Diary Ng Nerd #5

365 11 0
                                    

Dear Diary,

Nagising ako ng maaga kanina diary. Nag alarm kasi ako eh. Ang ganda ng panaginip ko! Nasa pool daw kami ni Dennis. Kaming dalawa lang! Tapos ang sweet namin. Hihi. Kaya pala pag gising ko, basa ang kumot at sapin ko. Na ihi pala ako sa higaan! Akala ko nasa pool pa ako e. Kaya pala ang panghi! Damn it!

Dali dali naman akong bumangon sa kama ko, sabay suot ng eye glasses at dumeretso na sa dining room namin. Bukas nalang ako maliligo. Tinatamad ako ngayon e. "Bye nanay!" sabi ko kay nanay pagtapos ko kumain tsaka na ako tumayo at nag prepare ng gamit. Ilang minuto lang natapos din ako.

At hindi ko inaasahan diary, ayun. Nasa kanto ulit si Red James. Yung nakilala kong gwapong mayaman na gangster. 'Oh tara na' pag aaya niya sakin. Pero tinignan ko lang sya. "Pano mo nalaman ang pangalan ko? *sabay irap sakanya na parang galit*" Tinignan nya lang ako at sinenyasan ako na pumasok ako sa kotse nya at dun kami mag usap. Agad naman akong pumasok at baka malate pa ako. Ang aga aga ko pa naman nagising.

'O ano na Red?' sabi ko sakanya habang magkasalubong ang dalawang maganda kong kilay. Chos! "Pano ko ba yun nalaman? Ahm, stalker mo 'ko e" Sabi niya with matching killer smile! What the hell! Mas maganda smile ne'to kaysa kay Dennis. Joke! Pareho lang sila no. Magkamukha nga e.

"Huh?! Stalker ba kamo?! Baka ipapa-patay mo lang ako?" sigaw kong tanong. Pano ba naman, pipili nalang sya ng i s-stalker nya, AKO PA! Lol. "Ang weird mo betty! Syempre hindi no. Inlove kaya ako sayo" wha-what? What did he say? Nababaliw na ba tong gwapong to?

Hindi nalang ako umimik at patuloy nalang din siya sa pagmamaneho. Na shock ako e. Gosh. Hm. Ang tahimik naming dalawa na parang nasa paraiso kami na maraming nagliliparang paru-paro at nakatingin sa bughaw na langit na-- Bigla siyang nagsalita at boom! Naputol ang imahinasyon ko. "Betty, may muta ka pa" What?! Nakakahiya naman. Agad ko naman inalis yung pesteng mutang yun panira ng moment e! Tch.

"Pano mo nalaman na may muta ako? Tinitignan moko no? *Evil laugh*" Sabi ko agad sakanya bago pa niya matanong kung naligo ba ako. Tapos sinusundot ko yung tiyan niya. Nasasalat ko yung mga abs niya! Syete naman oh. Mukhang masarap dilain! Hihi joke lang. "Hahaha wag ka nga. Kanina ko pa nakita yung muta mo. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin yun" tapos tumawa siya.

Hayy. Nakakahiya naman yun. Ilang minuto lang nakarating narin kami sa Jinha Academy. Yeah, yun yung name ng school namin. Nasa parking lot kami tapos bumaba na ako sa kotse.

At alam mo ba diary? Biglang dumaan si Dennis sa harap namin! Pag minamalas nga naman ako oh! Bat ba nila ako pinagsasabay diary? Dapat magsuntukan muna sila kung sinong maunang ma i-date ako. Wag yung biglaan! Hahaha. Joke lang! Nung dumaan si Dennis, nagkatinginan sila ng matagal ni Red. Bakit kaya? Magkakilala ba sila? Hindi naman siguro. Hayyy.

"Betty!! Betty!!" ayun, bigla naman umeksena yung bestfriend kong mabunganga na parang nakalunok ng sampung mega phone at limang malalaking speakers!

"O anong problema mo?" bago pa makalapit si tiffany sakin, nakaalis na si Dennis. Slow motion kasi siyang dumaan kanina e. Ang gwapo talaga ng asawa ko diary. Hihihi

"Tara na sabay na tayong puma-- hmp! Sino pala yan betty? O.o" tanong niya. Parang nagulat sya kasi may kasama akong gwapo hahaha.

"Ah. Si Red James pala. Red James, si Tiffany pala bestfriend ko" tapos nag shake hands sila. Pagkatapos nun nagpaalam na ako kay Red tapos pumasok nakami ni Tiffany sa first subject namin.

Pagpasok ko sa pintuan, may biglang sumalubong sakin sa pintuan. "Tsaraaaan! Gift ko pala sayo betty" sabi nung kaklasi ko na palaging nantitrip sakin. Ano ba nanaman trip gagawin neto sakin? Di ko naman birthday ah? Hayyy. Sa sobrang ganda ko talaga marami na akong nagiging admirer. Diba diary? Hihihi.

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong binuksan yung mystery gift. And guess what. Isang bote ng listerine! Wow mouthwash? Ang bait talaga niya. Hihihi. Sige sige bukas na bukas gagamitin ko to diary. Excited nako.

Osya bukas nalang ah--

Excited ko ng gamitin yung Mouthwash. Masarap kaya yun? Kulay blue pa naman. Hihihi


Ps

Betty

____________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now