Diary Ng Nerd #7

272 7 0
                                    

Dear Diary,

Diaryyy! May bagong recipe nanaman ako! :) Alam mo ba diary, yung chocolate cake na nasa ref namin, binigyan ko ng Ketchup! Ang sarap diba? Hay. Sana balang araw maging chef din ako. <3



It's saturday diary! Nakaka umay. Kaya pumunta ako sa mall. Nagmadali akong naligo at nagbihis. Hihi. Galing no? Kasi naligo ako :D Hihihihi




Nung nasa mall ako diary nagtingin tingin ako ng mga damit. 'Ate magkano ang dress nato?' tanong ko sa saleslady. "Hindi po para sa unggoy yan" sagot niya diary. Hala. Mukha ba akong unggoy? Duhhhh! Mas malabo pa ata ang mata nya sakin e. Ano, sampalin ko na ba 'to diary? Hehehe. Syempre joke lang, sanay nako sa mga ganyan. "Salamat sa pag iinsulto sakin" tapos umalis nalang ako.





Naglibot libot nalang ako sa mall. Ng may biglang nag tipon tipon na maraming tao! Mygosshh. Ano na bang nangyayari? Lumapit ako diary. Nakaka curious e.



Huwaaaaat!? Si-sina dennis yun ah! Yeah diary! Nakita ko sina Dennis at Red na nagsusuntukan. Nasuntok ni Dennis si Red kaya napaupo si Red. Inulit ulit ni dennis ang pagsuntok kay Red. Hindi man lang gumaganti si Red! Kaya lumapit ako! Di ko na matiis e! Hindi ko hahayaan na masaktan lang ng ganun si red. Kahit bagong magkaibigan palang kami kailangan ko parin siyang tulungan.




"Hoy dennis ano ba! Tama na nga!!" sigaw ko. Tsaka naman siya tumigil tsaka nya inayos yung damit nya na medyo nagusot. "Ano bang nangyari red?" tanong ko kay Red. Hindi naman siya nagsalita bagkus, pinunas lang niya ang labi niyang dumudugo.




"Ang pangit mo na nga, pakialamera kapa! Tse!!" sigaw sakin ni Dennis tsaka naglakad paalis. Agad ko naman itinayo si Red at niyaya na umuwi na.



Dinala ako ni Red ngayon sa park. Naka upo lang kami sa damo habang ginagamot ko ang mga sugat nya. Ang cute nya parin kahit na marami siyang natamong sugat sa kanyang mukha. Kawangis nya si Dennis na gwapo.



"Masakit paba?" tanong ko sakanya habang ginagamot ang sugat nya.

"Oo e" sagot nya.



Napabuntong hininga nalang ako. Ano bang gagawin ko? Tatanong ko na ba kung anong nangyayari sakanila? Hay. Kinakabahan ako.




Nagulat nalang ako ng bigla syang magsalita diary!




"Betty may kailangan kang malaman"



Ano kaya yun diary?




Ps.

Betty


________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now