Habang naglalakad sila, may tumawag sa kanya.

Ring! Ring! Ring!

Sinagot niya ito at di nagsalita. Hinintay niya lang na magsalita ang nasa telepono.

“Xyre,” unang sabi nito pero di niya pa rin sinagot kaya nagpatuloy na lang ang pagsasalita ng nasa telepono.

“Nasaan ka na? Ikaw na lang wala dito. We’ve been waiting for you,” sabi nito.

“Okay, I’ll be there,” sagot nito at pinatay ang tawag.

“Sino iyon?” tanong ng kasama niya.

“It’s Hikka,” sagot ni Xyrexx.

“Hikka? Oh, si Hikkario ba?” sabi nito. Tumango naman si Xyrexx at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

At sa wakas ay nakarating na din sila sa pupuntahan nila.

“Ang tagal naman ninyo,” agad na bungad ni Kit.

“Shut up, girl,” sagot ni Noah.

“Shhh,” sabi naman ni Asheville kaya natahimik sila.

Umupo naman silang lahat sa upuan doon sa mahabang mesa.

Xyrex

Kytler | T | Jasper
Kit | A | Asheville
Noah | B | Hikkario
Lucas | L | Havvey
Mike | E | Harvey
| |
| |
[A/N: Mahaba pa ito, but sila lang yung nakaupo]

“Nasaan na ang iba? Akala ko ba kami na lang ang hinihintay?” agad na tanong ni Noah.

“Di makakapunta ang iba. May inaasikaso ako,” sagot agad ni Xyrexx sa kanya.

“Bakit di mo agad sinabi?” maktol na sabi ni Noah.

“Di ka naman daw kasi nagtanong. Ngayon lang,” sagot ni Hikkario.

“Tumahimik ka na lang. Naiirita ako sa boses mo,” sagot ni Noah.

“Aba,” sagot ni Hikkario at akmang lalapit kay Noah.

“Shut up,” agad naman silang natahimik sa mahinang sinabi ni Xyrexx. They know that Xyrexx is the scariest to all of them.

“So, what’s the plan?” pambasag ni Asheville ng katahimikan.

“I agree sa sinuggest ni Harvey kahapon,” sabi ni Lucas.

“Me too. Mas mapapadali kasi natin kung iyon ang gagawin,” sang-ayon ni Mike. Tumango naman silang lahat maliban kay Xyrexx na malalim ang iniisip.

“Let’s start tomorrow,” agad na sabi ni Kytler.

“Btw, Kytler, what about your friends? Baka may mangyari sa kanila,” sabi ni Kit.

“No, it’s okay. Alam ko naman di sila pababayaan ng kapatid ko,” sagot ni Kytler.

“Really ha? Kapatid mo lang ba? Pati din naman ako. Ako lang ata ang laging tumutulong sa kanila,” sabi ni Asheville.

“Shh, inutusan ka lang kaya ginawa mo iyon,” sagot ni Havvey.

“Yes, kung di ka inutusan, gagawin mo ba?” sabi naman ni Harvey.

“Oo, sige na, hindi na ako. Pinagtutulungan ninyo pa ako,” sabi ni Asheville.

“They’re stating the fact, ate,” sabat ni Jasper.

“Oh my sweet boy, pati ba naman ikaw?” sabi ni Asheville at niyakap si Jasper ng mahigpit.

“Teka, saan si Isaac?” tanong ni Noah.

“May pinapagawa lang ako. Bakit?” sagot ni Kytler.

“No, wala lang. Di kasi iyon nawawala sa meeting so nakakapanibago lang,” sagot ni Noah.

“Yeah, pinilit nga ni Kytler iyon,” sagot ni Mike.

“HAHAHA, talaga? Buti napilit ninyo,” sabi ni Noah.

“Bakit hindi mapipilit? Eh, nag-blackmail si Kytler na isusumbong kay Xyrexx,” tawang sabi ni Havvey.

“Oo nga,” sagot ni Mike.

“Really? You use my name for that?” tanong ni Xyrexx.

“Si Kytler ha, hindi kami,” agad na alibi ni Mike.

“No, it’s important din kasi so I used your name na,” sagot ni Kytler.

“Okay, if you say so,” sagot ni Xyrexx.

“Iba talaga pag Kytler, no? Kahit ano pwede,” sabi ni Asheville.

“Shut up ka lang, Asheville. You’re too noisy,” sabat ni Kit.

“Okay okay, I shut my mouth,” sagot ni Asheville.

Bumukas naman ang pinto at pumasok doon ang pinag-uusapan lang nila kanina.

“Isaac, okay na ba?” tanong ni Kytler.

“Yes, nasabi ko na,” sagot ni Isaac at umupo sa tabi ni Mike.

“So ano ba inutos mo, Kytler?” tanong ni Asheville.

“Dumating sila Mom and Dad kanina so si Isaac na ang pinasundo ko,” sagot ni Kytler.

“Oh shit,” sabi ni Mike.

“Bakit di mo agad sinabi? Edi sana tayo na ang sumundo,” sabi ni Kit.

“No, may importanteng meeting tayo,” sabi ni Kytler.

“Oh my god! Really? Nandito sila? Kumusta sila?” tanong ni Asheville.

“Okay lang naman,” sagot ni Isaac.

“That’s good,” sagot ni Xyrexx.

Ring! Ring! Ring!

May tumawag naman kay Asheville.

“Hello,” sagot ni Asheville.

“You’re done already? Ang bilis naman,” sabi niya ulit.

“That’s good. Magsimula na tayo,” sabi niya.

“Okay, mag-ingat kayo. Bye,” at pinatay ang tawag.

“Ano sabi?” tanong ni Kit.

“Ready na sila, so I think we should make the move na,” sabi ni Asheville.

“Okay, let’s go,” sabi ni Xyrexx at tumayo. Tumayo na din ang lahat.

.............
A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.

She's The Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon