Chapter Twelve: HER SMILE

228 21 12
                                    

"Ang tagal naman lumabas ni Erika," atat na sabi ni mama habang binabantayan ang bawat babaeng lumalabas sa ospital.

Nasa sasakyan niya kaming dalawa. Mga 30 minutes na rin siguro kaming nakatunganga dito, si mama kasi! Ang lakas ng trip sa buhay.

"Baka nagbago ang isip," bagot na bagot kong sagot sa kanya. 'Yong totoo, gusto ko nang mahiga sa kama ko, gusto ko nang magpahinga.

"Tsk! Hindi 'yon! Palabas na 'yon!" Mom said, her face 100% sure.

"At pa'no mo naman nalaman aber?"

"Mother instincts," nakangiti niyang sagot habang titig na titig pa rin sa exit ng ospital.

Erika syndrome: I rolled my eyes. Mother instincts daw, e hindi naman niya anak 'yon. Pero laking gulat ko nalang nang makitang si Erika nga ang sumunod na lumabas.

Tiningnan ako ni mama mula sa rear mirror saying 'I told you so.'

I laughed, "ikaw na talaga ma, ikaw na!"

"I know right? Ipag-drive mo na ako doon kay Erika dali! Hihihi. Kikidnappin na natin siya!" Minsan talaga ang creepy niya! Kung ano-anong pumapasok na idea sa isip!

I drove slowly towards the walking Erika. Magko-commute lang siya? Hindi siya ihahatid ni Joshua?

Nang makatapat na namin siya ay binaba agad ni mama ang tinted window ng sasakyan sa back seat, doon kasi siya nakapwesto. Para tuloy talaga akong personal driver.

"Erika!" Si Mom.

"O, Tita Alexa! Akala ko kanina pa kayo umalis?" Nakita kong inaaninag ni Erika kung sino ang driver ni mama. Looking for me? Aww... teka lang, napapangiti ako.

"A-ah, eh... may nakita akong papaya kanina d'           yan sa kanto, kaso hindi pala 'yon papaya so na-wow mali ako. Hihihi." I laughed silently, ang galing lang talaga ng mama ko sa mga palusot.

"Gan'on po ba? Hindi naman kasi ata season ng papaya ngayon."

Mom shrugged her shoulders, "anyway, need a lift?"

"Hmm, nakakahiya naman po tita." Sus, kunwari pa daw siya nahiya. Joke mo Ekang, benta!

"Ha? Ano bang hiya-hiya? Parang di tayo close. Nako! Halika na, I won't take no for an answer," nakangiting sabi ni mama sabay bukas ng pinto ng kotse.

Alam ni Erika na mapilit si mama sa gusto niya and I am just so glad na sumakay rin naman siya agad. Not because I want her to come with us, pero dahil gusto ko nang umuwi. Aabutin kami ng siyam-siyam pag tumanggi pa siya.

Here Comes the X (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon