Chapter Ten: UNENDING COINCIDENCES

232 25 14
                                    

"Erika?" Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko si Joshua.

"Po?" Without thinking, 'yon ang naisagot ko. For the first time in forever nag-'po' ako sa kanya. Gosh, nahiya ako.

"Po?" He laughed, "are you okay? Tinanong ka lang kung pwede kang bumisita dito ngayon eh." Badtrip 'to! Tinawanan pa ako, hmp!

Then it hit me, bakit kailangan ko pang mag-isip kung sinong pupuntahan ko? I should know, hindi dapat ako ma-sidetrack because I am pretty sure I know who my heart beats for. I am certain.

"Of course," I answered with a wide smile on my face. Besides, gusto ko rin naman makita ulit ang parents ni Joshua, specially Tito Jeff to see his condition.

"That's my girl," he proudly said that made my heart skip a beat and I can't help but smile. Kahit na medyo nahihiya na rin dahil pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko.

Gosh, Joshua Mauriz Santos! How can you sweep me off my feet with just simple sentences??

"Erika..." nakangiting sabi ni Xander nang tawagin ko siya to get his attention. Busy na naman kasi sa phone. But well, I don't care.

"Uhm..." okay, paano ko ba sasabihin? 'Xander, I changed my mind, I won't visit your mother' or 'Can I just visit her next time?' I can't make up my mind.

Nakakabinging katahimikan... de joke lang! Nasa school kaya kami so maraming estudyante, hindi lang naman kami ang tao dito. Pero mas awkward pala 'yong maingay na paligid tapos ang tahimik ninyong dalawa.

"Let's not visit my mom today."

"YES! I totally agree!" Napaturo pa ako sa kanya nang marinig ko 'yong sinabi niya.

He raised an eyebrow. Oh no, masyado ba akong obvious? Waaaa! Nakakahiya! It's not like I don't want to see Tita Alexa, it's just that... UGH! Ang sakit sa ulo!

"I... I mean, something came up so..."

"Yup, ako din eh. I had to go somewhere else. Emergency daw," he looked away and put his hands on his pocket.

"Ah, o siya sige, mauna ka na kung emergency naman pala." Gusto ko nang umalis siya para makapag-taxi na ako papunta kay Joshua.

"Sige, uhm... i-text nalang kita kung kailan para mabisita mo si mama. She really wants to see you, sumama siya sa akin dito to check how you've been doing so sana find time to..." nangongonsyensya lang ang peg, hmp! Oo na! Di ko naman sinabing hindi pupunta eh.

"Opo, I'll find the time. Please tell that to Tita Alexa. I hope to see her soon too," nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya at nag-wave sa akin. I waited for him to go bago nagpatawag kay manong guard ng taxi.

Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon