Diary Ng Nerd #4

354 9 1
                                    

Dear Diary,

DIIIIAAAAAARRRRRRYYYYYY! Ang saya saya ko ngayong araw na 'to! Kasi may nakilala akong kasing gwapo ni Dennis. Hihi. Pero syempre, si Dennis parin ang type ko. Ganito kasi ang nangyari kanina.



Late na akong nagising kaya nagmadali akong naligo. Wisik wisik nalang. Baka kasi pag nag shampoo at nag sabon pa ako lalo akong ma-late. Paglabas ko sa bahay namin kaagad na akong tumakbo papuntang kanto para mag abang ng tricycle.




Aba! Bat walang dumarating na tricycle? Tumingin ako sa relo ko. Putang inertz! 15minutes nalang malelate na ako! Gosh. Tapos alam mo ba diary, may biglang lumapit sakin na lalaki. Mukha syang gangster! Eeew. Pero, mayaman sya! Kasi naka kotse sya. Pareho kami ng uniform. Edi ka schoolmate ko sya? Pero bakit ngayon ko lang nakita itong hot na lalaking 'to?




'Miss sumabay kana sakin'



Sabi niya. Shit kumilig ako dun. Pero syempre magpapakipot muna ang pinakamagandang si Betty.



'Di ako basta basta sumasama sa mga strangers!'



Yan yung sabi ko tsaka ko siya inirapan. Sa ganda kong 'to hindi ako pwedeng sumama sa kahit na sino! Baka masira pa ang beauty ko tse!



'Im Red James. Nice to meet you. O ano? Hindi na siguro ako stranger no?'



Sabi niya tsaka niya inaya yung kamay nya para makipagshake hands sakin. Edi syempre shinake hands ko siya. Ang lamig ng kamay niya at ang bango ng hininga niya. Tapos sumakay na ako sa kotse nya. Baka malate pa kasi ako e



Mabilis lang siyang nagmaneho. Wala man umiimik sa aming dalawa. Malakas naman ang pinapatugtog niya sa sasakyan nya. Meron kasi siyang malalaking speakers sa loob ng kotse nya.



Ilang minuto lang nakarating narin kami sa school diary. Fourth year high school na rin pala siya. 'Thankyou Red' sabi ko sakanya. Medyo nahihiya ako kasi ngayon ko palang sya nakilala pero nakisabay na ako sa kanya papuntang school. 'Wala yun betty' pagkasabi niya jan. Nagulat ako kasi hindi ko pa naman sinasabi ang name ko pero kilala na nya ako. Ganun ba ako kaganda para maging sikat? Hihihi.




'Pano mo ako nakilala?'



Tanong ko sakanya. Pero smile lang ang ganti niya sakin. Tapos yung mga tingin niya parang nakakalusaw diary! Nagandahan ata siya sakin. Ayiee hihi. Sa sobrang kilig ko hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya. Putek naman! Hindi nya sinagot yung tanong ko. Ih mamaya nalang nga. Ay teka! Nakalimutan ko palang itanong kung anong section niya. Sana makita ko siya ulit. -__-



Tapos nun diary, pumasok na ako sa first subject namin. Wala ng magandang nangyari nun.



Bukas nalang ulit huh,

Betty

_____________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now