Chapter Fifteen: DATE-SASTER

207 20 6
                                    

"Tara na sa loob?" Aya sa akin ni Erika na may malapad na ngiti sa mukha. Naka-akbay ako sa kanya at siya naman ay nakaikot ang braso sa bewang ko.

"Mom, I'm home!" Sigaw niya pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay.

Lumabas si tita mula sa dining room, "buti naman at hindi ka nagtagal, or else mapapanis si Josh at ang magagandang bulaklak na dala niya," nakangiting bungad ni tita hawak-hawak ang bouquet na dala ko. Tingnan mo nga naman, nalimutan ko na ang bulaklak na dinala ko kanina. Ang effort pa naman ni Rachel na ihanda 'yon.

Gulat na tumingin lang sa akin si Erika at saka lumapit sa mama niya upang kuhain ang bulaklak na hawak-hawak nito.

"Awww, they're so pretty Josh! Thank you very much," she again gave me a peck on the cheek.

"Happy Valentines," I told her, smiling.

Pero sa halip na ngitian niya ako pabalik ay sumimangot siya, I got confused. Did I say something wrong? "Happy Valentines din, Josh," she smiled, "I didn't really prepare anything, wala kasi sa loob ko na valentines na pala ngayon. I'm so sorry."

"Hey, it's okay. Don't worry, ako ang bahala. You don't need to do anything, just let me be your valentine for today."

"Today lang? E paano tomorrow? The next day? The next day after that?" Nagulat ako nang sumabat sa amin si Tita Mabel.

Natawa kaming pareho nang ma-realize namin na nandiyan pa pala sa tabi namin si Tita Mabel, nahiya tuloy ako sa inasta naming dalawa.

"Kung bibigyan niya ako ng pagkakataong maging valentine niya for the rest of our lives, then... I would gladly accept," I smiled habang nakatingin sa kanyang mga mata.

I saw her blush at mahinang napalo niya ang braso ko, "huwag ka nga! Ang aga, keso," niyakap niya ako at pilit na itinago ang mukha niya. Hahaha, ang cute lang.

"O siya, sige na! Lumayas na kayong dalawa at namimiss ko ang Erik ko pag ganyan kayo, hmp!" Nakangusong pagtataboy sa amin ni tita. Ang cute din eh.

Ngayon ko lang talaga na-realize kung bakit parang ang lungkot ni tita ngayon. Oo nga pala, araw ng mga puso, at base sa pagkakakilala ko kay Tito Erik ay umaapaw din ang ka-sweet-an no'n sa katawan. If I know, kung nandito lang si tito, ay may inihanda na itong sorpresa sa kanya.

Madaling umakyat si Erika upang magbihis and then we're off to our date.

"Saan ba tayo?" Tanong ni Rika habang sumubo ng cake na inorder namin sa Starbucks. I thought it'll be better kung mag-breakfast na muna kami bago pumasok ng sinehan.

"Hmm, you'll see," ngingiti-ngiting sagot ko sa kanya habang kumakain din.

10 am na halos nang makarating kami dito sa mall at gaya ng inaasahan ko ay maraming mga tao ang pupunta dito ngayon. Karamihan couples, families, may mga magbabarkada pa nga, siguro group date gan'on.

Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon