Diary ng Nerd #21

175 9 15
                                    


Dear Diary,

DDIIIIIAAAARRRRYYYYYYYY!!! ANG SAYA NG ARAW NATO. GRABE KINIKILIG AKO. Ganito kasi ang nangyari.

It's saturday again diary. Nakakabored. Pero mas maganda na to na wala kaming practice ng pageant. Atleast makakapag pahinga ako. Hayyy :)

Gusto kong magrelax relax ngayon. Saan kaya magandang pumunta?

Humiga ako sa kama ko at nag isip isip.

Mag jogging kaya ako? Ay baka lalong sumakit yung paa ko.

Yayain ko kaya si Red? Hmm. Sige nga text ko siya.

To: Red James

Red! Tara gala?

Message sent

From: Red James

Ahm. Sorry betty ah. May practice kaming basketball ngayon e. Gabi na matatapos to. Sa susunod nalang. Pasensya na! :(

To: Red James

Ayos lang ano ka ba! Haha. Nabored lang kasi ako e. Sige bye :)

Hay. Ano kayang magandang gawin? Ah alam ko na. Mag mall nalang ako! Hihi ang talino ko talaga no diary? :)

Yung gagamitin kong pera, ay yung mga naipon ko. Ngayon nalang nyan ako makakapag shopping ulit! Dati kasi nung mayaman pa kami halos araw araw nasa mall ako e. Nakakamiss tuloy!

Call ko kaya si Tiffany? Siguradong papayag yun!!

Dialing tiffany..

Kaagad naman nyang sinagot.

[Hello?]

Bes! Tara shopping? Sagot kita.

[Ngayon na ba bes?]

Oo bes! Tara na!

[Aw. Nasa bulacan kami ngayon bes e. Birthday ni papa. Sorry ah]

O sige ayos lang. Ingat ka jan. Bye!

End call

Sayang. Gusto ko pa naman kasama yun. No choice ako, kaya ako nalang mag isa.

Naligo na ako at nagbihis. Naka sale ngayon sa SM Fairview! Excited na ako hihihi.

Naglalakad na ako ngayon sa mall. Kumikinang na ang mata ko sa sobrang dami ng mga magagandang dress!! Di ko alam kung anong bibilhin ko.

Nauhaw ako kaya bumili muna ako ng buko express.

Naglakad lakad ako habang umiinom. Ang daming magagandang dress at heels!

*BOOOGGGSSSSHHHH!

May bumangga sakin. Kaya napaupo ako. Ang sakit nun ah. Kaya nabitawan ko yung iniinom ko.

Pagtingin ko sa taas. Hindi ko makilala ang lalaking bumangga sakin. Dahil naka shades at cap sya. Parang familiar ang lalaking to sakin ah.

Sinamahan naman nya akong tumayo. Tsaka ko sya pinameywangan.

"HOY IKAW LALAKI! HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO HA?! MASAKIT YUNG PAGKAKABANGGA MO SAKIN E!"

"Sorry" yan lang ang sinabi niya. Aba at!! Nakakainis talaga to ah!

Tsaka nya inalis ang shades at cap niya.

"DENNIS?!!!!!"

Sabi ko. Kaya pala familiar e. Kasi siya yung nagligtas sakin nung isang gabi.

"Sorry talaga betty. May humahabol kasi sakin e"

Sino naman? Ay tsaka.. Di pa pala ako nakabawi sa pagligtas nya sakin!

"Okay lang dennis. Salamat pala sa pagligtas sakin nung nakaraang araw ah! Hm. May humahabol sayo? Sino naman?"

Hindi pa sya nakakasagot tsaka nya ako hinila papuntang jollibee. Lilibre ba nya ako?

"Ssshh! Betty wag kang maingay. Nakita na nya ako. Buti agad tayong nakapagtago. Nanjan pa ba sya?"

Huh? Yung humahabol ba sa kanya?

"Sino bang humahabol sayo?"

"Si darlene. Yung babaing nasa labas ng jollibee. Wag kang magpahalata" bulong nya sakin.

Ohh. Si darlene? Yung nagsabing unggoy ako? Tch!!

"Oh I see! Ayan wala na sya"

"Salamat naman at umalis din!"

Nakahinga naman ng maluwag si Dennis. Mukhang ayaw talagang tantanan ni darlene si dennis. Kawawa naman.

"Ano palang gagawin mo dito sa mall betty?"

"Ahm, wala mamimili lang sana ako ng damit."

"Ohh. Bakit wala kang kasama?"

"Oo nga e. Ang malas ko. Si tiffany nasa bulacan. Tapos si red may practice ng basketball. Speaking of basketball! Di ka ba kasali dun? Bat hindi ka nagppratice?"

"Kasali ako. Hindi lang ako pumunta sa practice. Pagod na pagod na kasi ako. Nagdahilan lang ako sa coach namin"

"Ah ganun pala.." Sabi ko.

"May pupuntahan ka katapos mong mag shopping?" Tanong nya.

Nandito parin kami sa jollibee. Nakaupo lang kami pero wala man inorder na kahit na ano.

"Wala na. Ikaw ba?"

"Wala rin. Tara kaen muna tayo sa foodcourt? Treat ko"

"Talaga dennis?! Sure!!! Haha tara na"

Tsaka nakami tumayo at pumuntang foodcourt. Ano kayang nakain ni dennis no diary? Himala ang bait bait nya sakin ngayon.

Nakaupo nakami ngayon sa foodcourt. Ang daming tao. Bute nakahanap pa kami ng mauupuan.

"Order muna ako betty ha? Hintayin mo nalang ako"

Then pumunta na sya sa counter.

May dalawang lalaki naman na umupo sa harapan ko.

"Miss? Ikaw lang ba mag isa?"

"Ahm hin--"

Di ko na natapos sasabihin ko ng nagsalita ulit yung isang lalaki.

"Can I get your number miss?"

"EHEM!!!!!! SHE'S MINE.. Diba babe?"

ANO RAW?! PAKI ULIT NGA DENNIS?

"Ay sorry may boyfriend kana pala.. Sige aalis nakami hehe sorry pare"

Tsaka na umalis yung dalawang lalaki. Maiinis ba ako o kikiligin ako diary?

"EHEM!!!!!! SHE'S MINE.. Diba babe?"

"EHEM!!!!!! SHE'S MINE.. Diba babe?"

"EHEM!!!!!! SHE'S MINE.. Diba babe?"

Shet. Nag blush tuloy ako. Hindi ko makalimutan yung sinabi niya!!

"Bakit mo sinabi yun dennis?

"Ang alin?"

Aba! Parang walang nangyari ah! Wala man ba talaga sa kanya yun?

"Yung sabi mong babe!"

"Ah yun ba? Wala yun"

Tsaka nalang kami kumain.

Kahit kelan di ko talaga nagegets tong lalaking to.

Pero nakaka kilig talaga diary hihi.

Ps.

Betty

____

LJNiiAbra's note: Musta guys? Dalawa in-update ko ngayon haha. Hi @seanyfreak! :)

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now