Diary ng Nerd #30

156 4 4
                                    

Dear Diary,

Lahat ng nangyari kahapon, parang panaginip lang. Para akong nasa fairytale. Hindi ako makapaniwala, na yung dating crush na crush ko ay matagal na pala akong gusto at mahal na mahal.

Kakahatid lang sakin ni dennis sa room namin. Nanliligaw na sya sakin ngayon kaya gagawin nya lahat ng gusto ko. Ganun ba 'yun diary? Sorry, ngayon lang ako magkaka lovelife e. Hihi.

From: Dennis

Sabay tayo maglunch mamaya ah. I love you.

Simpleng text lang nya napangiti na nya ako. Ewan ko bat abot langit yung kilig ko.

Kaagad ko syang nireplyan.

To: Dennis

Oo sige. Puro ka I love you. Baka magsawa ka nyan.

Wala pang isang minuto nagreply na sya.

From: Dennis

Kahit kailan hindi ako magsasawa na ipaalala sayo na mahal na mahal kita.

Ramdam kong uminit ang mga pisngi ko sa sinabi nya. Hindi ko na sya nareplyan dahil dumating na yung teacher namin.

"Nandyan na yung boyfriend mo betty." sabi ni kristal.

"Huh? Boyfriend? Sino?" sunud sunod kong tanong.

Tsaka nya tinuro yung nasa pintuan. Shet biglang bumilis tibok ng puso ko. Kanina pa pala nandon si dennis.

"Anong gusto mong kainin? Treat ko." sabi ni dennis habang dala dala nya yung bag ko.

"Ah. Wa-wala. Hehe." nahihiya kong sabi.

Nakakahiya naman kung magpapalibre pa ako sa kanya. Baka akala pa nila pineperahan ko si dennis.

"Ay ang landi talaga niya"

"Oo nga, pagkatapos ni Red, si dennis na naman. Omaygad."

"Mukhang inosente pero may landing di mo inakala."

Bulong ng mga taong nasa paligid namin. Pero rinig na rinig ko naman. Ganyan ba tingin nila sakin? Na iba iba mga lalake ko? Hindi ko naman naging boyfriend si red e. At manliligaw ko lang si dennis ngayon. Hayst.

Haters nga naman.

"Hayaan mo nalang sila." bulong sakin ni dennis. "Pero oras na saktan ka nila, ipapakita ko sakanila ang itsura ng impyerno." tsaka sya ngumisi.

"Haha, grabe ka naman dennis. Baka makulong ka nyan."

"Okay lang na makulong ako basta para sa kaligtasan mo." Aniya.

"Tse! Corny mo." sabi ko.

"Corny ako? Pero namumula ka. Hahaha." aw. Napansin nya pala pamumula ng pisngi ko. Ano ba yan.

Mabilis din kaming natapos mag lunch ni dennis kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming room.

"Gagawa tayo ng 'heart to heart booth' sa valentines." sabi ng president namin. Freeday kasi namin sa AP ngayon kaya nagmimeeting kami.

"Ano na namang pakana nyong yan. Ang korni!" sabat ng masungit na kaklase naming lalake.

Di nalang sya pinansin ng president namin.

"Mag volunteer ang gustong sumali sa booth namin. May extra points daw sa next exam. 10 students lang ang kailangan namin." sabi ni ms.president.

Di na ako nakinig pagkatapos nun. Wala naman akong balak mag volunteer e.

"Tiffany, cr muna ako ha?" tsaka siya tumango.

Papunta na ako ng cr ng,

"Hoy impaktang panget!" may babaing sumigaw ng ganun. Di ko nalang pinansin. Baka di naman ako yung tinatawag nya e.

"Aba at talagang nilalampasan mo lang ako huh?!" bigla syang lumapit sa akin at sinabunot ako.

"Malandi ka!! Malandi ka!! Bagay lang sayo to!!"

"A-araay!" sigaw ko kasi ang sakit talaga ng pagkahila nya sa buhok ko.

Hindi ko alam kung sino ang sumasabunot sakin dahil nakayuko ako habang pinagsasabunot nya.

Naramdaman ko pang tumulong sa pagsasabunot sakin ang mga alipores niya.

Ano bang kasalanan ko sa kanila at ginaganito nila ako!

Naiiyak na ako sa sobrang sakit ng ginagawa nila sakin..

"STOP IT! DARLENE!" sigaw ng lalaki na palapit samin at napatigil yung mga sumasabunot sakin.

Teka.. Parang familiar yung boses ng lalaking yun ah.

"Red..?" bulong ko dahil nanghihina na ako sobrang sakit na ng ulo ko.

Tinignan naman ng masama ni red si darlene at ng mga alipores nya tsaka na sila nagsitakbo paalis.

"Are you okay betty?" tanong ni red.

Ewan ko kung kaya ko syang kausapin. Niloko nya ako! Kahit na niligtas nya ako ngayon hindi parin niya maipagtatakpan yung ginawa nya sakin!!

Umalis na ako pero hinawakan nya braso ko.

"Layuan mok--"

"Please betty, listen to me. Please" sincere nyang sabi. Makikinig ba ako sa explanation nya? E kitang kita naman ng dalawang mata ko na may kahalikan syang ibang babae e!

"I don't want to hear your explanation red! Buking na buking kana pero pinagtatakpan mo pa! Hayop ka! Manloloko!!" sinigawan ko sya tsaka ko na sya iniwan dun.

Nagsitakbo ako hanggang makarating ako sa likod ng school kung saan walang tao.

Napahagulgol na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ang hirap hirap mag move on..

Tiffany calling..

Kaagad ko naman sinagot yung tawag nya tsaka nya tinanong kung nasaan ako dahil ang tagal ko daw, nag aalala na sya sakin.

Sinabi ko sa kanya na nasa likod ako ng school. At pupuntahan nya daw ako.

"Betty.. Bakit ka umiiyak? Tsaka bakit ang dami mong kalmot? Sino nag away sayo?! Sabihin mo sakin!!" galit na sigaw ni tiffany.

Kahit papano gumaan pakiramdam ko dahil sa pagiging concern ng bestfriend ko.

"Ah- wala wala okay lang ako tiffany. Hindi naman ako nasaktan sa mga nang away sakin e. Mas masakit pa din yung panloloko ni red sakin.."

"Hindi ka parin ba makapag move on?" Aniya.

"Hindi pa e.. Niligtas nya ako kanina sa mga nang aaway sakin at gusto nyang pakinggan ko ang paliwanag nya. Pero umalis ako dahil ayoko ng pakinggan pa ang mga kasinungalingan nya!" napahagulgol na naman ako dahil tuwing naiisip ko si red, bumabalik yung pangyayaring may kahalikan sya..

"Ahm betty, try mo kayang pakinggan yung paliwanag nya? Wala naman mawawala diba?"

Napaisip naman ako dun. Oo nga naman wala naman mawawala. Tsaka hindi naman kami e. Masyado lang siguro ako nadala ng emosyon ko dahil nga mahal ko na sya..

Ano diary, hahayaan ko na ba syang mag explain sakin?

P.S

-Magulong sitwasyon -_-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now