Diary Ng Nerd #3

446 11 5
                                    

Dear Diary,

Pagkagising ko kanina diary, hindi na ako kumaen. Nakakawalang gana e. Pero syempre diary, dahil broken hearted ako, naligo at nagtoothbrush ako. Hihi. Pagpasok ko sa school diary, namamaga parin mata ko kakaiyak kagabi dahil kay Dennis. May nililigawan na pala sya. Tapos ang panget pa. Wala ba syang taste diary? Tch.



'Lalo kang pumanget'



Pagpasok ko sa room diary, yan yung unang bati sakin ng kaklase ko. Kung kailan ako naligo at nagtoothbrush doon pa ako lalo pumanget. Nang aasar sila lalo no diary? Aba syempre, patay malisya nalang ako. Naglakad nalang ako na parang zombie papunta sa upuan ko. 'Napano ka betty?' tanong ng bestfriend ko.



'Broken Hearted ako Tiffany e'



Sabi ko sa bestfriend ko diary. Nagtataka naman sya. Nakatingin lang sya sakin na parang hindi naniniwala. 'Kailan kapa nagka boyfriend betty?' Well kaya pala, akala niya may boyfriend na ako. Nakakatawa naman 'to.



'Wala no. Nakita ko lang kasi si dennis na may kasamang ibang babae'


'Wag mo ng habulin yun. Kahit kelan di ka na magugustuhan nun betty'




Bestfriend ko ba 'to diary? Tch. Pero sabagay, may point sya. Alam kong panget lang ako. Papano ba naman nga nya ako magugustuhan no diary? Hindi na nga ako kagandahan, hindi pa ako sexy at hindi pa ako matalino. Ano pa naman silbi ko sa mundo? Hay. Nakakalungkot no diary? :(




Buong klase namin diary wala akong ginawa kundi nakatulala lang. Nag iisip ng kung ano ano. Nakakalungkot din isipin, kasi last year classmate ko si Dennis. Ngayon, hindi na.




At alam mo ba diary, pagkauwi ko humarap lang ako sa salamin. Ang panget ko nga. Pero bat sabi ni nanay, ako yung pinaka maganda? Si nanay lang ata nagsasabi na maganda ako. Habang nasa harap ako ng salamin, tinaas ko ang kili-kili ko. Tangina naman sobrang itim na. :( Reject pala yung ginamit kong deodorant nung isang linggo! Hindi nakakaputi ng kili kili nakakainis.



Tapos diary, humiga nalang ako sa kama ko at eto nga, sinulatan kita.



Good night diary. Sana mapaginipan mo kili-kili kong maitim :*

Strong ako,

Betty

___________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now