chapter 20 - JEALOUS

135 8 6
                                    

Xyrexx POV

Three weeks after the incident, my life had been peaceful. Everything seemed quiet now that everyone was busy with classes.

"Ate" Tawag ni Jasper

Nahuli pala siya sakin, naglakad lakad kasi kami dito sa school di naman ako natatakot na may makakita samin dahil wala namang tao dito at naka mask kaming dalawa at higit sa lahat walang pedeng manakit kay Jasper kung ayaw nilang di na masikatan ng araw

"Hmmm" sabi ko at huminto ng kunti

"Is everything gonna be ok?" tanong niya Hinarap ko naman siya at Hinawakan sa Balikat di naman ako nahirapan kahit hanggang balikat ko lang siya

"Don't worry," I assured him, offering a smile even though I knew he couldn't see it. "Everything will be alright. I promise." and ngumiti ket alam kong di niya yun makikita, may narinig naman akong kaluskos sa bandang gilid kaya napatingin ako sakanya Are you listening to us?

"What is it ate" tanong ni Jasper kaya napatingin ako sakanya

"Nothing Lets go" sabi ko, at tumango naman siya. Nagsimula na kaming maglakad ulit.

"Ate ano ang susunod mong gagawin?" tanong niya

"I don't know Jasper, I'm thinking about it already" sabi ko

Habang naglalakad kami, may naramdaman akong papalapit sa amin, tila tatamaan hindi lang ako kundi pati si Jasper. Mabilis kong hinila si Jasper palapit sa akin at niyakap siya nang mahigpit. Mas mabuti nang ako ang matamaan.

"Fuck!" daing ko nang tamaan ako ng bala. Narinig naman ni Jasper ang mura ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ate are you ok?" tanong niya. Tumango ako at humiwalay sa kanya, pero nagulat siya nang makita ang dugo sa kamay niya.

"Ate your bleeding" sabi niya nang halos maiyak. Tinapik ko lang ang ulo niya at ngumiti.

"Im fine," sabi ko. Tinulungan niya akong maglakad, pero napatingin ako sa puno kung saan nanggaling ang putok.

Shainae POV
Nandito ako sa opisina ko, abala sa pag-aayos ng mga papel. Grabe, ang dami! Mahirap maging Vice President, pero mas mahirap siguro maging Presidente. Kahit mukhang walang ginagawa si Supremo, alam kong marami siyang ginagawa, at dapat nga niyang gawin iyon. Bigla na lang may pumasok sa opisina ko.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong niya pagkapasok. Umiling ako.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala," sabi ko. Lumapit siya sa akin at hinimas ang sentido ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Wala ka bang pasok at nandito ka na naman?" tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot.

"Libre ako ngayon kaya napadaan ako. Huwag kang masyadong magtrabaho, baka magkasakit ka," sabi niya. Biglang pumasok si Liahn.

"Oops, sorry," sabi niya nang may nakakalokong ngiti. Hindi na niya tinuloy ang pagpasok at umalis na lang.

"Ang sungit talaga ng sekretarya mo," reklamo ni Kurtz. Oo nga pala, si Kurtz nga iyon. Nanliligaw siya sa akin. Mabait naman siya, at naging close na rin ako sa mga kaibigan niya, sina Liahn at Cassandra.

"Break time na. Tara, punta na tayo sa canteen. Alam kong nandoon silang lahat," sabi niya. Tumango ako at tumayo. Inabutan niya ako ng kamay at lumabas na kami ng opisina.

Kurtz POV

Pagdating namin sa canteen, nakita ko kaagad sina Kytler kaya lumapit kami sa kanilang mesa at umupo. Napansin ko naman si Levi na mukhang malalim ang iniisip.

"Problema nito?" tanong ko sabay turo kay Levi.
"Hindi ko alam, ganyan na yan kanina pa," sagot ni Adam. Tsk, walang kwentang kaibigan.

"Levi, sabihin mo nga," sabi ni Jeyden. Napatingin tuloy sa kanya pati si Levi.

"Nag-droga ka ba?" dagdag ni Jeyden. Sinampal naman siya ni Jacob kaya nagtawanan kami.

"Wala ka talagang kwenta," sabi ni Jacob.

"Malay ko ba kung anong iniisip niya," sabi ni Jeyden. Kaya napatingin ulit kami kay Levi.

"Hayaan niyo na lang ako. Kumain na lang kayo diyan," sabi ni Levi na parang alam niyang kanina pa namin siya pinagmamasdan.

Levi POV

Bakit nga ba sila nagyayakapan ng ganyan sa public place? Kahit walang estudyante, kitang-kita pa rin sila. Ang sweet naman niya, yuck, paasa.

"Levi, ano ba'ng nangyayari sa'yo?" biglang tanong ni Jeyden kaya napatingin ako sa kanya.

"Nag-droga ka ba?" dagdag pa niya kaya binatukan siya ni Jacob, tinawanan naman siya ng iba.

"Wala ka talagang kwenta," sabi ni Jacob.

"Malay ko ba kung anong nangyayari sa kanya," sabi ni Jeyden kaya napatingin ulit sila sa akin.

"Hayaan niyo na ako, kumain na kayo d'yan," sabi ko habang iniisip ko ulit ang nakita ko kanina.

Sino kaya yung kausap niya kanina? Mukhang bata pa tapos pinatulan niya. Nakakainis talaga.

Pero bakit nga ba ako naiinis?

Dahil bata yung pinatulan niya? Oo, tama, dahil bata yun.

"Una na ako," sabi ko at tumayo na.

"Hindi pa nga tapos ang kinain mo, Levi," sabi ni Liahn nang makita ang pagkain ko.

"Busog na ako," sabi ko, tumango naman sila kaya umalis na ako at pumunta sa room. Pagdating ko, mag-isa lang ako dito dahil nasa labas pa lahat.
Umupo ako sa mesa ko at nag-isip ulit.

"Selos ka naman," bulong ng kung sino sa akin kaya napabangon ako at napatingin sa likod kung saan nanggaling yung boses. Nagulat ako nang makita kung sino iyon.

"Bakit ka nanggugulat?" sigaw ko sa kanya pero agad akong napaatras nang nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Bakit ka sumisigaw? Wala naman akong ginawa sa'yo," sagot niya kaya may narinig naman akong tawa kaya napatingin ako sa tabi niya, nandoon yung batang kasama niya kanina nung nakita ko sila.

"Ang cute mo po palang mag selos," sabi nung batang kasama ni Xyrexx.

"Sinong nagseselos?" sabi ko dun sa bata. Tinignan naman ako ni Xyrexx na parang sinasabing yun yung pinaka walang kwenta kong tanong.

"Ako... d-di ako nags-seselos," sabi ko. Linapit niya lalo yung mukha niya kaya agad akong namula at pinilit na ilayo yung mukha niya sakin.

"Ate, parang kamatis na," sabi ng bata. Agad namang lumayo si Xyrexx sakin.

"A-ate?" utal kong tanong nang narinig ko kung ano ang tawag ng bata sakanya.

"Hi po, Im Jasper, kapatid ni ate," pakilala ng bata sakin at kumaway.

"Yan kasi, selos ng selos, di naman kilala kung sino kausap ko," balewalang sabi ni Xyrexx kaya nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi niya.

"Sabing di ako nagseselos," inis na sabi ko. Tinignan niya naman ako.

"Okay, sabi mo," sabi niya at naglakad paalis kaya pinigilan ko siya.

"San ka pupunta?" tanong ko pero nakatingin lang siya sa braso niya na hinawakan ko kaya napabitaw ako dun.

"Aalis na 'ko," bored na sagot niya sakin.

"Bakit po, gusto mong sumama samin?" sabi nung batang si Jasper.

"Di na, Jasper, ingat kayo," sabi ko. Umalis naman si Xyrexx pero naiwan si Jasper.

"Obvious mo masyado," sabi niya kaya napakunot noo ko.

"Ha? Ano?" sabi ko.

"Obvious po na may gusto ka sa kanya," sabi niya kaya namula tenga ko.

.......
A/N Thank you for supporting me and reading my first story. I hope you enjoyed it, despite my imperfections as an author. Please forgive any spelling or typo errors. Your encouragement means everything as I grow. Don't forget to follow, vote, and comment - your feedback fuels my passion for storytelling.

She's The Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon