JOSHUA'S POV
*BEEEP BEEEEEEEP*
Halos masira ko na ang busina ng kotse ko sa inis. Isang oras na kasi ang nakakalipas simula nang umalis ako sa mall ay hindi pa rin ako nakakarating sa ospital.
Kaasar!! Ang traffic!!! Ang sarap bumaba ng sasakyan at puntahan ang kung anomang dahilan ng traffic na ito. Nag-aalala na ako kay Dad at kay Mom na alam kong sobrang stressed na.
Para namang hindi ka sanay sa traffic. Isang malalim na buntong hininga nalang ang nagawa ko. Oo nga pala, nasa Pilipinas ako.
Kumusta na kaya si Erika? Agad kong dinampot ang phone ko para tawagan siya. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong tawagan siya, gusto kong marinig ang boses niya. I can feel the strong urge.
Ida-dial ko na sana ang number niya nang biglang tumawag ang mama.
"Hello? Ma?" Punong-puno ng pag-aalalang sinagot ko agad ang tawag.
"Anak, nagising na ang Dad mo!" Tuwang-tuwang usal ng mama ko na sa tingin ko ay maiiyak na.
Napangiti ako sa narinig ko, nabunutan na rin ng tinik salalamunan. Haaaay, salamat po sa Dios!
"Thank God! Mom, I'll be right there," sabi ko sa kanya.
"Yes, son. Please. We'll be waiting," she ended the call right after, kasabay n'on ay ang pag-andar din naman ng mga sasakyan na nasa harapan ko.
God! Thank you!
"Mom!" I ran as soon as I saw my mom walking to my dad's hospital room. Oo, nakarating rin ako sa ospital after 3 hours, sa wakas!
"Joshua! Anak!" She hugged me tight, as if I'll be gone sooner or later. "Akala ko talaga... akala ko..." nanghihinang sumandal siya sa akin at hindi na napigilang umiyak.
Hinaplos ko ang likod ni Mama to give her comfort, "mom, it's alright. I'm here, and so is Dad, di ba?"
Mas humigpit ang yakap sa akin ng mama, "I know, so please don't leave me, ha? Anak?"
I wiped her tears and nodded for an answer.
For some reason, hindi ko alam kung bakit 'yong tuwang narinig ko sa phone kanina ay hindi ko maramdaman kay Mama ngayon. She's sad, lonely, mourning for I don't know what reason. Pero lahat ng 'yon nawala as soon as we entered the room together.
"Dad, how are you feeling?" Nag-aalalang tanong ko pagkakita na pagkakita ko sa kanya. Lumapit ako at nag-mano bago umupo sa upuang nasa tabi ng kama niya.
"Joshua..." mahinang usal ng aking ama. Kitang-kita ko ang panghihina niya and it's breaking my heart.
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...