Diary ng Nerd #25

147 7 6
                                    

Dear Diary,

This is it!!!!

Pageant na mamaya. Mabuti nalang pinayagan ako ni mama na hindi na pumasok sa school. Wala na rin ginagawa e. Kasi malapit ng mag sembreak.

Naisipan kong silipin sa kwarto ko si dennis.

Natutulog pa sya. Tulog mantika! Ganun ba sya ka-batugan?

Sabagay, sobrang sakit din pala mga nakuha nyang sugat dun sa mga lalaki kagabi.

Lumapit ulit ako sa kanya para linisin ulit ang mga sugat nya. Pero hindi parin siya nagigising. Masarap talaga tulog neto. Di ko maistorbo!

Naligo at nag prepare na ako ng kailangan kong dalhin para mamaya. Kasi 1pm yung calltime namin e. Alas dose na. Mas maganda kung maaga akong nandun para makapag handa ako. Magpapractice pa kasi kame e. Last practice.

"Nanay pag nagising sya wag mo muna syang pauwiin hanggang di nya pa kaya ha? Aalis na ako nay! Bye" tsaka ko hinalikan sa cheeks si nanay. Ano ba yan! Nangangamoy toyo si nanay. Pero mahal ko yan no.

Buti hindi traffic at kaagad akong nakapunta sa school. Medyo napaaga ata ako.

Ilang oras lang nandito nakaming lahat. Sampu lang kaming maglalaban laban. Wala man pre-pageant to. Isang araw lang. Yun yung final. Minamadali kasi e. Dahil rush na. Mag sesembreak na kasi.

Ewan ko bat ang aga aga ng calltime namin, e mamayang gabi pa yung pageant e.

Eto na practice na namin. Sasakit na naman yung paa ko. Psh!

Sa wakas ay break time na namin. Tinignan ko cellphone ko pero walang text na galing sa kanya. Bakit ko nga ba hinihintay na magtext sya sakin?

Ewan ko diary.. Hindi kasi kumpleto ang araw ko kapag hindi sya nagtext okaya hindi ko sya nakikita e!

Bakit ba kasi ang lakas ng tama ko sayo Red?

Dalawang oras lang kaming nagpractice. Mabuti naman. Ayaw na nila kaming mapagod dahil mamaya na yung Ms. Jinha.

Kumusta na pala kaya si Dennis? Oo nga pala bat hindi ko naisipan na i text si red at sabihing nasa bahay namin ang kuya nya?

Itetext ko na sana sya e kaso biglang may dumaan sa harapan ko kaya nahulog ang cellphone ko at nagkahiwa hiwalay.

Yung kasama ko palang mag papageant yung nakabangga sakin. Hindi man lang nag sorry! Maldita kasi yun e. Ewan ko bat ang sungit sungit sa akin ni Monica.

"Sa susunod, kung sasali ka sa pageant, dapat yung sigurado kang mananalo ka!" Tsaka sya umalis sabay irap sakin. Bakit nya nasabi yun? Gusto nya sya yung manalo? Palaklak ko sa kanya yung korona e!! Maldita talaga yun. Ts.

--

Isang oras nalang at mag sisimula na ang Ms. Jinha 2014.

Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba diary!

Inayusan na ako nina Joana at Sharon. Kaibigan sila ni nanay. Bakla sila. Pero ang gaganda. Hindi mo man akalain na bakla pala sila.

Si Joana ang nag make up sakin. Tapos ay si Sharon naman para sa hair ko. Sana maganda ang kalabasan neto. Ang unang isusuot ko ay Cocktail dress. Kulay white sya ang ganda. Proffesional kasi yung gumawa neto. Kaibigan kasi ni papa yung may ari ng kumpanya ng gumawa ng gown ko.

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now