Chapter Twenty-Seven: NO WAY TO FIX IT

145 15 11
                                    

ERIKA'S POV

Nang umalis na si Joshua ay inakay na ako ni Xander sa loob ng bahay. Halos hindi ako makatingin sa kanya ngayon. It was my fault. All of it was my fault. Dapat nga siya 'yong inaakay ko ngayon, pero ano? Ako itong kino-comfort niya.


"SUS MARYOSEP! Anong nangyari?!" Halos himatayin si mama nang makita si Xander na siya pang umaakay sa akin sa loob.


"Alam na ni Joshua ma..." umiiyak kong sagot sa tanong niya.


Niyakap ako ng mama ng mahigpit at saka kami naupo sa sofa.


"Xander, hijo," niyakap din siya ng mahigpit ni mama, "I'm so sorry."


"Okay lang po tita," mahinang sagot niya kahit na ang mukha na niya mismo ang nagsasabing hindi siya okay. He has bruises and wounds on his face. As in, nakakaawa siyang tingnan, and I can't even bare look at him knowing that I am the reason for this.


"Anak, kukunin ko 'yon first aid kit. Gamutin mo ang sugat ni Xander ha? I have to call Alexa. My god, bakit ngayon pa?" Natatarantang sagot ni mama.


Pagkabigay na pagkabigay niya ng first aid kit sa akin ay agad akong naglagay ng alchohol sa bulak at dahan-dahang pinupunasan ang mukha ni Xander.


"Aray ah! Huwag ka ngang umiyak d'yan! Ako 'yong sinuntok, kaya ako dapat 'yong umiyak!" Singhal niya sa akin na alam kong pinapagaan lang ang loob ko.


"E, hindi ka naman umiiyak kaya ako nalang," sagot ko sa kanya. Patuloy na tumutulo ang luha ko habang nagpupunas ng mga sugat at dugo niya sa mukha. "I'm sorry." Grabe, awang-awa talaga ako sa kanya.


"I'm fine. Pero sana huwag ka nang umiyak. Bumibigat 'yong kalooban ko," malungkot niyang saad at hinawakan 'yong kamay ko. "Kasalanan ko naman e, ginulo pa kasi kita when I really shouldn't have. It was my fault."


Umiling-iling lang ako, "hindi. Hindi mo kasalanan. I invited you over, nag-aalala lang naman kasi ako. Tanga ko lang rin kasi nalimutan kong sinusundo ako ni Joshua kasi sabay kaming pumasok sa school. Sorry talaga. My gosh, ang dami mong sugat."


"Ang pisikal na sugat madaling gumaling, pero ang sakit sa damdamin, hindi Erika. I know that YOU of all people would know that. I'm so sorry that I ruined your relationship, nasira ko ang tiwala niya sa atin."


Dahan-dahan kong nilagyan ng band-aid ang mga sugat niya, "sana may band-aid rin para sa puso."


"Yea, Joshua needs that right now," marahan siyang ngumiti, "you have to fix your relationship. Please, promise me you will." He cupped my face with his hands.


"I... I'll try," nakayuko kong sagot. I just, can't see him like this.


"I will also do my part. Don't worry," nakangiti niyang paninigurado sa akin. "Do you think he still went to class?"


Tinapik ko siya ng mahina sa noo, "loko! Tingin mo makakapag-concentrate 'yon? Hindi na pumasok 'yon malamang!"


Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon