JOSHUA'S POV
Pagkagising ko ay agad kong inabot ang aking phone para i-text si Rika, pero laking gulat ko nalang nang nauna na siyang nag-text sa akin. Now, that's new. Lagi kasing ako ang unang nagigising sa aming dalawa.
Baby Ri
Good morning baby ko! :* See you later.
Napangiti ako nang mabasa 'yong text niya. Noong una kasi ay ayaw niyang tawagin ako ng baby kasi korni daw. Pfft.
To: Baby Ri
Morning baby ko! Aga mo ngayon ah, anong meron? I love you.
Sent!
Binaba ko na ang phone ko at dumiretso sa banyo. Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako at nakita ko si mama at si papa na nasa hapag-kainan na.
"Ang tagal naman maligo, dalaga lang anak?" Pantutukso sa akin ni Mom habang si Dad ay nagbabasa ng newspaper. He has a coffee in front of him.
"Naman. Morning mom!" Maikling sagot ko nalang at ngumiti, "good morning dad." Bati ko rin sa busy sa pagbabasang matanda.
"Morning, son! Make me proud!" Nakangiting bati nito na nakapagpangiti din sa akin.
"Joshie, tumawag pala sa akin si Krish kanina," pagkwekwento ni Mom while eating her morning salad. Ayaw niya ng oily foods in the morning.
"And?" Tanong ko. Uninterested.
"Honey," mom reached for my arm. "Kinakamusta ka."
"And you said?"
"That you're fine."
"Okay," patango-tango kong sagot.
"You won't call her back?" Mom raised both her eyebrows and looked at me.
Umiling lang ako at nagpunas ng labi, "I'm busy. Aalis na po ako." I kissed her and dad's cheek to bid goodbye.
Pagkatapos ko kumain ay inayos ko lang 'yong mga gamit ko at umalis na rin papunta sa kanila Rika.
Ilang metro na lang ang layo ko sa bahay nila Erika and I can't wait to see her. What hairstyle would she be wearing?
I saw a black car parked in front of their house. Nandito sila Kevin?
But to my shock...
Nakita kong lumabas si Xander sa bahay at hinatid siya ni Erika sa labas. Papasok na sana si Xander sa loob ng kotse niya but I think he called Erika again and hugged her.
Mahigpit kong hinawakan ang manibela. What the hell? How did they turn out to be so close? Bakit nagpayakap si Rika? Bakit nanggaling sa bahay nila si Xander? Goddamn it! Ano 'to? Deja vu?!
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...