Dear Diary,
Maghapon akong naging busy diary. Busy sa pag-aaral at busy sa mga inaasikasong mga gawain. Tulad ng studies at pageant. Tatlong araw nalang at pageant na.
Tumatagaktak na ang pawis ko sa sobrang init. Pati narin dahil sobrang pagod. Nanghihina na ang katawan ko. Katulad ng nararanasan ko araw araw. At konti lang ang kinakain ko dahil hindi ako pwedeng magpakataba.
Pero napapawi ang pagod ko sa tuwing naaalala ko si Red.
Ang mga kabaitan nya sakin, ang mga kasweetan at mga ka'kornihan nya. Namimiss ko. At tuwing naiisip ko yun nawawala lahat ng pagod at stress na nararamdaman ko.
Siguro gusto ko na sya.
Kasi pagkatapos ng araw na yun palagi na syang nasa isip ko. Siguro dahil palagi akong masaya pag sya yung kasama ko. At dahil alam nya ang mga ala-alang namiss ko. Tulad nung dinala nya ako sa Veranda Garden Park. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na yun. Dahil siya ang naging tulay ko para puntahan ulit yun. Noon, si daddy ang kasama ko. Ngayon siya na. Katulad ng pagpapasaya sakin ni Dad ay ganun din ang pagpapasaya nya sa akin kahit na korni sya.
Ilang minuto din ang break namin. Nandito kami ngayon sa room 73. Nagpapractice ng pageant. Nakaupo lang ako sa labas ng room. Nagpapahangin. Dahil sobrang init sa loob kahit na may electric fan na.
At ng makita ko sila, parang pinatay na rin ako. Ang nararamdaman kong pagod kanina parang naibalik lang ulit at nadoble pa.
Parang gumuho ang masayang mundo ko kanina lang..
Nakita ko si Red.. na may inaakbayan na babae. Ang saya nila.. Sobrang saya na tulad nung magkasama kami.
Hindi maalis ang tingin ko sa kanila. Gustong gusto ko ng umiwas ng tingin subalit ayaw ng mga mata ko.. Ewan ko.. Lalong sumasakit. Sobrang sakit. Kasi ngayon nalang ako magmamahal ulit. Dahil nasaktan ako kay Dennis. At akala ko hindi na ako masasaktan kay Red dahil sa sobrang pagmamahal nya sakin. Pero.. sasaktan nya rin pala ako.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanila. At nasampal ko yung babaeng kasama nya. Hindi na kinaya ng pasensya ko. Hindi ko na napigilan. Talagang natamaan na nga ako sa kanya.
Selos na selos ako RED!!
Inawat naman ako ni Red katapos kong ginawa yun sa babaeng hipon na kasama nya. Kasi maganda lang katawan tapos itatapon lang yung mukha.
"Bakit mo ginawa yun betty?"
Nandito na pala kami sa parking lot. Hinila nya ako dito upang dito nya ako kausapin.
"Ah yun ba? Sorry. Kaaway ko kasi yun e. Palagi akong inaasar." Nagsinungaling ako tsaka lang ako tumawa na parang wala man sa akin ang mga nangyari kanina. Jan ako magaling e. Sa magtago ng nararamdaman ko..
Kung alam mo lang red! Kung alam mo lang! Inaway ko siya dahil nagseselos ako! Dahil nakikita kitang masaya! Masaya, na sya ang dahilan at hindi ako! Kung alam mo lang..
Naiiyak na ako. Pero hindi ko parin ito ilalabas kahit sobrang sakit na.
"Kaano-ano mo yung babaeng yun?!"
Hindi pa sya nakakapag salita ay kaagad ko na syang sinampal at lumabas na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Hinawakan nya lang ang pisngi niya at nakayuko lang sya.
Babae nya ba yun ha?! Kaya hindi siya makapag salita ngayon?!
"Ano bang nangyayari sayo huh bat nagkakaganyan ka?! Nagseselos ka ba?"
Bigla akong nanigas sa huling sinabi niya. Nagseselos ba daw ako? Ano sa tingin mo red huh?!!
Ang manhid mo! Letche!
"Hahahahaha" tumawa sya.
"O anong nakakatawa?"
Ewan ko sa kanya bat sya tumatawa e wala naman nakakatawa sa mga pinag uusapan namin. Hanggang ngayon namumula pa yung sampal ko sa kanya pero masaya pa. Ganyan ba talaga mga gangster?
"Halatang nagseselos ka e. Wala ka naman dapat ikaselos dahil kapatid ko yun."
Parang nalaglag ang panga ko sa narinig ko! As in napa NGA NGA ako! Kainin na sana ako ng lupa! Huhu. Diary! Sobrang nakakahiya ang ginawa ko. Ayoko ng magpakita pa sa babaing yun.
"Aahh.. Ta-la-ga? Hehe.. Kapatid mo pala siya.. Ang ganda nya pala hehe.."
Kanina tinatawag ko lang syang hipon tapos ngayon maganda na sya.
"Pasalamat ka mabait yun. Buti hindi sya gumanti sayo"
"Sorry talaga hindi ko sinasadya huhu sana mapatawad nyako"
Hay sana hindi na magalit yung babaing yun sakin. Magdadrama nalang nga ako epic pa!
Tsaka na ako bumalik sa room 73 para sa practice namin.
Sa sobrang pagmamahal ko ba kay red kaya nangyari yun?
Ps.
Betty cutiepatootie <3
__________
YOU ARE READING
Diary ng Nerd [On-Going]
Teen FictionMay magkakagusto parin kaya kay Nerd na si Betty La Fea? Basahin mo para malaman mo! Promise nakakatuwa to :) Diary ng Nerd [ On-Going ] Written by: LJNiiAbra