ERIKA'S POV
Saturday
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang makita ko ulit si Xander. Hindi ko na siya ulit nakita after that day, which is favorable for me dahil wala nang nanggugulo sa isip at sa... puso ko.
"Bye, mommy," paalam ko kay mama and gave her a kiss on the cheek. Back to regular classes ang ganda ko. Nagpatawag ng make-up class 'yong isang professor ko dahil wala daw siya ng monday. Epal lang 'no? Weekend na nga e!
Naglakad lang akong pumunta sa university namin. Hindi naman siya kalayuan kaya okay lang kaso medyo nasanay na rin kasi akong hinahatid at sundo ako ni Joshua.
Joshua's with his family at the hospital today. Hindi ko alam kung bakit, but he's giving more attention and time to his dad than the usual simula noong na-stroke ito. Hindi naman problema iyon dahil kilala ko naman si Joshua. He's family oriented—isang bagay na nagustuhan ko sa kaniya.
"Pssst!" Narinig ko mula sa di kalayuan. Hindi ko nilingon, ni pinansin man. Malay ko ba kung ako 'yong tinatawag? Naiinis ako sa mga ganyan, kasi may pangalan naman 'yong tao, bakit hindi sa pangalan tawagin?
"Psst!" Medyo lumakas at sa tingin ko ay mas lumapit sa akin 'yong tumatawag. I just shrugged my shoulders and continued walking. Natatanaw ko na ang guard ng university.
"Erika!" Finally! Kilala naman pala ako ng mokong! Pero sino naman kaya 'to?
Lumingon ako and to my surprise, akala ko hindi na siya magpapakita ulit and seeing his face pisses me off.
Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay ko. Ano namang ginagawa ni Xander dito?
"Ibaba mo nga 'yang kilay mo! Lalampas na 'yan sa noo mo sige," lumapit siya sa akin at agad ko namang ibinaba 'yong kilay ko. Takot ko lang lumampas ng noo 'to ano!
"Napasyal ka?" Malamig kong tanong sa kanya. I want to treat him coldly; I want to push him away from me.
"Uhhh... ano kasi..." nag-iwas siya ng tingin at napakamot ng ulo.
"If you're looking for Josh, hindi siya papasok ngayon," tinalikuran ko na siya. Maglalakad na sana ako papalayo nang nagsalita siya ulit.
"My mom wants to see you." Huh? Si Tita Alexa? Anong meron?
"Why?" Hinarap ko siya ulit at nag-tilt ng ulo.
"I don't know, she just wants you to visit her. Please?" Nakangiting sagot niya sa akin.
"Pero may class ako—"
"I'll wait for you here, then we'll visit mom after your class." Aba? At siya pa nagdesisyon na mamaya na namin bibisitahin ang mama niya, e hindi pa naman ako pumapayag. Matinde!
"I still have something to do after that," palusot ko. Kahit wala naman talaga at nganganga lang ako sa bahay pagkatapos nitong 2 hours class ko.
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...