"Your hair is literally long but I will still say this," he breathed in before continuing, "gravity! Ang haba ng hair mo, nakakalurkey!" Cindy shrieked.
Natawa ako sa naging reaksyon niya nang maikwento ko sa kanya ang lahat mula sa pagkikita namin ulit ni Xander sa mall. To give you an idea on how he looks right now, imagine this: a 6-footer dude, a good looking one, still wearing his school uniform, may pink na headband at hello kitty na pamaypay tapos tumili ng gan'on. I can't help but laugh! Totoo nga 'yong kasabihan nila: Hindi lahat ng lalake ay pogi, at hindi lahat ng pogi ay lalake.
Nandito kami ngayon sa mini-bar ng bahay niya. Yep, he has this mini-bar with different types of liquor. From mild to the hard ones, he got it all covered. Iyon kasi ang business niya, I mean, he owns a club given to him by his deceased father. Siya kaya ang nakaimpluwensya sa akin sa pag-iinom!
Nang mabalitaan kong lumipad na si Xander to somewhere I don't know just two weeks after we broke up, hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak.
Bakit gan'on? Hindi man lang siya nagsabi sa akin. Hindi man lang siya pumunta sa bahay namin kahit mag-bye lang?
Anong i-eexpect mo? Ikaw ang nakipag-break tapos susuyuin ka niya? Di ka kagandahan noh! My subconscious answered for me, at kung pwede nga lang siyang sampalin ay baka nasampal ko na siya. Ang hard niya kaya!
Oo na, ako na ang nakipag-break, but he didn't even try to stop me! Let alone, parang wala lang sa kanya, at 'yon ang masakit. I guess he didn't really care about me that much anymore.
Humahagulgol ako ng iyak, "grabe siya! Napaka-insensitive! Umalis siya? E di lumayas siya! Huwag na siyang papakita sa akin, huwag na siyang uuwi ng Pinas! I don't need him! He's such a jerk! Siya na ang worst sa lahat ng worst na lalake sa mundong ibabaw!" I screamed at the top of my lungs. Wala akong pake kung mabulabog sila mama sa labas ng kwarto ko. I just want to let this all flow out of my system. Because I hate it, because I am hurt and because I hate getting hurt.
"I don't think he's that bad," narinig ko ang boses ng isang familiar na lalake. Agad ko siyang nilingon.
"How can he be not THAT bad?!" I couldn't contain my anger, and this guy is making things worse.
"Erika..." lumapit siya sa akin at naupo sa ibabaw ng kama sa tabi ko. "I know how you feel, believe me, pero I'm sure he has his reason," marahang hinagod ni Lester ang likod ko to calm me down.
I leaned on him at itinago ang mukha kong basa na ng luha. Bakit ba kasi nandito 'tong mokong na 'to? Imbis tuloy na nagwawala ako dito mag-isa e...
"Want a drink?" Narinig kong offer niya kaya napatunghay naman ako sa kanya nang nakakunot ang noo. Seriously now? "Trust me, maiibsan ang sakit," paga-assure pa niya.
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...