XANDER'S POV
4:00PM
Tumawa na siya. Grabe, salamat naman at tumawa na sya. I miss hearing her laugh. At least hindi na siya malungkot, it hurts me twice as much pag gan'on sya.
Pagkatapos naming mag-usap ay nagyaya na rin siyang umuwi. Medyo masama na daw pakiramdam niya, which I know kasi pag may period talaga 'yon maraming sakit sakit sa katawan, lalo na sa puson.
Inihatid ko siya gaya ng bilin ng utol ko. Per ibilin man niya o hindi, ihahatid ko talaga si Erika kasi delikado kung siya lang mag-isa, kahit pa sa subdivision sila nakatira eh, malay ba natin 'di ba? You can never be 100% safe these days.
"Uhm, sige... pasok na ako sa loob," paalam niya sa akin nang makarating kami sa kanila.
Lumipat na pala sila... I prefer their former house, mas malaki tingnan.
"Sige, hinahanap ka na siguro sa inyo," usal ko naman.
"Xander? Hijo?" Oh no, I know that voice.
Lumingon kami pareho at nakita namin ang mama niya. I figured so. Patay na ako neto.
"H-hello po, t-tita." Hori clap. Nahihiya ako. Sana pala hanggang doon ko nalang siya sa gate ng subdivision hinatid. Regrets, regrets.
Tinitigan lang ako ni Tita Mabel saglit tapos biglang, "hahaha! Ano ka ba hijo, parang wala naman tayong pinagsamahang dalawa! My, my, you've grown to be a fine man ha," tinapik ni mama—what I used to call her— yung braso ko.
I saw Erika roll her eyes. Bakit? Tutol siya? Tama naman 'yong sinabi ni mama ah? Bait ko nga eh.
Ngumiti ako, awkwardly, "di naman po tita. Si Xander pa rin 'to, halos walang nagbago."
"Ay sus, pa-humble pa. Bakit 'di ka muna pumasok sa loob? Nandoon si Kevin,"
Hinagilap ng mata ko si Erika para matulungan ako. Ayoko pumasok sa loob, baka nandoon ang tatay niya, wala akong mukhang maihaharap sa kanila. Pero wala akong Erikang nakita sa paligid.
'Yong babaeng 'yon! Iniwanan ako sa mama niya! Tsk!
"Ah, sige po." No choice. Nakakahiyang tanggihan si Tita Mabel.
Pagpasok namin sa gate, isang munting garden ang tumambad sa aking paningin. Simula pa noon mahilig na talaga mag-alaga ng halaman si tita. She has bonsai trees of different sizes, orchids na kulay purple and pink, everlasting, at may mga rosas malapit sa pintuan nila. Itinuro din sa akin ni tita ang mga inaalagaan niyang puno ng sili, kalamansi, at meron pang ampalaya!
Paboritong gulay ni Erika!
"Pffft!!" Di ko napigilan ang sarili kong matawa.
"I know what you're thinking," tumawa din si mama, "pinipilit ko talagang kumain ng ampalaya si Erika. Napaka-choosy talaga ng batang 'yon! Ikaw lang naman nakapagpakain ng ampalaya doon."
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...