JOSHUA'S POV
February 14, Puso Day
Ala-syete pa lang ng umaga ay umalis na ako ng bahay. I planned a surprise date for Erika.
Hindi sana ako aalis ng bahay ngayon dahil alam kong kailangan pa ng assistance ni mom sa pag-aalaga kay dad dahil kakalabas lang nito sa ospital—yes, kahapon nga nang umalis na sila Tita Alexa ay siyang pasok din naman ng nurse sa room namin upang ipaalam sa amin na maaari nang lumabas si dad, and Erika accompanied me in nursing to his needs para makalabas na sa ospital—pero ipinilit ni dad na dapat ay handaan ko man lang ng kahit simpleng surpresa si Erika sa araw na ito.
And so, here I am, driving.
"Ray, pakihanda na 'yong bouquet. On the way na ako," bilin ko sa pinsan ko. May flower shop kasi sila. They got the best flowers in town and besides, sa tingin ko ay wala pang ibang flower shop na bukas ng mga ganitong oras kaya malaking tulong din na may flower shop sila.
"Uy, ang sweet mo ha. Nilalanggam ang shop ko 'ke aga-aga!" Sabi ng pinsan ko.
I can't help but smile, "naman. Mana-mana lang 'yan. Basta dapat kasing ganda at kasing fresh niya 'yang mga bulaklak ha. Lagot ka sakin pag pangit 'yan," biro ko habang nagdadrive. "Nasa kanto na ako, paliko na dyan."
"Ito na ang best of my best flowers insan! Pag naman hindi pa ito nagustuhan ng girlfriend mo, ewan ko nalang!" Napangiti ako sa sinabi ni Rachel (Ray). Sana nga girlfriend ko na siya, pero hindi naman ako nagsasawang maghintay.
*BEEP BEEP* I pulled off at sinalubong niya ako sa tapat mismo ng shop. Iniabot niya sa akin 'yong bouquet, binilinan akong ingatan at umalis na rin ako.
Alas-otso ng umaga nang makarating ako sa bahay nila. Dahan-dahan kong kinarga 'yong mga bulaklak at nag-doorbell.
Abot-tenga ang ngiti ko nang unti-unting bumukas ang pinto at nakita ko si Tita Mabel na papalapit sa gate.
"Good morning po, Tita Mabel. Happy Valentines po," bati ko sa kanya, with a smile.
Ngumiti rin si Tita Mabel sa akin pero parang alanganin. Bad mood ba si tita? Ang aga naman.
"Good morning at happy valentines din, Josh," she opened the gate, "ang aga mo ah, pasok ka."
I smiled wider, "pasensya na po tita, gusto ko po kasi sorpresahin si Erika sana."
Matipid na ngumiti si tita, "ang sweet mo naman iho, kaso kasi..." she paused in a bit, parang nagdadalawang-isip sa sasabihin, "umalis si Erika ng maaga."
Nawala ang ngiti sa mukha ko, "saan po siya pumunta? Bakit ang aga naman po? Wala naman po siyang sinabi sa akin, ni text po na nakauwi siya kagabi ay wala akong natanggap sa kanya."
BINABASA MO ANG
Here Comes the X (COMPLETED)
RomanceTwo years after break up with her first boyfriend Xander, Erika finally decided to give Joshua, her suitor a chance. Pero ano itong nalaman niya? Si Joshua at si Xander mag-bestfriend? And now that Xander is making her feelings waver, what will Erik...