Chapter Twenty-Nine: WHAT HAVE I DONE?

156 16 12
                                    

JOSHUA'S POV

Pagkatapos namin mag-usap ni Xander ay pumunta ako sa kwarto ni Erika to see how she is doing.


Sa totoo lang, nang makita ko siyang nakahilata sa kalsada habang umuulan ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ulo dahil sa takot na baka nasagasaan siya o may kung anong nangyari sa kanya...




Why is she even here? Nagmadali akong nagbihis at nagdala ng payong bago lumabas.


"Rika? Rika!" I carried her on my lap at tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Basang-basa na siya sa ulan at wala siyang malay.


What should I do? Natatarantang tanong ko sa sarili.


I checked her pulse and breathing, okay naman siya but she's burning hot. I mean, nilalagnat.


Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Ibinaba ko siya sa likod at dumiretso na kami sa kotse.




"Bakit kasi pumunta ka pa?" I asked her kahit na mahimbing siyang natutulog ngayon. I reached for her hand at hinalikan 'yon. "Do you really want to fix this relationship that much?"


Naluluha ako. I am still angry at her for what she did, for what they did. Pero mahal ko siya, mahal na mahal at hindi ko makakayang makita na nagkakaganito siya.


"I'm so sorry. I'm so sorry Erika. I... I did something so stupid that I no longer have the courage to be with you again," binitawan ko 'yong kamay niya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.


I kissed her lips gently. Maybe for the last time.


Lumabas na ako ng kwarto. I looked at Erika again for the last time, memorizing every bit of her from head to toe before I finally closed the door.


"Joshua, you're leaving?" Pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko si tita. May dala siyang maliit na planggana na may lamang maligamgam na tubig at maliit na bimpo.


"Opo, tita," malungkot akong ngumiti sa kanya. "I hope Erika will get well soon." I hugged her, kahit na medyo hirap dahil sa plangganang dala niya. "I'm so sorry, but also thank you for everything."


"Hindi nyo na ba talaga aayusin 'yon? Joshua, pagkakamali ni Erika, oo. Pero hindi mo ba siya kayang bigyan ng isa pang pagkakataon? I can feel Erika's love for you, can't you?" Tiningnan ako ni Tita Mabel, mata sa mata.


I looked down, "sorry po."


Nilampasan ko na siya at nagdire-diretso sa labas ng bahay nila.





Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon