Diary Ng Nerd #8

283 5 0
                                    

Dear Diary,

Nagulat ako sa sinabi ni Red kahapon. Hindi ko akalain na yun ang sasabihin niya diary! Ganito kasi ang nangyari.

"Betty may kailangan kang malaman" Napatigil ako sa sinabi ni Red.

'Ano yun?' tanong ko habang ginagamot parin ang sugat niya.

"Magkapatid kami ni Dennis" bigla ko nalang nabitawan ang hawak hawak kong bulak. Nagulat ako sa sagot niya dahil hindi ko ine-expect yun. Pagkatapos nun, tumayo na sya at niyaya na akong umuwi. Hinatid na ako sa bahay namin. Ang bilis ng mga pangyayari.

Ganun ang nangyari diary! Kaya pala magkamukha sila no? Hay. Crush ko pa naman silang dalawa. Pero mas crush ko si Dennis kasi mas magaling syang mamorma kaysa kay gangster na si Red.

'Di ka nag toothbrush no?' tanong ng bestfriend kong si Tiffany. Ay nakalimutan ko, nasa canteen pala kami.

'Pano mo nalaman?' tanong ko naman tapos inaamoy ko hininga ko. Putangina! Parang nag papakamatay narin ako. Mas mabaho pa sa patay na daga. Tao ba talaga ako? Tch. 'Color dark yellow na yung ngipin mo bes e' sabi ng gaga. Oo alam ko yun. Kasi kahit naman mag toothbrush ako kulay yellow parin. Hayyy

"Hi Betty" napatigil ako sa nagsalitang familiar na boses ng lalaki. Ini-angat ko naman ang ulo ko para makita ko kung sino siya. Si Red pala diary! Bigla naman siyang tumabi sakin. "O bakit ka nandito?" tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya at sabay sabing, "Wala lang. bawal ba?" sabi ko naman, "Syempre hindi no!" tsaka ko siya binatukan.

"Ay betty, alam mo naba lahat yung sayaw dun sa Nestle Wellness?"

Buong school kasi isasayaw yun tapos i vivideo kami. Parang competition yun. Masaya yung sayaw nayun. Kaso lang ang dami niyang step na dapat itaas ang kamay. Ayaw ko pa naman yun. Nakikita kasi yung gubat sa kili kili ko pati naaamoy yung, alam mo na diary.

"Yup. Memorize ko na lahat yun" sagot ko sakanya. "Bakit ba Red?" tanong ko ulit.

"Di ko pa kasi alam yun e. Baka mapagalitan pa ako sa adviser namin pag di ko pa alam yun hanggang next week. Turuan moko please?" sabi niya then nagmamakaawa siya na magkadikit yung palad nya na parang nag p'pray siya.

"Oo sige Red"

Syempre pumayag ako. Sabi kasi ng teacher namin, kung alam narin namin yung step, dapat namin i share sa ibang sections.

"Sige magsimula tayo bukas ahh" sabi niya then tumango nalang ako

Ps.

Betty

______

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now