Chapter Thirteen: UNSPOKEN FEELINGS

210 21 6
                                    

"Kuya Xander..." Hnng...

"Oi, Kuya Xander!" Umikot ako sa kanan. Ano ba naman? Natutulog 'yong tao, istorbo!

"Kuya Xander! Pfft, gising na, pinapagising ka na ni mom," bumangon ako at sinamaan ng tingin ang kapatid ko. Istorbo! Ang ganda na ng panaginip ko eh.

"Matutulog pa ako!"

"Huwag na! Mamaya na ulit! Kakain na ng hapunan." Hindi ko alam kung bakit pero para siyang natataeng ewan, nagpipigil ng tawa. Ano namang nakakatawa? Sikmuraan ko siya eh. Wag niya akong mapagtri-trip-an, bagong gising ako!

"Nandito pa ba si Erika?" Kinusot ko 'yong mata ko.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Xy at ngumanga. Ano bang problema niya?

"Uh... kuya, mauna na akong bumaba ha? Sunod ka nalang. Hinihintay ka na namin sa baba," paalam niya at dali-daling bumaba. May kalokohan atang ginawa 'yong batang 'yon. Pag-igihan niya at makukutusan ko talaga siya.

Nagpatuloy ako sa pagkusot ng kanang mata at pagkakuwan ay ang kaliwa naman. Ano ba 'yon? Nangangati ang mata ko. Antok pa? Hindi naman.

Tiningnan ko ang kamay ko at laking gulat ko nalang nang makitang may kulay 'yon. Dali-dali akong pumasok sa CR sa loob ng kwarto ko at...

"XYRUS!!!" Takte kang bata ka, lagot ka talaga sakin, lagot ka talaga!! There's make-up all over my face and I look like a fcking gay!

Madali akong naghilamos. Kaya pala nangangati ang mata ko, hindi ako sanay sa make-up and I will never be! Kanino naman kayang make-up ang ginamit ng kumag na 'yon? At kailan pa siya natutong maglagay ng make-up?

Si Erika! Damn it! Kasabwat si Erika! Baka nga pakana pa ni Erika 'to! Pambihira. Gan'on kasi ang asaran namin pag ayaw magising ng isa, dadrawingan ang mukha. Nako, lagot sakin 'yong dalawang 'yon talaga.

"Xyrus!" Tawag ko sa kanya nang makalabas ako ng bahay. Sa backyard kasi nila naisipang kumain ng dinner.

Hagikhik naman ang sagot sa akin ng dalawa. Grabe, magkasundong-magkasundo sila. Sige! Sila na! Tss...

"Umupo ka na dito Xander," mom was laughing. What?? Nakapaghilamos na ako, wala na akong make-up. What's so funny?

I rolled my eyes at everyone, pinagtitripan nila ako. Bakit? Porket di ako tumulong sa baking session nila? Aba'y matindi.

Napatingin ako sa hapag-kainan, grabe, akala mo fiesta! Ang daming pagkain!

"Ma, anong okasyon?" Tanong ko, not minding their smiling faces. Bahala nga sila. Kakain nalang ako!

"Erika's here, that's what we're celebrating tonight. Ngayon lang 'to kaya lubusin mo na," she kidded.

Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon