Diary Ng Nerd #11

266 7 0
                                    




LorenJoyce's Message: Uy wag nyo akong kakalimutan i Add ah! Kaagad ko kayong i aaccept. Tsaka, paki vote po pala itong story na to. Yung bawat chapter.

Betty: Aba author! Di nakuntento sa last chapter?! Kailangan ulit ulitin ang pag promote sa facebook? Ako na ulit oh! Nyemas naman to!

Author: Nyemas pala huh? Gusto mo bang pahirapan kita sa mga susunod na chapter?

Betty: Uy readers! Add nyo sya sa facebook ah follow nyo na rin! Wag kakalimutan!! ^_____^

Dear Diary,

"Betty maganda! Betty maganda!" ayun narinig ko na nanaman yung pinaka mabait na alarm clock ko. Hihihi

Pagbangon ko agad naman akong naligo at nag toothbrush.

<<<<<<SKIP>>>>>>>

At Jinha Canteen~

Ayun, kain lang naman ako ng kain. Nilibre ako ni Tiffany e. Ang dami ngang taong tumitingin sakin dahil ang dami kong kinain hihihi. Oh my! Pati si dennis nakita ako. So what. Masarap kayang kumain hahaha

>>>>> Fast Forward <<<<<

"Class dismissed"

Excited akong lumabas ng room namin at pumunta ulit sa bench na malapit sa hallway. Nakita ko naman agad dun si Red. Nauna pa siyang lumabas sakin? Himala ah? Haha.

"Red tara na tuturuan nakita-- teka, bat ang tamlay mo?" nagtaka ako bat ang putla niya at tahimik siya. Malungkot at parang hindi nya alam na kinakausap ko siya. Inshort, wala siya sa sarili niya.

Ilang minuto lang ng katahimikan ay bigla siyang nagsalita. "Betty, next time mo nalang ako turuan. Masakit pakiramdam ko e. Una na ako huh? Ingat ka" sabi niya. Nakaka awa naman siya. Tumango naman ako at sinabing magpagaling siya. Tapos umalis na sya.

*Lakad *lakad palabas ng school

Habang naglalakad ako, tsaka ko naalala si Dennis. Ay oo nga pala sabi niya magkita kami pagtapos ng klase. Tch. Ayoko nga! Manigas sya! Tatakasan ko sya hahaha (evil laugh)

Ilang minuto lang ng paglalakad, napatigil ako. Hiningal ako e! Sa laki ba naman ng school nato. Sa wakas at nandito narin ako sa gate. Tsaka na ako nag abang ng tricycle at agad naman akong nakauwi. Nakaligtas ako kay Dennis! Wahaha. Grabe kasing magalit ang ungas na yun.

Eto ang mga idadahilan ko kay Dennis pag nakita nya ako:

#1. Sasabihin ko na natagalan kami ni Red sa pagpapractice ng sayaw.

#2. Nagutom ako kaya agad akong umuwi.

#3. Di nya man sinabi sa akin kung saan kami magkikita kaya umuwi na ako.

Ayan! Bute matalino ako diary. Bwahahaha

Kinabukasan~~~~

Alam mo ba diary, pagpasok ko ang lakas ng ulan! Galit na galit ang langit! Ang lakas ng kulog at nakakatakot ang mga kidlat! Parang alam ko na kung paano magalit si Dennis..

"Hi betty" *Evil Grin* *Evil Glare* *Evil Smile* Tangina diary! Parang demonyo na 'tong kaharap ko! si DENNIS yan!!!!! Nasa hallway kami. Kaya di kami mababasa ng ulan.

*dug dug dug

Direk!! Ano na ang next na sasabihin ko?!

Author: Tanga betty! wala ka sa penikula!

Betty: Sabi ko nga e huhu

Palapit na siyang palapit sakin. Mygosh nakakatakot ang aura niya. Parang nagsanib pwersa si Hudas at ang lahat ng kontrabida sa drama. Kaso lang eto yung pinaka gwapo kung magalit.

"Oh hello dennis hihi" sagot ko. Pinapawisan na ang maitim kong kili kili at yung may gubat sa pagitan ng hita ko!

"BAT HINDI KA SUMIPOT KAHAPON SA USAPAN HUHHHH?!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw nya. Para syang naka mega phone. Hala nakaka bingi talaga diary! Buti marami pang dumi ang tenga ko at may shield ang mga eardrums ko yeheey. Pero hindi pa panahon para magsaya..

"Ahm ahm--" shet diary! Wala akong alam sabihin! Ay oo nga pala may tatlo akong pwedeng idahilan!!

"Ano?!! magsalita ka!!!" sigaw na naman niya. Di ba siya makapag hintay diary?! Diba ang mga lalaki marunong maghintay? Bakit siya hindi? Jusmiyo!!!

Syempre yung #1 muna yung gagamitin ko. Yung natagalan kami sa practice ni Red kahapon.

"Ahm sorry dennis, natagalan kasi kami sa practice kahapon ni Red e. Kaya yun di nakita---" napatigil naman ako dahil bigla syang sumabat. "Shut up!! Masakit pakiramdam ni Red kaya imposimbling nakapag practice kayo kahapon!!"

Aww. Di effective yung #1! Anyways, may dalawa pa naman e. Okay! #2 na gagamitin ko. Yun yung nagutom ako kaya umuwi ako.

"Ah hehe oo binibiro lang kita. Nagkasakit nga sya hehe... ganito talaga, nagutom ako e. Tapos agad akong umuwi. ^_^" O diba nakalusot ako hahahaha

Pero parang hindi diary e, kasi. Kasi.. napa face palm sya! Anyare? Huhu. Bigla naman nagsalubong ang mga gwapo niyang kilay! Naks!

"Muntik kana nga mabulunan kahapon sa sobrang dami ng kinain mo tapos gutom ka?!!" sigaw nanaman niya.. Hala. Bat di ko naisip yun?

Author: Tanga tanga kasi betty e! Di ka kasi nag iisip. Sabagay wala ka naman palang isip hahaha hooooo! *thumbs down*

Betty: Ano author, habang buhay ka naba talaga makikialam dito?! Dahil nga sayo kung bakit ako ganito ngayon e. Peste!!

Isa nalang yung natitirang palusot ko. Enebeyen!! Yung #3 nalang. Yun yung hindi naman niya kasi sinabi sakin yung lugar kaya umuwi nalang ako.

"Sorry na dennis! Eto na talaga ang rason ko! Hindi mo kasi sinabi sa akin kung saan tayo magkikita e!!" bigla naman naalis ang pagka salubong ng kilay nya at namula siya. Hala. Bakit kaya? tsaka sya naglakad palayo. Tumigil narin ang ulan. Nakikisabay lang sa mood ni Dennis e no?! Dapat pala ang tawag ko nalang kay Dennis ay walk out boy! Palagi siyang ganyan e. Hayysstt

Nakakaloko ang nangyayari sakin no diary? Si author kasi e.

Author: Ako pa talaga ang sisisihin mo!!

Betty: E totoo naman e! bwisit!!

Diary: Hiyang hiya naman ako sainyo no?!!!

Ps.

Betty

_______

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now