Chapter Twenty-Six: CAN'T STAY

144 15 5
                                    

"Josh!" Lumilinging tawag sa akin ni Krishten. Hindi gan'on ka-crowded ang lugar dahil umaga pa naman pero malaki kaya medyo mahirap pa rin maghanap.


"Here," I raised my hand and she smiled.


"What happened? Why are you in this place?" Nag-aalalang tanong niya nang makaupo na siya sa tabi ko.


"Because I wanted to."


"Josh," she looked at me, "I know you better than that. What happened?"


She does alright. Tinungga ko 'yong natitira sa baso ko.


"Josh, stop! Oh my gosh, tama na!" Pang-aawat niya sa akin. "Naka-ilang shot na po siya kuya?" Bumaling siya sa bartender na nasa harapan lang namin.


"Nakaka-walong order na po siya ma'am. Napapagod na nga ako e, kasi hindi naman talaga ako ang toka dito. Ang aga niyang uminom," pagsusumbong noong bartender—kung bartender ba talaga siya—na sinamaan ko ng tingin. Ang daldal! Bwiset!


Nanlaki ang mata ni Krish, hinawakan niya ang braso ko. "We're leaving this place," matigas niyang usal bago ako hilahin patayo which she failed to do so.


"Ayoko pang umalis! Putek, di pa ako nakakalimot. Ano ba!" Pagpoprotesta ko sa kanya.


"E, kung binabagok ko kaya iyang ulo mo nang makalimot ka?" Asar na sagot sa akin ni Krish na pilit pa ring hinihila ang braso ko.


"E di gawin mo! T*ng n*, pinapunta kita dito para may makasama akong uminom, hindi para patigilin ako!"


"Pwes, YOU of all people should know that I don't!" Pinandilatan niya ako ng mata.


"Then, you better start drinking. It is good!"


"Aba, at kailan ka pa naging promotor ng pag-inom, ha? You don't! The Josh I know doesn't drink."


Buong pwersa kong binawi ang brasong kanina pa niyang hinihila. "Then MAYBE, I am not the Joshua you know!"


Bumuntong-hininga siya, "Joshua please, don't be so stubborn. Tara na."


Umiling-iling ako, "nope, nope. I ain't going anywhere. Not until I forget everything, not until I am back to the time when we were still happy," napasubsob ako sa counter. Tsk, akala ko ba nakakapagpalimot ang alak? Bakit naaalala ko pa rin? Bakit ang sakit-sakit pa rin? Talkshts.


Dahil alam niyang walang patutunguhan ang pagkukumbinsi sa aking umalis ay naupo nalang siya sa tabi ko.


We stayed quiet for a while. Staring at the different types of liquor na maayos na nakalagay sa shelf nila, just in front of our faces.


"Wala ka bang pasok?" I asked her. Naalala kong tuesday nga pala ngayon at ako lang naman ang nag-decide na hindi papasok.

Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon