Diary Ng Nerd #16

185 8 2
                                    

Dear Diary,

Dalawang araw nalang at isasayaw na namin yung wellness dance! Huhu. Nakaka kaba. Shet diary.

Nagpapractice kami ngayon ni Red. Kinwento ko nga sa kanya yung ginawa kanina ni Dennis sakin e. Ewan ko bat ang sama ng tingin sakin ni Red. Pangit ba talaga ako? Tch.

Tinignan ko lang sya ng parang nagtataka. Kasi ang saya saya lang namin kanina tapos siya bat biglang nagsalubong yung kilay niya?

"Masama bang magselos?"

Sabi niya. Nagseselos na naman pala yung gangster. Akala ko kung ano na. Hay

"Hindi naman. Tara sa next step na tayo"

Sabi ko sa kanya. Niligaw ko nalang yung usapan. Ayokong ng pag usapan yung mga tungkol tungkol jan. At lalo na kasama pa ang kuya nyang si Dennis.

Pagkatapos namin magpractice~

"Tara na betty ihahatid na kita"

"Ah wag na red. Aayusin ko pa ang mga gamit ko. Sige mauna kana. Ingat ka nalang" sabi ko sa kanya then umalis na siya.

Ilang minuto lang natapos din akong mag ayos ng mga gamit ko kaya aalis na ako. Ako nalang ata mag isa dito sa school e. Nakakatakot diary!

Habang naglalakad ako, may narinig akong nagsisigawan sa parking lot kaya agad akong lumapit.

Hindi ko inaasahan, sina.. Dennis at Red na naman ang nakita ko! Nandito pa pala sila?

"Madaya ka! Hindi ka marunong tumupad sa usapan!" Sigaw ni dennis

Sumagot naman si Red. "Ikaw rin naman ah! Makapag salita ka akala mo tumupad karin sa usapan naten!"

Hay. Ano bang sinasabi nilang usapan nila? Baka may usapan sila na mag date sila tapos hindi sila sumipot hahahaha joke lang diary. Pero ano ba kaya talaga?

"Anong usapan yun?" Tanong ko sa kanila. E sa hindi na ako makapag pigil diary e! Gusto ko na talagang malaman.

"Ahm-- yun ba? Wala yun betty. He-he. Ni-ya-ya ko ka-kasi siyang maglaro ng do-ta pero hin-di siya pu-munta hehe.."

Sabi ni dennis. Bat sya nauutal? Bat sya pinagpapawisan? May problema ba?

"Ah okay" then umalis na ako. Nakisawsaw pa tuloy ako sa kanila. Akala ko kasi kung ano na diary e. Hihi

Tapos umuwi na ako. Nakakapagod talaga mag practice diary -.-

Ps.

Betty <3

____________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now