ERIKA'S POV
Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos noong pagpunta namin sa resort. Nothing much has changed except that Joshua has been extra sweet and caring ever since, making me love him more.
March is coming up kaya nagtambakan na ang mga projects na ibinibigay ng mga professor namin. Ang dami nang gagawin kaya napagpasyahan namin ni Josh na umuwi ng maaga.
So here I am, lying on my bed. Kakarating ko lang kasi ng bahay at kakatapos lang din magbihis. I looked at my wristwatch, ala-sais na rin pala.
Papikit na sana ang mga mata ko nang biglang mag-ring ang phone ko. I smiled, still with eyes closed. I'm pretty sure si Josh 'to dahil sabi niya tatawag daw siya to let me know that he's home. Kaso parang ang bilis naman? Kinapa ko sa higaan ang phone ko.
"Hello?" Tugon ko sa tumawag pagkasagot ko nito. Malakas na background music lang ang naririnig ko kaya nagsalita ako ulit, "hello?"
"Bakla! Oh my gosh, finally! Nandyan ka na pala." Sus, si Lester lang pala. He seems worried, at parang napakalaking relief sa kanya na sinagot ko ang tawag.
"O, bakit?" Nag-aalala ko ring tanong.
"You should come here! Please! I need your help!" Nakakalarma ang tono niya.
"Hoy, Lester! Sino ba 'yang kausap mo? Nagbabakla-baklaan ka na naman! Hindi kaya bagay sa'yo!" I heard a familiar voice.
"Xander? Les, nandyan si Xander??"
"Oo! Tsaka huwag mo nga akong matawag-tawag ng Les! Baka sa 'yo ko mabunton ang inis ko," asar na sagot niya kahit na beki pa rin ang tono ng pananalita.
"Ha? Ba't ako? Tsaka ano bang nangyari?" Naguguluhan ako. Bihirang mag-init ang ulo ni Lester and this is one of those times.
"Ang ligalig kasi nitong fafabels mo 'te! Kaloka!" Natawa ako doon sa sinabi niya. Nai-imagine ko kasing halos sabunutan na niya ang sarili sa inis. "Sige, tawanan mo pa akong bruha ka! Ikaw kaya ang dahilan nito!"
I laughed more, "ano bang ako? Nananahimik ako dito. Saka, mind you ha? Hindi ko siya fafabels!" Naiiling kong sagot. Ang lakas ng trip.
"Si Erika ba 'yan?" I heard Xander. It's been a while. I mean, it's been a week lang pala.
"Oo! Pinapasundo na kita! Kukulot na ata ang buhok kong kaka-relax lang, dahil sa'yo! Kalerkee!" Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa pag-uusap nila. They both sounded drunk.
"Talaga?" There's happiness in his voice, "pakausap? Sige na?"
"Nako! Sober up! Sabi mo sa 'kin kanina kukutusan mo ko pag pumayag akong kausapin mo siya." Annnd, parehas ngang lasing ang dalawang ito.
"Ehhh!" Xander shouted, parang bata. "Sige na! Hindi na kita kukutusan, promise! Cross my heart, I hope you die," I can imagine him raising his left hand and his right hand on his heart.
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...