"Uggghhh..." Okay, this is so awkward. Bumalik na ako sa pagkakaupo sa pwesto namin.
Magkatapat kami ni Xander. Busy siya sa pagse-cellphone. Naglalaro? Nagtetext? I don't know. Basta ang alam ko busy siya.
Buti pa siya busy. Huhuhu. Super bored ang lola nyo.
Ibinaling ko nalang 'yong tingin ko sa bintana. Ang taas na ng sikat ng araw. Anong oras na ba?
1:00pm
Haaaay, hapon na pala. Ang bilis ng oras. Nakarating na kaya sa ospital 'yon? Sana. Tatawag daw siya e, baka busy pa.
"Gusto mo na bang umuwi?" Napalingon ako agad nang magsalita si Xander.
For some reason bumilis ang tibok ng puso ko. Ano 'to? Kinakabahan?
Kinikilig? Wait what?! Kilig?! Are you kidding me? Napa-face palm ako. Ang fail lang mag-interpret ng subconscious ko.
"What? Ba't napa-face palm ka?" Ay may kasama nga pala ako.
"Hehehe, wala." Awkward. Awkward. Awkward. Kainis!
"So... do you want to go home already?"
"Na'h. Maglilibot na muna ako," walang keme kong sagot sa kanya.
"Oh. Okay. Tara na," tumayo na siya sa upuan.
"Anong tara na?" Taas-kilay kong tanong.
"Well miss, ibinilin ka sa akin ng utol ko. Ihahatid kita sa ayaw mo't sa gusto." Aba! Makapanakot 'to!
"Sus... e 'di fine!" Inirapan ko siya at tumayo na rin. Took my bag, at naglakad na palabas.
"Wait!" He grabbed my arm.
Tiningnan ko siya sa mata at 'yong kamay niyang nakahawak sa braso ko. Excuse me lang, wala siyang karapatang hawakan ako. Chos! Taray ng lola nyo. Hahaha.
Binitawan din naman niya yung braso ko. Nadadala naman pala sa tingin ang loko.
"May napkin ka bang dala?" Bulong ni Xander.
Nanlaki ang mata ko kasi bigla nalang sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa, inches away.
"W-what are you doing?!" Awtomatiko akong lumayo sa kanya. Too close! Too close! Wait, ano sabi niya? Napkin? Bakit?
"Tss... ang arte. Siya na nga 'tong tinutulungan," bulong na naman niya.
"Well, sorry po," I said in a sarcastic tone, "bakit ba? Para saan 'yong napkin?"
"Obvious ba? May tagos ka," walang anu-anong sagot niya.
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...