Napangiti ako ng mapait. Okay, I shouldn't have said that. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Naglakad kami hanggang sa /bench.
"Mamimili lang ako ng maisusuot," paalam ko. Wait, ba't ba ako nagpapaalam? Sus me.
Tumingin-tingin ako sa mga bottom clothes. Pants, skirts, underwear... haaaay! Wala akong mapili! Ano ba 'yan, wala namang bagay sa akin dito. Huhuhu. Nakaka-frustrate lang.
Aalis na sana ako sa store nang biglang...
"Isukat mo 'to," out of the blue nasa likod ko na siya at may iniaabot na isang maong dress.
Isukat agad ang sasabihin? Hindi pwedeng 'tingnan mo 'to oh, baka magustuhan mo.'?
I rolled my eyes, "hindi 'yan bagay sakin," nadedepress ako lalo sa ginagawa niya, hays. Miss ko na si Joshua.
"Wag na mag-react. Basta isukat mo na. May vacant doon sa fitting room o, tingnan mo na kung kasya bilis!" sabay tulak sa akin. Aba, naman itong damuhong na 'to!
Dumiretso naman nga ako sa fitting room. Haays, ba't ko ba sinusunod 'yon?
Lumabas na ako after ko ibihis 'yong damit. Nakita ako ng mga sales lady, pati na rin ni Xander na nakangiting nakatingin sa akin.
"Ma'am, ang ganda! Bagay na bagay po sa inyo." Sales lady A. Echos mo ate, gusto mo lang mabentahan. Hahaha.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nagpaikot-ikot. Comfortable naman siya kahit maong. Bagay din siya sa converse at backpack ko. I like it!
"Sabi sa 'yo bagay e," biglang nasa gilid ko na pala siya. Ano ba 'yan! Parang kabute, kung saan-saan sumusulpot!
"Ano ba, para ka talagang mushroom!"
"Four-eyed ka naman," he smiled.
Nagulat ako at automatic na namula. Walan'jo!
Tsk! Nakakainis! I am reminded of the past once again. Haaay... that was what we used to call each other. Endearment na hindi naman dear kung sabihin ng mga kaibigan namin noon.
Napabuntong-hininga ako, "magbibihis na ako."
"Wag na, patanggal nalang natin 'yong tag."
"H-ha? Agad-agad?"
"Yup," he nodded. "And..." iniunat niya ang kamay niya, "akin na 'yong bag mo, may ilalagay ako."
Ibinigay ko rin naman sa kanya 'yong bag ko. Napakamasunurin ko talaga. Nanghi-hypnotize ba itong lalakeng ito?
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...