Chapter Eleven: TORTURE

226 23 17
                                    

XANDER'S POV

Hindi naman talaga totoo na may emergency akong pupuntahan pero...

ANAK NG TINAPAY NAGKATOTOO!

"Anak sige naaa," si mama. Heto na naman po kami sa mga favors niya. Kakauwi ko lang ng bahay tapos... tss.

"Ma, inutusan mo akong papuntahin si Erika dito tapos ngayon inuutusan mo akong pumunta kanila tito. Ano ba talaga? I can't be at two places at once," pagrereklamo ko. Kasi naman! Makautos kala mo ang dali-daling pumunta doon. Hassle kaya, babyahe tapos traffic, nakakaurat! At isa pa...

Alam ko namang nandoon si Erika. May kirot sa puso, pero sa tingin ko ay doon din naman siya talaga dapat naroon. Matagal ko nang tinanggap na si Joshua na ang nasa tabi niya ngayon. 'Yon nga lang, di ko pa natatanggap ng tuluyan. I think I need more time.

"Baby, sige na. Ngayon ko lang kasi nabalitaan. Hindi naman na sila iba sa atin anak. 'Di ba nga? Sige na, pumunta ka na doon. For mom, please?" I sighed in defeat. Saan pa ba paroroon? Siyempre sa pagpayag!

Nagtext ako kay Joshua na sunduin ako sa labas ng ospital dahil hindi ko naman alam ang room number nila.

Malapit ako sa pamilya nila oo, that was because my mom and his mom are college best friends, parang mula pa nga ata high school days. Tibay ano?

Pero nawalan sila ng communication pagkatapos maka-graduate, and then suddenly after loooong years, ayan! Nagkita sila sa airport ng New York. Doon lang din kami nagkakilala ni Joshua na sa sobrang dalas ng pagkikita ay naging mag-utol na.

Joshua is a good guy, he really is. Masasabi kong in one way or another ay may lamang siya sa akin at meron din naman ako sa kanya. Marami kaming in-common sa pag-uugali at may mga bagay pa rin kaming hindi napagkakasunduan.

Siya 'yong tipong good boy, at ako? Hmm, ewan, neutral? Lol. Kung meron man akong masasabing nagkakasundo talaga kami, 'yon ay sa paglalaro ng mga online games at taste sa babae.

Erika... naalala ko ang malapad niyang ngiti kanina habang naglalakad papalapit sa gate at may kausap sa phone na sino pa ba? Hindi na tinatanong 'yan. Nakakadurong pala ng puso na ma-realize mo na hindi na ikaw ang dahilan ng pagngiti niya.

Speaking of, eto na si Joshua.

"Tol!" Tawag niya sa akin, at nag brofist kami. "Napadalaw ka," nakangiting usal niya.

Ngumiti rin ako, "surprise?" At nagkatawanan kami. "Pinapunta ako ni mama, lol," sabi ko sa kanya sabay akbay.

"Buti naman pinapunta ka ng mama mo, wala ka atang balak bumisita."

Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon