Diary ng Nerd #28

151 4 1
                                    

Dear Diary,

Apektado parin ako sa nangyari diary. Sobrang sakit. Hindi ko matanggap na may ibang babae si red. Sabi niya mahal nya ako, lagi syang nag eeffort sakin. Tapos isang iglap lang lolokohin nya lang pala ako.

Hindi ako kumakain, hindi ako nakikinig sa teacher. Palagi akong nakatunganga at malalim ang iniisip.

"Bes, kumain kana kase. Kalimutan mo na yun. Isipin mo nalang na, hindi nag exist si Red sa buhay mo." comfort sakin ni tiffany habang hawak nya ang kamay ko.


"Hindi lang ganun kadali kalimutan si Red, bes. Napamahal na ako sa kanya. Di sya maalis sa isip ko. Kahit na ano pang gawin ko." sabi ko na hindi parin tumitingin sa kanya dahil nakatunganga parin ako sa bintana.


Namumugto parin ang dalawa kong mata, kakaiyak kagabi. Puyat din ako dahil hindi ako natulog.

Break namin ngayon pero di parin ako kumakain.


"Bes, lalaki lang yan. Prinsesa tayo sa bahay natin tapos lolokohin nya lang tayo?! No way. Dapat nga nyan, ipakita mo sa kanya na kaya mong mabuhay kahit wala sya e. Ayaw ng tatay mo na ganyan ka. Dapat maging malakas ka." napatingin ako kay tiffany dahil sa sinabi niya.


Mukhang tama nga sya. Dapat hindi ako nagiging mahina. Dapat maging malakas ako at dapat ipakita ko kay Red na wala man sa akin ang nangyari. Ipakita ko na hindi ako naapektuhan.

Hindi na ako nagsalita at niyakap ko si tiffany. "Salamat, bes. Bestfriend nga kita. Dahil sayo, nagiging malakas ako. Tara na kain na tayo. Ililibre kita." sabi ko sa kanya. Ngiti lang ang iginanti nya. Tsaka na kami pumunta sa canteen.

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa room para sa last 2 subjects.


May ngiti na sa labi ko kahit na may sugat parin sa puso ko.

Maaga kaming dinismissed ng teacher namin. Mabuti naman. Boring kasi magturo yun diary e.

Naglalakad ako sa hallway. Ng biglang may yumakap sakin sa harapan ko.

"Betty.. Im sorry. Let me explain this to you." bulong sakin ni Dennis habang nakayakap sakin. Bakit parang malungkot ang boses nya?

"Explain? Anong i e-explain mo sakin dennis? Hindi kita maintindihan." naguguluhan kong tanong. Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin.


"Bakit parang umiyak ka? Sinong nagpaiyak sayo?! Si red ba? Tarantado sya! Ano bang karapatan nyang saktan ka!!!" sabi niya tsaka nya sinuntok yung pader na malapit sa kinaroroonan namin. Kaagad ko naman syang nilapitan at pinigilan sa ginagawa nya.


"Dennis! Tama na nga yan! Ano ba! E ano ngayon kung sinaktan ako ni red? Tsaka pano mo nalaman ha?!" galit kong tanong sa kanya. Bago siya sumagot, tinapik nya ako sa balikat. "Bukas. 10am kita tayo sa starbucks malapit sa school. Sasabihin ko lahat sayo. See you. Bye" bago pa ako makapagsalita, nakaalis na sya.

Bat ganun? Wala parin akong naiintindihan sa mga nangyayari diary! Nakakaloka!

Ps.

Betty. #HaggardNaBeautyKo

_________

Diary ng Nerd [On-Going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang