Diary Ng Nerd #10

288 6 0
                                    

Dear Diary,

Heto na diary itutuloy ko na yung kwento ko kagabi,

"Turuan mo ako ng practice natin." sarcastic nyang sagot. Aba! Ang kapal ng kalyo nito huh! Pagkatapos akong pinagsasabihan ng panget tsaka sya magpapaturo sakin? Di pwede yun. Di porket crush ko siya, e sasamantalahin nya yun dahil sa may kailangan siya.

"Si Red James yung tuturuan ko ngayon. Hindi ikaw" sabay irap ko sakanya. Masungit na ako sakanya. Ang pangit kasi ugali neto e. Di kamukha kay Red, gwapo, mayaman, mabaet pa! Yun nga lang, gangster siya.

"Mas gusto mo na ba talaga si Red ngayon kaysa sakin?" anong klasing tanong naman yan Dennis! Hala.. bat di ako makasagot diary? Tinignan ko lang siya at nag akmang nag iisip. Hmmmm. "Yep mas gusto ko na siya ngayon kaysa sayo!" sabi ko sakanya tsaka ko na sya iniwan dun na nakatulala O.O

Ewan ko, pero yun ang pumasok sa isip ko e. Mas karapat dapat pa talaga sakin si Red. Mabait sya. At mahal nya ako. Siya na ang crush ko. Pero take note! Di ko pa siya mahal no. Hihi

Habang naglalakad ako palayo kay Dennis, nakita ko na si Red na tumatakbo palapit sakin. "Betty!!!! Sorry sa paghihintay ng matagal.." sabi niya sakin tsaka nya ako niyakap. Teka, di nya ba ako naaamoy? Hayst.

"Ayos lang yun. Tara na" tsaka nakami pumunta sa lugar na walang tao at gagawin na ang dapat namin gawin. Dapat yung may sapat na espasyo para hindi kami mahirapan mag...... mag practice syempre! Ikaw talaga diary ang dirty dirty ng utak mo. Ay mali, wala ka naman palang utak.

Habang tinuturuan ko si Red, lumilipad lang ang utak ko. Wala naman pakpak pero nakakalipad! Pano ba naman kasi, iniisip ko parin hanggang ngayon yung tinanong sa akin ni Dennis. "Mas gusto mo na ba talaga si Red ngayon kaysa sakin?" Kailangan nya ba talagang itanong sa akin yan? Diba wala naman siyang pakialam sakin? Hay naguguluhan na talaga ako.

"Betty. Ulit ulit nalang yung tinuturo mo sakin. Di na tayo natapos" sabi ni red.

"Ay anak ng tipaklong!"

Nagulat ako kay Red. Kasama ko pala siya? Ih. Panira kasi si Dennis na yun e. "Sorry Red. Sige next step na tayo" tapos nagpractice nakami. Ilang oras lang natapos din namin.

Hinatid na nya ako sa bahay at nagpahinga na ako. Uupo na sana ako sa kama ko ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Napatigil naman ako. Tsaka ko kinuha yung cellphone ko na nasa kama.

May nagtext pala. Sino kaya 'to? Ah, baka si Red. Baka sasabihin nya, kagad akong kumaen at wag ng magpupuyat. Hihi. No diary? Pero mali e. Kasi naka save dito ang number ni Red. Kasi ang nagtext ngayon, UNKNOWN NUMBER siya.

From: Unknown Number

Mag usap tayo bukas sa ayaw at sa gusto mo. Pagkatapos ng klase. Pumunta ka! -Dennis Fortalejo

Huh? Si Dennis pala. Bat naman kami mag uusap ng mayabang na 'to?! Tch. Ayoko nga. Basta di ako pupunta! Tuturuan ko pa ng step si Red bukas e.

Di nalang ako pupunta no diary? Masasayang lang ang oras ko sa lalaking yun. Bahala sya sa buhay nya!

Ps.

Betty

________

A/n: Hello guys, wala lang. gusto ko lang kayong makamusta haha. Musta na ang pagbabasa nitong DNN? Sana mag enjoy kayo! Abangan ang mga susunod na pangyayari huh!

Add nyo ako sa facebook: Loren Joyce De Guzman

Follow me on twitter: @IamLorenAbracosa

Follow me on Instagram: lorenjoyceeeee

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now