Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako sa kwarto. Nagbihis ng pambahay at tsaka inihagis ang sarili sa kama. Haaay, seriously, nakakapagod ang araw na ito. Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko at tsaka nag-isip.
Paano ko nga ba aayaing pumunta sa bahay 'yong babaeng 'yon nang hindi siya nag-iisip ng masama?
Hindi naman sa masama ang tingin ko kay Erika pero, kilala ko 'yon, medyo assuming. Hahaha! Baka kung anong isipin pag basta ko nalang siya ayain sa bahay. At isa pa, wala akong contact info no'n, baka naman maghinala si Joshua pag hiningi ko sa kanya.
Puntahan ko nalang kaya sa school nila?
Napa-facepalm ako nang maalala na pareho sila ng school ni Joshua bagama't magkaiba sila ng course. Tsk, kelan ba maghihiwalay 'yong dalawang 'yon? Palaging magkasama!
Dahil wala akong maisip ay umikot ako pakaliwa. Baka kasi different angle lang ang kailangan para makaisip ako ng paraan. Nakita ko ang litrato ni Erika na naka-picture frame sa ibabaw ng maliit na drawer sa tabi ng kama ko.
It was a picture of her reading her book while sitting on a bench under a mango tree. Naalala ko, sa likod lang 'yon ng classroom ko. We were still in first year high school then.
Kinuha ko 'yon frame at hinaplos ang mukha ni Erika na para bang nahahawakan ko nga 'yon. She was different back then: may makakapal na salamin, hindi kahabaan ang buhok, may brace pa. Hahaha! Yes, para ngang si Betty la Feya. But she was so innocent then, so kind, so gentle, at napaka-cute. Nangingiti ako habang inaalala 'yong araw na 'yon.
*CLICK! CLICK!*
Maya't maya ang picture ko sa mga kaklase ko sa loob ng classroom namin with my DSLR. Nagpapractice ako dahil isinali ako ng teacher namin sa photography club, and I will be in-charge of capturing shots in our upcoming school events.
"Xander, dito! Isang shot naman with my friends," tawag sa akin ng isang kaklase ko. Naka pose sila malapit sa glass window ng classroom namin kung saan matatanaw ang bench sa ilalim ng puno ng mangga na nasa likod ng building. It was a perfect place to relax, but not to cut-class, huling-huli agad.
Itinapat ko ang camera sa mga mata ko at inikot-ikot ang lens para i-adjust, for better quality of the photo. Iki-click ko na sana ang button nang biglang makita ko ang isang magandang dilag na nakaupo sa bench na nandoon at tahimik na nagbabasa ng libro. She seemed to be alone.
I-z-in-oom in ko yung lens ng camera para mas makita ko ng malapitan, at parang natunaw ang puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Afraid to lose a perfect shot, mabilis kong pinindot ang camera button. Tiningnan ko 'yong picture. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang ganda ng view.
"Xander? Xander? Xander, tapos na ba? Nangangalay na kami," sabi ng kaklase ko na medyo naiirita na.
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...