Diary Ng Nerd #9

294 7 2
                                    

Dear Diary,

"Betty maganda! Betty maganda!" agad naman akong napabangon sa kama ko. Tsaka ko kiniss yung cellphone ko na nag alarm. Ang galing talaga niya manggising. Nakaka goodvibes siya. Hihihi. By the way, pinalitan ko na yung ringtone ng alarm ko diary. Ang panget kasi pakinggan nung alarm ko date. Nagsisinungaling lang yun e.

Dahil sabi ng alarm clock ko na maganda ako, hindi na ako maliligo at mag t'toothbrush. Hindi narin ako magsusuklay kasi baka masira nanaman. Dahil sa matigas na buhok ko. Sinuot ko na agad ang eye glasses ko tsaka dumeretso sa mesa.

Tuyo at asin lang ang almusal ko ngayon. Sarap no? Proud to be filipino ako e. Hm teka, Nasan ba si Nanay? Ay naglalaba pala siya. Ganyan talaga yan. Ang aga aga tsaka naglalaba! Aba matinde -_-

"Betty!! Ilang linggo ka nanaman hindi nagpalit ng panty?!" sigaw ni nanay galing sa labas.

"Dalawang buwan po! Bakit po nay?"

"Ikaw talaga betty! Pinapatay mo nako no? Nakaka suffocate sa bahoooooooo!

Hay. Si nanay talaga. Eh sa tinatamad na akong magpalit e! Tsaka favorite ko yung design na panty kong yun. Shape na hearts! Ang cute diba? Bat ko pa papalitan? Tch. Maiwan na nga si nanay. Buti agad ako natapos mag almusal. Kaagad na akong nagbihis.

*Lakad palabas ng bahay

Saan naba yung driver ko? Chos! Wala na akong driver no. Yep, dati mayaman kami. Ngayon naghirap nakami dahil namatay si Papa. Miss ko na nga siya e. Tapos si mama, hindi na makapaghanap ng trabaho dahil sa over age na siya. Kaya nga inaayos ko pag aaral ko para matupad mga pangarap ko para kay inay ko. Ang natirang gamit nalang ata namin na galing sa pera ni Papa ay yung bahay at refrigerator namin. Luma na yung ref namin pero pinagtyatyagaan pa namin. May sentimental value parin yun 'no diary! Hm. Pati nga 'tong mga braces ko naluma narin. Pinabayaan ko nalang. Tapos yung buhok kong rebonded noon, ngayon mukha ng walis.

Anyways, tama na ang kwento. Balik na ulit tayo dito kung nasaan ako. Nasaan na nga ba ako? Ah eh.. Nasa kanto na pala ako. Nag aabang ng masasakyang tricycle para hindi malate.

Agad naman may dumating na tricycle at buti, nakarating ako ng maaga sa school. Ano ba yan, heto boring nanaman diary.

After 4hours, lunchtime na. Yeheeey! Gutom na ako e. Dali dali akong pumunta sa foodcourt. Hindi ko makakasama ngayong lunch si Tiffany kasi daw may tinuturuan siyang ibang sections na step dun sa wellness dance.

Ay oo nga pala, naalala ko na tuturuan ko ng step si Red. Hintayin ko nalang siya pagtapos ng klase.

Dismissed narin. Umupo muna ako sa isang bench malapit sa may hallway.

"Betty.." ayan dumating na rin si Re-- si Dennis?! Huh? Bat siya nandito? "O anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Talagang nakakapagtaka.

"Turuan mo ako ng practice natin." sarcastic nyang sagot. Aba! Ang kapal ng kalyo nito huh! Pagkatapos akong pinagsasabihan ng panget tsaka sya magpapaturo sakin? Di pwede yun. Di porket crush ko siya, e sasamantalahin nya yun dahil sa may kailangan siya.

Ps.

Bukas ko nalang itutuloy huh diary, inaantok na ako e.

Betty

_______

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now